"Good morning señorito!"
Bati ng soltera sa lalaki. Kabababa lang nito sa hagdan. Nakakunot ang noo ni Florian hindi ito masyadong nakatulog kagabi. Hindi kasi mawala sa kanyang isipan ang magandang mukha ni Sadia.
Sa tuwing pumipikit siya ay mukha ng babae ang kanyang nakikita.
Tumuloy si Florian sa kitchen sakto naman nag hahanda ng agahan si nanay Elizabeth.
Napansin ni Florian na nag hahanda ng pagkain sa isang plato si nanay Elizabeth.
"Iho gising kana pala. Halina't kumain kana." Anang ng matanda.
"Sa alaga mo ba iyan dadalhin?" Tanong ng binata.
"Oo iho, maaga kasi nagigising ang batang iyon. Kaya ma-aga ko rin siyang dinadalhan ng pagkain."
"Ako na ang mag hahatid ng pagkain nayan para sa kanya."
"S-sigurado ka iho, p-puwede ko naman ito iutos sa ibang soltera."
Sahalip na sumagot ay seryuso lang tiningnan ng lalaki ang matanda.
Binigay nalang ng matanda ang tray ayaw niyang makipapg talo sa binata. Kilala niya ito napaka bugnutin at mainitin ang ulo. Kung ano ang gusto nito ay dapat nasusunod.
Bitbit niya ang tray ng salubungin siya ng isang tauhan niya.
"Boss, saan mo dadalhin yan?" Tanong ng lalaki.
"Doon sa alaga ni pa'pa." Tipid na sagot nito at iniwan na niya ang lalaki.
"Pero boss bawal ka pong mag punta roon. Hindi ba't kabilinbilinan ng iyong ama noon na huwag kang pupunta doon. Kilala mo naman ang iyong ama kapag nagalit iyin nakakatakot." Anang ng tauhan.
"Kilala mo ako maiksi ang pasensiya ko sa makukulit na kuto na katulad mo. Ako ang naririto kaya ako ang masusunod, naiintindihan mo!"
Tapatalon sa gulat ang lalaking ng sumigaw si Florian.
Umalis si Florian na naka simangot.
Hindi na nga siya nakatulog ng maayos kagabi. Bu-buwisitin naman siya ngayon ng mga tauhan niya.
Nang makarating siya pinto ng silid ni Sadia ay dahan-dahan niyang pinihit ang siradura ng pinto.
Nadatnan niya ang babaeng nag susuklay ng buhok nito kaharap sa malaking salamin.
Napatitig siya sa makinis na likod ng babae. Backless kasi ang desinyo ng ng suot nitong mahabang dress.
Bagong ligo narin ang babae kaya nasamyo niya ang mabangong shampoo na ginamit nito.
Mula sa reflection ng salamin ay nakita siya ng babae. Nangislap ng mga mata ng dalaga.
Agad itong napaharap sa kanya at patakbong nag tungo sa harapan ni Florian.
Pinag katitigan siya ng babae na parang may sinusuri sa buong mukha niya. Napako ang mga mata ni Sadia sa pagitan ng mga hita ni Florian.
"Nag balik ka, pahihiramin mo naba ako ng bola mo." Inosenteng wika ng dalaga at muling tumitig kay Florian.
"No, here you breakfast!" Matigas na turan ni Florian at sabay abot ng pagkain sa babae.
Ngumuso ang babae at tinalikuran siya hindi man lang pinansin yung dala niyang pagkain.
"Ayaw ko kumain. Ang gusto ko makakita ng totoong bituin at buwan sa madilim na kalangitan. Katulad nun." Sabay turo ng dalaga sa wall ng kanyang silid.
Sinundan ng tingin ni Florian ang tinuturo ng dalaga.
Namangha siya dahil may mga naka ukit sa dingding nito. Isang kulay itim na kalangitan may mga bituin at buwan doon.
"How did you do that?" May pag kamangha sa boses ni Florian.
Hindi naman siya pinansin ng babae at nag patuloy sa pag lalakad at naupo sa silya.
Napansin ni Florian ang kalungkutan sa mata ang mukha ng babae.
Sa haba ba naman ng panahon na kulong ito halos wala itong alam sa totoong mundo.
May kung anong kumurot sa puso ng lalaki at parang nang lambot siya.
Bakit ganito ang nararamdaman niya matigas siya na parang isang buhay na bato. Wala siyang nararamdaman na awa sa kahit kaninong babae na nakakaharap niya. Pero sa babaeng ito parang tiklop siya.
"Gusto mo bang makakita ng totoong buwan at bituin sa madilim na kalangitan?"
Agad lumingon ang babae sa kanya at matamis na ngumiti at tumango.
"Halika," Tawag niya sa babae.
Tumayo ang babae at nag lakad papalapit sa kanya.
Hinawakan ng isang kamay ni Florian ang malambot na palad ng babae at inakay palabas ng silid.
Dahil walang suot na pang sapin sa paa si Sadia ay naka paa lang itong nag lakad palabas ng silid.
Nang makarating sila sa bulwagan ay lahat ng solterang naroon ay bakas ang pag kagulat sa mga mata ng mga ito.
Sakto namang pumasok ng pinto ng mansion si Raul. Ang kanang kamay ng ama ni Florian. Ito ang na ngangalaga noon sa mansion ng umalis sila Diego patungo sa ibang bansa.
Kahit siya ay nagulantang sa nakita, sa tagal niyang naririto sa mansion ngayon niya lang nakita ang batang babaeng noon na kinidnap nila. Na ngayon ay dalaga na pala ito at napaka ganda nitong dalaga.
Agad napayakap si Sadia sa baywang ni Florian dahil nakaramdam ito ng takot.
"Nakakatakot ang isang Alien na iyon bakit yung buhok niya sa ulo ay napunta sa kanyang baba at mukha." Wika nito at siniksik ang mukha sa likod ni Florian.
Kalbo kasi itong si Raul at may makapal na balbas sa mukha at baba.
"Huwag kang matakot bumaliktad kasi ang utak niya kaya napunta sa baba ang buhok niya." Mahinang wika ni Florian.
"Florian, bakit mo inilabas ang babaeng iyan sa kanyang silid. Alam mo bang pinag babawalan ng pa'pa mo na huwag palalabasin ang babaeng yan." Anang ni Raul.
"Anong gusto niyo ikulong ng habang buhay ang babaeng ito sa loob ng silid na iyon. Look at her, masyado siyang inosente sa lahat ng bagay. Ako ang naririto sa mansion na ito, kaya ako ang masusunod!"
Matigas na turan ng lalaki at hinila ang babae patungo sa dining area.
Malalim na hininga ang pinakawalan ni Raul.
Hindi niya pwede kontrahin si Florian kilala niya ito maiksi ang pasensiya nito baka mapatay siya nito ng maaga kapag nakipag talo pa siya.
Mas nakakatakot pa ito kay Diego kapag nagagalit.
"Kumain kana at mamayang gabi ipapakita ko sa'yo ang bituin at buwan."
Seryusong wika ni Florian.
Maganang kumain ang dalaga pinag mamasdan naman ito ni Florian habang kumakain. Hindi mapigilan sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki.
Nakita naman iyon ni Elizabeth at ng ibang soltera.
"Nanay Elizabeth baka mainlove po si señorito kay Sadia." Bulong ni Layla sa matanda.
"Hindi mo po ba tatawagan o ipapaalam kay sir Diego ang nangyayari dito sa mansion, paano kung biglang umuwi si sir Deigo." Wika pa ng isang soltera.
"Hayaan niyo muna si Florian gawin ang gusto niya. Hindi natin siya pwedeng kontrahin kilala niyo siya kung paano magalit. At isa pa mukhang na aaliw siya kay Sadia, ngayon ko lang siya nakita ngumiti ng ganiyan." Saad ng matanda.
"Ito ba ang damo?" Bulalas ni Sadia nasa malawak na pavilion siya ngayon at nag tatalon at tumatakbo ng nakayapak.
Si Florian naman ay naka-upo sa isang upuan na gawa sa bakal habang pinag mamasdan si Sadia na aliw na aliw na hinahawakan ang mga halaman at bulaklak sa paligid.
"Grabe ang ganda niya pare, kung alam ko lang na may alaga tayong magandang babae dito sa mansion. Araw-araw ko siyang dadalawin sa kuwarto niya, para hindi siya gaano ka inosente, tuturuan ko siya ng tamang pag lalaro, masasarapan pa siya."
Bulong ng isang tauhan na lalaki at sabay hagikhik.
Napakuyom ang kamao ni Florian dahil hindi naka ligtas sa kanyang pandinig ang sinabi ng lalaking tauhan.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nag lakad papalapit sa dalawang lalaking nag hahagik-hikan.
"Anong sabi mo?!" Matigas na turan ni Florian.
Namutla bigla ang lalaki dahil may nakatutok ng dulo ng baril sa kanyang bibig. Ilang beses siyang napalunok at pinag pawisan ng malapot.
"S-sorry boss hindi na po mauuilit." Nanginginig na saad ng lalaki at yumuko.
"Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi tataniman ko ng tingga ang bastos mong dila!"
Masamang tinitigan ni Raul ang mga tauhan at sininyasan na umalis.
Muling naupo si Florian sa silya at pinag masdan muli si Sadia nakahiga ito ngayon sa malalinis na bermuda at ninanamnam ang sikat ng araw.
Tumunog ang ang cellphone ni Florian sinagot namab ito ni Raul.
"Boss, si Mr Kingston." Anang ni Raul at sabay abot ng cell phone kay Florian.
"Thunder Napatawag ka?" Wika ni Florian.
Si Thunder ay matalik na kaibigan ni Florian.
Nang matapos mag usap ng dalawang mag kaibigan ay pinuntahan niya si Sadia.
"Aalis ako bumalik ka muna sa silid mo, mamaya kana lang ulit mag laro."
Agad napatayo si Sadia dahil sa narinig.
"Aalis ka, maari ba akong sumama?"
"No! Bumalik kana sa kuwarto mo at hintayin mo na bumalik ako."
"Ayaw ko! Gusto ko pa mag laro, gusto kong sumama sa'yo." Naiiyak na turan ng dalaga.
"Hindi nga pwede!" Matigas na turan ni Florian.
"Edi dito nalang ako mag lalaro nalang kami nila ate Layla at nanay Elizabeth." Maktol ng babae.
Nakagat ni Florian ang pang ibabang labi niya hindi siya mananalo sa babaeng ito napaka kulit.
"Fine!"
Hinila niya ang babae patungo sa malawak na garahe.
"Sakay!" Utos ni Florian at pinag buksan niya ng pinto ng kotse si Sadia.
Hindi nag usisa ang babae at pumasok narin ito sa loob.
Nasa backseat silang dalawa habang si Raul ang nag mamaneho ng kotse.
Panay lingon ni Sadia sa labas ng sasakyan at aliw na aliw sa kanyang mga nakikita.
Mabilis ang patakbo ni Raul ng kotse ng bigla siyang napa preno dahil bigla nalang may sumingit sa unahan niyang isang sports car na kulay puti.
Muntikan pa mauntog ang ulo ni Sadia sa salamin ng kotse buti nalang ay maagap siyang nahila ni Florian kaya sa matigas na dibdib ng lalaki na ngudngod ang ang mukha ng babae.
Marahang nag angat ng ulo si Sadia para tingnan si Florian.
Nanatiling nakahawak ang isang kamay ni Florian sa maliit na baywang ng babae.
Nakakunot ang noo ni Florian habang nakatitig kay Sadia.
"Alien bakit, bakit ang bilis ng t***k ng puso mo? Naririnig ko." Mahinang usal ni Sadia at dinikit ang kanyang tainga sa dibdib ni Florian.
Agad naman binitawan ni Florian si Sadia at marahang tinulak papalayo sa kanya.
"Raul! Ano ba yan mag dahan-dahan ka nga!" Inis na usal ni Florian at tinuon ang panigin sa labas ng sasakyan.
"Pasensiya na boss, bigla kasing may sumingit na puting sports car sa unahan natin." Paliwanag ni Raul.
Muling umusad ang kotse. Nang makarating sila sa isang mamahaling restaurant ay kasama parin si Sadia. Habang si Raul ay inutusan ni Florian na mag tungo sa condominium ng Deogracia at pinakuha ang isang briefcase doon sa kanyang unit.
Nang pumasok sila sa loob ay hindi maiwasan pag tinginan ng mga tao roon si Sadia. Nakayapak lang kasi ito buti nalang at mahaba ang suot niya dress.
Nang makalapit sila sa isang table naroon na ang isang lalaking nag hihintay.
"Bro!" Wika nito at tumayo at nakipag manlyhug kay Florian.
"Kamusta nakabalik kana pala ulit sa pilipinas. Hindi ka manlang nag pasabi."
Simpleng ngiti lang ang tugon ni Florian sa kaibigan.
Nabaling naman ang atensiyon ng lakaki sa likuran ni Florian.
"Wow, may kasama ka palang magandang dilag." Naka ngiting turan nito.
"Hi, beautiful lady."
Sambit ni Thunder at nilahad ang kamay upang makipag kamay kay Sadia.
Ang babae naman ay nanatiling naka tingin sa kamay ni Thunder.
"Pasensiya kana masyado kasi siyang mahiyain." Sambit ni Florian at pinaupo si Sadia sa isang silya.
Habang nag uusap ang dalawang mag kaibigan. May tumawag sa cellphone ni Florian nag paalam itong sasagutin niya muna ang tawag.
Umalis si Florian at nag punta sa labas ng restaurant.
Naiwan naman ang dalawa si Thunder at Sadia.
"Anong pangalan mo?" Malumanay na tanong ni Thunder sa babae.
"Pangalan? Anong pangalan?" Tanong ni Sadia.
Kumunot ang noo ni Thunder. "Hindi ba nito alam sarili niyang pangalan?"
Sa isip-isip ng lalaki.
"Ahmm, naiihi ako may cr ba rito?"
Tanong ni Sadia sa lalaki at tumayo.
"Y-yes, halika samahan kita."
Hinawakan ni Thunder ang braso ni Sadia at inalalayan ang dalaga patungo sa comfort room ng restaurant.
Pag balil ni Florian nag taka siya dahil wala na si Sadia at ang kaibigan niya.
Napakuyom ng kamo si Florian at lumingon-lingon sa paligid.
Bakit ganito, nakakaramdam siya ng inis sa kanyang puso.
"Alien?" Tawag sa kanya ni Sadia.
"Saan ka nag punta?!" May gigil sa boses ni Florian at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Sadia.
"P-pare relax nag punta lang siya sa comfort room. Sinamahan ko lang."
Sambit ni Thunder at marahang niyang tinapik sa balikat si Florian.
Napatingin naman si Florian sa kamay ni Thunder naka hawak ito sa kamay ni Sadia. Lalong sumama ang kanyang timpla.
"Uuwi na kami." Paalam ni Florian sa kaibigan.
"Huh? Bakit naman may pag uusapan pa tayo diba?" Nag tatakang turan nito.
"Saka nalang siguro." Walang ganang sagot nito at hinila na si Sadia palabas ng restaurant.
Napangisi nalang si Thunder dahil sa ina-asal ng kanyang kaibigan.
"Alien galit ka ba?" Pangungulit ni Sadia sa lalaki. Naririto sila ngayon sa labas ng restaurant nag hihintay sa pag dating ni Raul.
"Pwede huwag kang nag titiwala sa kahit kanino! Kahit sa lalaking iyon!"
Mariing wika ni Florian.
"Pero naiihi na kasi ako, ang sakit na nang tiyan ko."
"Sana pinigilan mo!" Angil niya sa babae.
"Pwede ba yun pigilan ang ihi? Sabi ni nanay Elizabeth bawal daw na pigilan ang ihi."
"Can you please shut up ang ingay at ang kulit mo!"
Nang dumating si Raul ay agad pinasakay ni Florian si Sadia sa kotse.
"Saan po tayo boss?"
"Sa mall." Maiksing wika ng lalaki.
Nag punta nga sila sa mall pag kapasok nila sa loob ay pinag titinginan ng mga tao si Sadia. Hindi maiiwasan dahil napaka ganda nito. Ngunit ang agaw pansin sa kanya ay wala siyang pansapin sa ilalim.
Hinawakan ni Florian ang dalaga at inakay patungo sa escalator.
"May hagdan palang umaandar?!" Bulalas ng dalaga ng makasakay sila.
Nang makarating sila sa second floor ay biglang bumitaw si Sadia kay Florian. At umikot ito patungo sa kabilang escalator.
"Hey!" Napakamot nalang ng batok si Florian at tumitig nalang kay Sadia habang pababa ito ng escalator.
Muling sumakay si Sadia paakayat ng escalator halata sa babaeng aliw na aliw ito.
Nang muli siyang maka-akyat ay hinawakan kaagad siya ni Florian sa braso nito.
"Enough!" Matigas na turan ni Florian. Nag pupumiglas naman ang babae at pilit bumibitaw kay Florian.
"Gusto ko pang mag laro."
"Tama na!" Medyo napalakas ang pag sabi nito sa babae kaya biglang nag tubig ang mata ng dalaga. Parang iiyak ito.
"Agad naman nang lambot ang puso ni Florian ng makita niya ang pag tulo ng luha ni Sadia.
"I'm sorry!" Mahinang usal ni Florian at pinunasan ang nabasang pisngi ni Sadia dahil sa tumulong butil ng luha nito.
Hindi naman na nag salita si Sadia tahimik nalang ito habang nag lalakad.
Dinala niya ang babae sa isang store kung saan pulos sandals.
Nag utos siya sa mga sales lady na mag dala ng maraming sandals sa harapan niya.
Tahimik naka upo sa isang mahabang couch si Sadia katabi si Florian. Habang hinihintay ang mga sandals para kay Sadia.
Nang dumating ang mga babae ay isa-isang nilapag sa sahig ang mga box ng sandals.
Kumuha ng isang maliit na upuan ang isang babae. Umupo ito sa harapan ni Sadia at nag umpisang buksan ang isang box ng flat sandals.
Isusuot na sana ito ng babae nag mag salita si Florian.
"Ako na." Wika ng lalaki at tumayo.
Napataas ang kilay ni Raul dahil sa narinig.
Umupo si Florian sa harapan ni Sadia at kinuha at pinatong niya ang paa ni Sadia sa hita niya.
Isinukat niya ang lahat ng sadals sa paa ni Sadia. Lahat ay kasya kaya binili niya lahat ito. Isang kulay pulang flat sandals ang suot ngayon ni Sadia.
"Ang ganda!" Anas ni Sadia at nag tatalon ito sa tuwa.
Napangiti naman si Florian dahil nakita niya ng ngumingiti ang babae. Pero hindi parin siya nito pinapansin.
Ang kinukulit ni Sadia ngayon ay si Raul. Wala naman magawa si Raul kundi kausapin si Sadia. Pakiramdam ni Raul ay mababaliw siya ngayong araw.
Baka bukas ay dalhin na siya sa mental kung patuloy siyang kukulitin ni Sadia.
Sunod naman na binili ni Florian ay mga damit at dress para sa babae.
Pag katapos ay binilihan niya ng ice cream si Sadia.
Nauunang mag lakad si Sadia dahil si Florian ang busy sa kausap nitong babae sa cell phone. Abala ang dalaga sa kinakain na ice cream ng biglang may makabangga si Sadia. Lahat ng ice cream na kinakain nito ay napunta sa damit ng babaeng naka bangga niya.
"Oh,, Damn it ! Mamahalin ang dress ko na ito!"
Bulalas ng bababe at masamang tinitigan si Sadia.
"You witch bayaran mo ang damit ko!" Singhal ng babae at sabay tulak kay Sadia kaya napasalampak ito sa sahig.
Agad naman binaba ni Raul ang mga paper bag na dala-dala niya. At hinawakan sa braso ang babaeng tumulak kay Sadia.
"Pwede ba huwag mo ididikit ang maduming kamay mo sa makinis kong balat!" Singhal muli ng babae at sinampal si Raul sa pisngi nito.
"At ikaw babae huwag kang tatanga-tanga tumingin ka sa dinadaanan mo! Look at what you did! Dinumihan mo ang damit ko. Ito ang nararapat sa'yo!"
Binuhusan ng babae si Sadia ng milk tea na iniinom nito. Kaya basang-basa ngayon ang buhok at damit ni Sadia.
Hindi pa nakuntento ang babae at hinila niya ang buhok ni Sadia patayo. Nang makatayo si Sadia ay sinampal niya ito ng napaka lakas sa pisngi.
"Ma'am awat na." Wika ni Raul sa babae, kung hindi lang siguro ito babae baka nasikmuraan na ito ni Raul.
"Let her go!" Galit na boses ni Florian ang naka-agaw ng pansin ng babae.
Dahil sa gulo maraming tao sa paligid ang nakiki-isyuso.
"I said let her go! Are you f**cking deaf b***h!" Muling saad ni Florian sa babae.
Umiiyak narin si Sadia.
Binitawan naman ng babae ang buhok ni Sadia at tinuon ang atensiyon kay Florian.
"Hey hands--"
Hindi natapos ng babae ang kanyang sasabihin ng sampalin siya ni Florian.
Napasinghap ang lahat ng tao sa paligid.
"Bakit mo ako sinampal!" Sigaw ng babae.
"Dahil iyan ang nararapat sa katulad mo. Don't f**cking hurt her ! Kung ayaw mong ipadala ko ang kaluluwa mo kay satanas!" Madilim ang awra ng mukha ni Florian.
Kumuha ng tag-lilibuhin si Florian sa kanyang wallet at hinagis sa pag mumukha ng babae.
Agad dinaluhan ni Florian si Sadia at kinarga niya ito na para akala mo bago silang kasal. Kumapit naman si Sadia sa leeg ni Florian habang ang ulo nito ay naka hilig sa dibdib ni Florian. Umiiyak parin ang dalaga, sa tanan ng buhay niya ngayon lang siya sinaktan ng pisikal. Hindi niya ito naranasan kay nanay Elizabeth at sa ibang katulong.
"Sabi ko naman kasi sa'yo awat na, ayan ang napala mo nasampal ka tuloy."
Wika ni Raul bago iwan ang babae.
Sa kotse ay panay ang iyak ni Sadia, hindi man maingay pero naririnig ni Florian ang bawat pag hikbi nito.
"Hey! Stop crying. Diba gusto mo makakita ng totoong buwan at bituin?" Malamyos na wika ng lalake.
Nakatikod kasi ang babae kaya hindi makita ang mukha nito.
Humarap ang babae sa kanya na tumatangis parin.
Basang-basa ang pisngi nito dahil sa luha.
"Pero kasi masakit ito!" Turo ni Sadia sa gilid ng labi niya. Pumutok kasi ito dahil sa lakas ng pag kasampal sa kanya ng babae.
"Gagamutin ko yan huwag ka ng umiyak. Mamayang gabi makaka-kita kana ng bituin at buwan." Naka ngiting saad ni Florian.
"Talaga!" Masiglang saad ng babae at sabay yakap kay Florian.
"Salamat Alien,"
"You are welcome my lady!" Mahinang bigkas ni Florian at marahang hinaplos ang braso ni Sadia.
Pag karating nila sa mansion ay agad silang sinalubong ni nanay Elizabeth.
"Anong nangyari sa alaga ko?" Nag aalalang tanong nito.
"Bakit siya may sugat sa gilid ng labi niya? Sinaktan mo ba siya Florian!"
Napahilot sa kanyang sintido si Florian bago tumingin sa matanda.
"Mainit ang ulo ko ngayon nanay Elizabeth kaya pwede ba huwag niyo ng dagdagan. Paliguan at bihisan niyo ang isip batang yan at pag katapos dalhin mo siya sa kuwarto ko."
Pag kasabi niya ay tumalikod na ito.
Nag katinginan nama si Raul at nanay Elizabeth.
"Gagamutin niya lang ang sugat ni Sadia. Nanay Elizabeth huwag kang mag alala. Hindi naman siguro pumapatol sa isip bata si Florian."
"Oo, tama ka isip bata ito. Pero magandang bata ito at dalaga na." Anang ng matanda at inakay na si Sadia upang linisan ang dalaga.
Pag katapos maligo ni Sadia ay hinatid nga ni nanay Elizabeth at Layla si Sadia sa kuwarto ni Florian.
Sa labas ng pinto kinakausap ni nanay Elizabeth si Sadia.
"O, iha huwag kang makulit at magulo sa loob ng kuwarto ni Florian para hindi ka niya pagalitan."
Tumango naman ang dalaga.
"Paano po kung magalit ulit siya sa akin anong gagawin ko?" Tanong ng inosenteng dalaga.
"Mag hubad ka sa harapan niya para hindi siya magalit sa'yo." Sabat ni Layla. Malakas naman itong kinurot ni nanay Elizabeth sa tagiliran.
"Aray nanay Elizabeth naman e,"
"Mag tigil ka nga Layla huwag mong tinuturuan ng kung ano-ano si Sadia."
Nang makapasok si Sadia sa kuwarto ni Florian ay inikot niya ang buong paningin niya sa kuwarto.
"Ito ba ang kuwarto ni Alien ang ganda at ang laki." Manghang wika nito.
Nabigla siya ng hawakan ni Florian ang braso niya.
Bagong ligo ang lalaki at wala itong suot na pang itaas. Tanging maong na pantalon ang suot nito.
"Halika ma-upo ka roon."
Pinaupo niya ang babae sa kanyang kama at inumpisahan niyang gamutin ang sugat nito sa gilid ng labi.
Napakislot ang dalaga ng dumampi ang bulak na may alcohol sa sugat nito.
Habang ginagamot ni Florian ang sugat ay hindi niya maiwasan mapatitig sa kulay rosas na labi ng dalaga.
Para siya nitong inaakit na halikan ito.
"Masakit pa ba?" Tanong ni Florian sa dalaga.
"Medyo pero okay na, hindi na siya masyadong masakit." Sagot ni Sadia habang nakatitig sa mga mata ni Florian.
"Bakit may ganito ka? Ano ito?"
Ang tinutukoy ng dalaga ang mga tattoo ni Florian sa kanyang dibdib at braso.
Dumapo ang palad ng babae sa didbib ni Florian at marahang hinaplos ito.
May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ni Florian ng hawakan siya ng babae.
"Stop!"
Pigil ni Florian sa kamay ni Sadia at tinapik niya ito.
"Lumabas kana ng kuwarto." Wika niya habang hindi nakatitig sa babae.
"Galit ka naman ba?" Malungkot na tanong ng dalaga.
"Hindi, umalis kana!" Tumayo si Florian at hinawakan si Sadia sa braso at hinila patungo sa pinto ng kuwarto at tinulak palabas.
Mag sasalita pa sana ang babae ng pag sarahan niya na ito ng pinto.
"Damn it!"
Mariing mura ni Florian at kinuha ang cellphone na nakapatong sa bed side table at tinawagan si Shantal ang babaeng kausap niya mula pa kanina.
Kailangan niya ng babaeng mag papaligaya sa kanya mamayang gabi upang mamatay ang init sa katawan niya. Kagabi pa siya nag iinit na hindi niya alam kung bakit. Siguro ay na miss niya lang na may maka s**x sa kama.