Oct. 01 Saturday Teodora Asucion, Maribel Natividad, Sky Madrigal... Isa-isa niyang hinanap ang mga pangalan ng babaeng naging biktima ni Kenjie bago naganap ang unang back-skip. Tinignan niya sa social media ang mga post ng bawat babae upang malaman kung ano ang kalagayan ng mga ito. Paulit-ulit niya itong ginagawa, araw- araw, sapagkat naisip niyang baka kinabukasan ay maghasik ng lagim si Kenjie. Sinubukan din niyang hanapin ang pangalan ni Kenjie Venancio sa social media pero sa kasamaang palad, wala siyang makitang account nito. Marahil ay naka-pribado ang profile ng binatilyo. Sa lumipas na mga araw, wala naman siyang nabalitaan ukol sa tinaguriang most wanted home intruder. Nawala rin ang mga artikulo ukol sa bagay na iyon at normal lamang ang buhay ng mga biktimang babae. Mukha

