"Hindi ba tayo mahuhulog rito?"
Kabadong tanong ni Sadia at panay linga sa paligid at tingin sa baba.
Bakas sa mukha at mata nitong natatakot ito.
"Hawakan mo ang kamay ko at sa akin ka lamang tumingin." Malamyos na turan ni Florian habang nakatitig sa babae.
Pinag salikop niya ang mga daliri nilang dalawa.
Nasa space shuttle sila ngayon naka sakay.
Na-ngi-nginig ang kamay ni Sadia habang nakatitig sa mga mata ni Florian.
Matamis na ngumiti si Florian sa babae at marahang pinisil ang malambot na kamay ni Sadia.
Gumanti ng isang matamis na ngiti si Sadia sa lalaki. Na naging resulta ng pag lakas ng t***k ng puso ni Florian.
Napahiyaw si Sadia ng biglang bumagsak ang space shuttle.
Nung una ay natatakot siya pero ngayon ay nag i-enjoy na siya.
Habang umiikot ang space shuttle ay nakatitig si Florian sa inosenteng mukha ng dalaga.
Hanggang sa tumigil ang pag andar ng space shuttle ay nanatili lang nakatitig si Florian kay Sadia.
"Boss, matutunaw na!"
Boses ni Raul ang nag pabalik sa rialidad ni Florian.
Agad siya napatingin sa paligid lahat ay nakababa na sila nalang ni Sadia ang tanging natira.
Agad naman tumayo si Florian at kinalas ang lock ng belt na naka tali sa kanyang bewang.
Mabilis siyang tumayo at iniwan si Sadia sa kabilang upuan.
"Boss, paano si Sadia?" Nag tatakang tanong ni Dante.
"Alalayan niyo." Inis na wika niya at nag lakad na papalayo.
Si Sadia naman ay habol ng kanyang paningin si Florian.
Nag tataka ang dalaga kung may nagawa ba siyang mali. Para kasing galit na naman ang lalaki sa kanya.
Naka ngusong nag lalakad si Sadia kasama si Layla.
"Oy, huwag kanang sumimangot riyan. Ang ganda-ganda mo tapos naka busangot ka." Wika ni Layla kay Sadia.
"Kasi ate Layla parang galit na naman sa akin si Florian. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sa kanya."
"Naku huwag mo pansinin yun, ganon lang talaga ang mga gwapo. Laging moody, kaya nga mahirap silang intindihin ang bilis nila mag palit ng mood."
"Anong moody?" Tanong ni Sadia.
"Moody, ibig sabihin ay sumpungin." Sagot ni Layla.
"Ibig mong sabihin ate Layla ay sumpungin si Florian? Sakit ba iyon ng isang tao?"
"Oo sakit yun ni Señorito Florian, kaya kung ako sa'yo lagi mo siyang hahalikan sa kanyang labi para mawala ang sumpong niya. Kasi ang halik ay gamot sa mga taong sumpungin." Nakngising sambit ni Layla.
Agad naman napangiti si Sadia kailangan niyang hanapin si Florian.
"Nasaan siya?" Tanong ni Florian kay Raul.
"Ayun kasama ni Layla, mukhang malungkot na naman ang dalagang iyon. Bakit mo kasi iniwan, yan tuloy hindi maipinta ang mukha."
Turan ni Raul at umiiling-iling.
"Ate Layla hanapin natin si Florian." Usal ni Sadia habang hila-hila si Layla sa braso nito.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ni Sadia si Florian na naka-upo sa isang bench. Habang kausap si Raul.
Patakbong lumapit si Sadia kay Florian nakita naman ng lalaki ang papalapit na si Sadia. Kaya napatayo ito mula sa pag kaka-upo.
Nakangiting tumatakbo si Sadia at biglang tumalon at dumamba kay Florian. Ang mga binti ng babae ay naka pulupot sa baywang ng lalaki.
Nabigla naman si Florian dahil sa ginawa ng babae.
Kumapit ang dalawang braso ni Sadia sa batok ni Florian at nakipag titigan sa lalaki.
"Galit ka na naman ba sa akin?" Malungkot na wika ni Sadia sa lalaki.
Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki. Habang nakatitig sa nag luluhang mata ni Sadia.
Hindi sumagot ang lalaki kaya agad siyang hinalikan ni Sadia sa labi nito.
Parang tatakasan ng malay tao si Floriam ng lumapat ang labi ni Sadia sa kanya.
Ilang beses siyang napalunok ng laway.
Kusang gumalaw ang dalawang kamay ni Florian at napahawak sa maliit na baywang ng babae.
"Galit kapa ba?" Malamyos na tanong ni Sadia.
"Hindi ka sumasagot, ibig sabihin galit ka parin sa akin. Hindi parin na aalis ang sumpong ng ulo mo." Anang nang babae at muli siya nitong hinalikan sa labi.
Napa diin ang pag kakahawak ng dalawang kamay ni Florian sa baywang ng babae ng muling lumapat ang labi ng babae sa labi niya.
Ang mga tauhan naman ni Florian ay naka nga-nga lang habang pinapanood silang dalawa. Si Layla naman ay ang lawak ng pag kaka-ngisi.
Biglang may nag flash na camera kung saan.
"Perfect! Sweet couple." Boses ng isang lalaki. Habang marahang pinapagpag ang larawan na kuha niya kay Florian at Sadia.
Napatingin si Florian sa lalaking kumuha ng larawan sa kanila ni Sadia.
"Pasensiya kana sir nag hahanap kasi ako ng couple na sweet na puwedeng kuhanan ng larawan." Paliwanag ng lalaki at sabay abot ng isang larawan kay Florian. Kinuha naman ito ni Florian at tiningnan ang larawan nila ni Sadia.
Napangisi ang lalaki dahil sakto lang yung kuha ng larawan ng halikan siya ni Sadia sa labi.
"Akin nalang itong isang kopya sir, souvenir lang." Usal muli ng lalaki at pinakita ang isa pang larawan. Tumango bilang sagot si Florian sa lalaki.
"Galit ka parin ba sa akin Florian?"
"Hindi naman ako galit sa'yo Sadia. Kundi sa aking sarili." Wika ni Florian.
Kumunot ang noo ni Sadia sa narinig.
"Bakit ka naman nagagalit sa sarili mo?" Muling tanong ng babae.
"I hate myself because I can't stop falling for you Sadia!" Saad ni Florian.
Kumurap-kurap ang mga mata ni Sadia dahil sa sinabi ni Florian. Bukod kasi sa hindi niya naintindihan ang tinuran ng lalaki ay nag tataka siya kung bakit ang lakas ng pintig ng puso niya.
"Ahem,, papadilim na baka gusto niyo ng umuwi. Ayaw niyo naman siguro maging bato kayo riyan." Pang iistorbo ni Raul sa dalawa.
Dahan-dahan ibinaba ni Florian si Sadia at lumingon kay Raul. "Where is the Teddy bear?" Tanong niya kay Raul.
"Nasa kotse na boss." Si Dante ang sumagot.
Nang makarating sila sa parking lot ay si Florian ang nag bukas ng pinto ng kotse para kay Sadia.
Nang makapasok si Sadia ay napatingin siya doon sa isang teddy bear na sobrang laki. Na halos maging kasing tangkad ito ng babae.
"Ano iyon?" Turo ng dalaga sa bandang dulo ng van.
"Para sa iyo ang bagay na iyon." Ani ng lalaki.
"P-para sa akin? Hindi ba nangangat ang bagay na iyon?"
"Sadia iha, hindi na ngangagat ang teddy bear na iyon. Pero si Florian na ngangain at na ngangagat yan. Kaya mag iingat ka sa kanya, may rabist yan nakakahawa." Mahinang bulong ni Raul sa dalaga.
Narinig naman ito ni Florian kaya isang nakakamatay na tingin ang pinukol niya sa lalaking tauhan.
Pag kapasok nila sa loob ng sasakyan ay kinuha ni Florian ang teddy bear at ibinigay kay Sadia.
"Sa tuwing nalulungkot ka yakapin mo lang yan." Wika ni Florian.
Tinanggap naman ito ni Sadia at niyakap ng mahigpit.
Sa haba ng byahe ay nakatulog na si Sadia ang ulo nito ay naka sandig sa balikat ni Florian habang yakap-yakap ang teddy bear.
"Señorito!"
Tawag sa kanya ni Layla.
"What?" naka kunot noo na tanong ni Florian.
"Alam niyo po bang bagay na bagay kayo ni Sadia. Perfect match! maganda at gwapo."
Kilig na kilig na wika ni Layla.
"Talaga? bagay kami kahit matanda ako sa kanya ng eigth years, hindi ba nag lalayo ang itsura namin ni Sadia."
"Señorito, hindi naman po sukatan sa pag mamahal ang edad ng dalawang tao. At saka uso na ngayon yan age doesn't matter. Ang gwapo-gwapo mo kaya hindi ka mapag kakamalan ng ibang tao na parang kuya ni Sadi, tito puwede pa."
Sumimangot si Florian at masamang tiningnan si Layla.
"Joke lang señorito, hindi kana mabiro."
"Ang tanong matutunan kaya akong mahalin ni Sadia? lalo na sa lagay niya, masyado siyang inosente sa lahat ng bagay."
"Oy,, señorito aminin may gusto ka kay Sadia ano? don't deny it nakikita ko sa mga mata mo na may gusto ka sa kanya. Ayieeh!"
Pang aasar sa kanya ni Layla.
"Shut up, Layla hindi ako pwedeng mag kagusto kay Sadia."
"Ay,, bakit naman señorito napaka ganda kaya ni Sadia. Kung siguro hindi siya inosente masyado, tiyak na maraming lalaking mag kakandarapa sa kanya. Ang ganda-ganda e, tisay na tisay. Ang labi niyang kasing pula ng dugo, ang mga mata niya, ang hugis ng ilong napaka perpekto. Siguro ay napaka guwapo at maganda ang mga magulang niya, ang ganda ng lahi."
"Boss, asawahin mo nalang yan si Sadia wala namang mga magulang yan." Sigunda ni Dante.
Isa pang gumugulo sa kanyang isipan kung sino ang mga magulang ng babae. At kung bakit hawak ito ng kanyang ama. Bakit ito ikinulong sa basement ng mahabang panahon.
Siguro ay anak ito ng isa sa mga kalaban nila sa negosyo. O, kagalit ng kanyang ama.
Sa pag kakaalam niya ay mga Montenegro ang mahigpit nilang kalaban pag dating sa negosyo. Wala naman nababalitang may nawawalang anak ang mga Montenegro.
Napatitig siya sa mukha ni Sadia. "Bakit pakiramdam ko kailangan kitang protektahan." Mahinang usal ni Florian.
Nang magising si Sadia ay nakaramdam ito ng gutom. Rinig na rinig ni Florian kung paano mag alburuto ang tiyan ni Sadia.
"Raul, paki deretso sa "Kingston Restuarant." Utos nito sa driver.
Nang makarating sila sa restuarant ay sinalubong sila ni Thunder.
Naka tux ang lalaki halatang galing sa isang pormal party.
"Hey, man buti naman at napadalaw ka. At kasama mo pa itong magandang binibini." Bungad ni Thunder at sabay kuha ng isang kamay ni Sadia at hinalikan sa likod ng palad ang babae.
Napa simangot si Florian, at malakas na tinapik ang kamay ni Thunder.
"Don't touch her! She's my girlfriend." Inis na turan ni Florian sa kaibigan nito.
"Wow! Really girlfriend mo siya?" Bulalas ng lalaki.
"Akala ko ba ayaw mo ng girlfriend, i know you Florian Deogracia pag lalaro lang ng apoy ang gusto mo." Wika muli ni Thunder.
"I changed my mind. Napa-isip ako gusto ko na pala mag girlfriend." Sagot ni Florian sa kaibigan.
"Congrats bro, dahil natuto kanang mag mahal." Kantyaw sa kanya ni Thunder at sabay hila sa kanya patungo sa isang libreng table.
"Sadia anong gusto mong kainin pumili ka." Naka ngiting saad ni Layla.
"Ate Layla sobrang gutom na gutom na po ako. Pero paano ko kakainin ang pagkain na yan kung naka dikit ito sa isang aklat."
Napangiwi si Layla at nag kamot ng kanyang ulo at nilapag ang menu sa table.
"Hirap makipag usap sa inosente, nai-stress bigla ang kilay ko." Bulong ni Layla.
Narinig ni Thunder ang sinabi ni Sadia kaya tumingin ito kay Florian.
"Pare tao paba yang girlfriend mo, sa anong panahon ba ipinanganak yan at hindi alam ang menu." Wika ni Thunder at tinapunan ng tingin si Sadia.
"Lumaki kasi siya sa mundok kaya masyado siyang inosente sa lahat ng bagay." Walang ganang sagot ni Florian.
"Inosente sa lahat ng bagay?" Anang ni Thunder at ngumisi ng nakakaloko kay Florian.
"Bakit ganiyan ka maka ngisi?" Taas kilay na tanong ni Florian.
"Inosente siya sa lahat ng bagay, so it means, inosente siya pag dating sa kama. Paano mo nadadala mag isa pare." Natatawang wika ni Thunder.
Malakas na dinagukan ni Florian sa ulo ang kaibigan.
"G**go! Ang bastos ng bibig mo." Saway nito aky Thunder.
"Bakit? ito naman, masakit ha. Saan bang bundok nanggaling yan, maka punta nga roon at makapag hanap ng inosenteng katulad niya. Gusto ko maranasan kung paano makipag laro ng apoy sa kama kasama ang isang inosenteng babae. Exciting siguro." Usal ng lalaki at ngumisi.
"Tarantado ang libog mo." Usal ni Florian.
"Oy, mag kaibigan tayo, hindi lang mag kaibigan mag bestfrien pa. Kaya pareho tayo ng liko ng bituka. Malibog karin naman, malala ka pa nga sa akin." Sigunda ni Thunder.
"Siraulo umalis kana nga rito at dalhan mo kami ng pagkain para maka-uwi na kami." Pag tataboy nito sa kaibigan.
Nang matapos kumain sila Florian ay nag paalam si Sadia na iihi ito.
Tinawag ni Florian ang isang waiter na lalaki at tinanong.
"Where is the comfort here?" Seryusong tanong ni Florian.
"Nasa second floor po sir Florian." Magalang na sagot ng lalaki.
Tatayo na sana si Florian ng mag salita si Layla.
"Señorito ako na po ang sasama kay Sadia, naiihi rin kasi ako." Anang ng babae at tumayo na at hinawakan sa kamay si Sadia.
Nasa hagdan na sila ng biglang may tumawag sa cellphone ni Layla. Sinagot ito ng babae nabitawan niya naman ang kamay ni Sadia habang paakyat sila.
Naunang humakbang si Layla habang nakikipag usap sa cellphone.
Si Sadia naman ay nakahawak sa railing ng hagdan habang umaakyat.
Sa huling hakbang ni Sadia ay na apakan niya ang dulo ng suot niyang mahabang dress.
Na-out of balance siya kaya muntikan na siyang malaglag sa hagdan. Buti nalamang ay may brasong maagap na pumulupot sa baywang ng babae.
Napakapit rin ang kamay ni Sadia sa braso ng lalaki.
Nag katitigan silang dalawa.
"Are you okay miss?" Nag aalalang tanong ng gwapong lalaki at ngumiti.
Nakatitig lang si Sadia sa lalaki at hindi sumasagot.
"Ayos ka lang ba miss?" Muling tanong ng lalaki.
"Oo, maraming salamat." Malambing na wika ni Sadia at tumayo ng tuwid. Pero ang kamay ng lalaki ay nanatili sa baywang ni Sadia.
"Ang ganda mo!" Mahinang usal ng lalaki. Habang matamang nakatitig sa mukha ni Sadia.
Ilang sigundo tumagal ang pag titigan ng dalawa ng may biglang humila sa kabilang braso ni Sadia.
"Do not touch my property!"
Matigas na turan ng isang boses.
"Woah! Relax Mr. Deogracia. Muntikan na kasi mahulog ang magandang dilag iyan." Wika ni Phillix Brando Sandoval.
Si Phillix Brando ay anak ni Annasharie Brenda Swan at Felix Sandoval. Si Phillix ay isang sikat na police ngayong kasalukuyan.
Katulad ng kanyang ina ay magaling itong police. Kilalang kilala ni Phillix ang mga Deogracia sa katunayan ay tinututukan niya ang kaso ng mga Deogracia.
Katulad ng mga Montenegro ay mahirap hanapan ng butas ang mga ito. Alam ng mga kapulisan na kabilang ang Deogracia sa mga sikat na druglord dito sa bansa. Ngunit wala silang mahanap o, makapang matibay na ebedensiya sa mga ito, kaya hindi nila ito mahuli-huli.
"So, ikaw pala Mr. Sandoval." Tiim bagang na wika ni Florian at nakipag tagisan ng titig kay Phillix.
"May problema ba rito?" Mahinahong tanong ni Zaccarian Styles Kingston. Ang ama ni Thunder Kingston.
"Ah, wala tito Styles mukhang may naligaw na druglord dito!"
Dahil sa sinabi ni Phillix ay lalong nag init ang ulo ni Florian. Mariin niyang naikuyom ang kanyang kamao.
Gusto niya ng basagin ang mukha ng Phillix na ito dahil sa kahambugan nito.
Seriously? Ama at lolo lang naman niya ang leader ng druglord dito sa pilipininas. Labas na siya sa negosyo ng kanyang ama at lolo. Umuwi siya dito sa pilipinas upang asikasuhin ang kompanya ng kanyang ama. Hindi para maging leader at maging sunod-sunuran sa gusto ng kanyang lolo.
"Hey, Phillix he's my best friend please don't insult him, here in my restuarant!" Matigas na turan ni Thunder.
"Anong nangyayari dito?!" Boses ng isang lalaki ang nag palingon sa kanilang lahat.
Walang iba kundi si Ellieoth Del Falco.
"Nothing, may kaunting hindi pag kaka-intindihan sa pagitan ni Mr Deogracia at ni Phillix." Anang ni Styles.
Napako ang mata ni Ellieoth kay Florian at Sadia.
Mag kasalikop ang mga daliri ng mga ito.
Matagal napatitig si Ellieoth kay Sadia bago muling tumitig kay Florian.
"Deogracia?" Nag tatanong ang tono ng boses ni Ellieoth.
"Yeah, tito anak siya ni Diego Deogracia at apo ni Robert Deogracia. Ang isa sa mga sikat na drug lord dito sa bansa."
Usal ni Phillix at sabay tingin ng masama kay Florian.
"I said don't f**cking insult my best friend ! Kung ayaw mong sakalin kita sa leeg hanggang sa malagutan ka ng hininga!" Mariing wika ni Thunder.
"I'm sorry cous, alam mo namang kumukulo ang dugo ko sa mga drug lord." Saad ni Phillix.
"Paumanhin po, pero na iihi na po talaga ako. Halikana Florian." Yaya ni Sadia at hinila paalis si Florian.
Napansin kasi ng babae na mukhang aatakihin na naman ng sumpong si Florian. Baka kung hindi pa sila umalis ay mapa-away ito.
Nang makarating sila sa labas ng pinto ng comfort room ay sinirmunan ni Florian si Layla.
Nang matapos umihi ni Sadia ay nanalmin muna siya.
Bumukas naman ang kabilang cubicle at lumabas naman mula roon ang isang babae.
Sa tantya ay nasa mid 40's na ang babae. Pero kahit ganoon ay napaka ganda parin nito ang supistikadang tingnan.
Hindi siya napansin ng babae at tumuloy ito sa kabilang salamin at nanalmin at nag ayos ng sarili.
Binuksan ni Sadia ang gripo at nag hugas ng kamay. Doon naman napalingon ang babae sa puwesto ni Sadia.
Abala sa pag hubugas ng kamay si Sadia hindi niya alam ay pinag mamasdan na pala siya ng babae.
Napalingon si Sadia sa babae at matamis na ngumiti.
Ginantihan naman ito ng matamis na ngiti ng babae.
"You look familiar," mahinang usal ng ginang.
Napatitig si Sadia sa babae at bahagyang kumunot ang noo nito.
"Ano po ang sinasabi mo, hindi ko po kasi maintindihan." Malumanay na wika ni Sadia.
"Tama, ikaw yung dalagang nakita ko kanina doon sa van. Naalala mo ba ako? Ako yung kinawayan mo." Naka ngiting wika ni Angelecca, hindi mapalis ang ngiti sa labi nito habang nakatitig sa mukha ni Sadia.
Ilang segundong nag isip si Sadia bago ngumiti. "Opo naalala ko na po." Masayang wika nito.
"Ako si Angelecca," pakilala ni Angelecca sa dalaga. "Ikaw iha anong pangalan mo?"
"Ang pangalan ko po ay Sadia." Pakilala niya sa babae.
"Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Angelecca ng marinig niya ang pangalan ni Sadia.
"S-sadia ang pangalan mo? Sino ang mga magulang mo? Saan ka nakatira?" Sunod-sunod na tanong ni Angelecca sa dalaga.
"Pakiusap mag salita ka!" Muling saad ni Angelecca nag tutubig narin ang mga mata niya.
"Is there a problem here?" Usisa ni Florian ng sumilip sa pinto ng comfort room. "Halikana Sadia uuwi na tayo." Wika ni Florian sa dalaga.
"Aalis na po kami paalam po." Anang ni Sadia at kumaway kay Angelecca bago lumabas ng pinto ng comfort room.
Lumandas ang luha sa mga mata ni Angelecca.
Nang bumalik si Angelecca sa puwesto nila ay napansin ni Ellieoth ang pag kabalisa nito.
"Are you okay sweetie?"
"Bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko ang dalagang iyon. Pakiramdam ko siya ang nawawala nating anak." Naluluhang saad ni Angelecca.
"Sino ang tinutukoy mo?"
Hindi na sumagot pa si Angelecca at hinilig na lang ang kanyang ulo sa balikat ng asawa.
"Sasusunod huwag na huwag mong iiwan mag isa si Sadia, naiiintidahan mo ba Layla!" Sigaw ni Florian ng makarating sila sa mansion.
"O-opo señorito paumanhin po." Nakayukong sabi ni Layla.
"Iho, puwede ba tayong mag usap kahit saglit lang." Ani ni nanay Elizabeth.
Nag tungo sila sa dining area, si Sadia naman ay hinatid na ni Layla sa silid ni Florian. Doon na kasi natutulog ang babae. Lahat ng damit ni Sadia ay pinalipat ni Florian sa closet nito.
"Iho, hindi sa nangingialam ako sa buhay mo. Gusto ko lang makiusap sa'yo na sana huwag mong gagamitin ang kahinaan ni Sadia para sa pang sariling intinsiyon mo."
"Ano ang ibig mong iparating nanay Elizabeth na ginagamit ko si Sadia. What do you think of me?" Mariing wika ni Florian.
"Florian hindi ako bulag at tanga, para hindi malaman at makita ang nararamdaman mo para kay Sadia. Ang kakaibang mga titig mo kay Sadia, ang mga ngiti mo na hindi ko nakikita sa tuwing mag babakasiyon ka rito. Pareho lang kayong masasaktan pag dating sa huli. Masasaktan ka at mas lalong masasaktan mo si Sadia. Mabait na bata si Sadia hindi niya niya dapat maranasana kung paaano masaktan dahil lang sa pag mamahal. Ayaw ko lang madurog ang puso mo at ang puso ni Sadia. Tigilan mo na siya Florian ituon mo ang atensiyon mo sa ibang babae."
"Paano kung hindi ko sundin ang gusto mo. Lalo na ngayon na unti-unting na akong nahuhulog sa kanya. Sa palagay mo ba mapipigilan ko pa ang sarili ko na huwag siyang mahalin. Ngayon na siya na ang tinitibok nito!"
Turo ni Ellieoth sa kaliwang dibdib.
"Gagawin ko ang lahat mahalin lang niya ako, at para mapa sa akin siya."
"Hindi mo alam kung saan na angkan galing si Sadia. Malaki ang galit ng pa'pa mo sa ama ni Sadia. Sa palagay mo ba hindi magagalit si Diego kapag nalaman niyang nakalabas at ngayon minamahal mo ang dalagang iyon. Haharangin lang ng pa'pa mo ang pag iibigan niyo ni Sadia. Ang pa'pa mo ang makakalaban mo. Kung hindi man ang pa'pa mo ang magiging sagabal sa relasiyon niyo ni Sadia. Baka ang ama pa ni Sadia ang humadlang sa pag mamahalan niyo."
"I don't f**cking care kung sino pa sila. Kahit pader pa sila kakalabanin ko silang lahat. Ipag lalaban ko ng p*****n ang pag mamahal ko para kay Sadia. Walang puwedeng mag layo at mag hiwalay sa amin ni Sadia kahit si pa'pa pa!"
Padabog na umalis si Florian sa dining area. Napasintido nalang ang matanda.
"Malaking gulo ito kapag nag kataon." Mahinang usal ni nanay Elizabeth.