Chapter 5

3978 Words
"Sadia!" Tawag ni Florian sa dalaga. "Ano?" Bigkas ni Sadia ng lumingon ito, naka simangot ang babae habang naka kunot ang noo nito. Napangisi si Florian ang ganda parin kasi ng babae kahit galit ito. "Layla, iwan mo kami ni Sadia." Utos ni Florian kay Layla. Napanganga ang babae at palipat-palipat ng tingin kay Sadia at Florian. "Ah, señorito hinay-hinay lang ha, wala pang experience si Sadia." Anang ng babae. Napakunot ang noo ni Florian at tiningnan ng masama si Layla. "I mean señorito wala pang experience sa pag langoy si Sadia, baka malunog e, turuan mo siya ng mabuti kung paano sumisid fast learner yan." Tatawa-tawang wika ng babae. "Dami mong kalokohan umalis kana nga." Pag tataboy ni Florian kay Layla. Humarap si Florian kay Sadia. "Hey, baby are you angry with me?" Malumanay na tanong ni Florian. Lalong kumunot ang noo ni Sadia. "Iwan ko sa'yo hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Bakit mo ba pinaalis si ate Layla, pagagalitan mo na naman ba ako." Naka busangot na sabi ng dalaga. "Huwag ka ng magalit sa'kin, ayoko lang na may ibang lalaking nakaka-kita ng katawan mo. Baka mabastos ka ng ibang mga lalaki rito." "Ahmnp!" Tanging sagot ni Sadia at tumalikod. Hinagod ng tingin ni Florian ang likod ni Sadia mula sa makinis nitong likod, hanggang sa maumbok nitong pang upo. "Paano ko nga ba mapipiglan ang sarili ko na huwag matukso sa babaeng ito. Napaka sexy, at napaka ganda. Hanggang kailan ko kaya mapipigilan ang sarili ko, na huwag angkinin ang babaeng ito." Wika ni Florian sa kanyang isipan. Hinubad ni Florian ang manipis na white polo na suot niya at pinasuot kay Sadia. "Huwag kana mag tampo sa'kin Sadia, mahal kasi kita kaya ayaw ko na mabastos at pag tinginan ka ng ibang lalaki." Saad ng lalaki habang binubutones ang polo na pinasuot niya kay Sadia. Hanggang tuhod ng babae ang white polo ni Florian. Nag angat ng tingin si Sadia at tumingala sa mukha ni Florian. Kumunot ang noo ni Sadia at napahawak sa kaliwang dibdib niya. "Ang dibdib ko bakit ang bilis ng t***k nito, parang hindi normal." Mahinang usal niya. "Gusto mo bang mag punta sa malalim na parte ng dagat Sadia?" Umaliwalas ang mukha ng dalaga dahil sa binigkas ni Florian. "Talaga?! puwede ba?" "Yeah, halika sumakay ka sa likod ko." Naka kapit ng mahigpit ang kamay ni Sadia sa mag kabilang balikat ni Florian habang ang mga binti niya ay naka pulupot sa baywang ng lalaki. Ang baba naman ni Sadia ay naka patong din sa balikat ni Florian. Hindi mapigilan ni Florian mapa ngiti, lintik mukhang tinamaan na siya ng pana ni kupido. Mukhang inlove na nga siya sa babae. "Dilikado ito si boss Florian, mukhang inlove na inlove na kay Sadia. Paano nalamang kung malaman ito ni boss Diego siguradong gulo ito sa pagitan ng mag ama." Iiling-iling na sabi ni Dante. "Walang problema kay boss Diego, yun nga lang sa ama ng babaeng iyan. Siguradong malaking problema at gulo ito." Sabat ni Raul. Nang hanggang balikat na ni Florian ang tubig ay pinalipat niya si Sadia sa kanyang harapan. Nanatiling naka kapit ang dalawang braso ni Sadia sa batok ng lalaki. Habang ang paa niya ay naka pulupot parin sa baywang ni Florian. Titig na titig si Florian sa ma-among mukha ni Sadia. "Ang ganda, ang ganda-ganda mo Sadia." Usal ni Florian. "Puwede ba kitang mahalikan Sadia?" Maaligasgas na tanong ni Florian sa babae. "P-puwede," Alanganing pang sagot ni Sadia na parang hangin nalang ang salitang lumabas sa kanyang bibig. Dahan-dahan inilapit ni Florian ang kanyang mukha sa babas. Nang mag lapat ang kanilang labi ay napa-pikit ng kanyang mata si Florian at dinama ang malambot na labi ng babae. Humigpit ang pag kakahawak ni Florian sa baywang ni Sadia nang gumalaw ang labi ng babae. Masuyong halik ang tinugon ni Sadia kay Florian, kaya naman ang lalaki ay mas lalo pang nilaliman ang mga halik niya para kay Sadia. "Naku, nag tutukuan na yata ang dalawang iyon. Paktay kang bata ka, naka points na naman si Boss Florian." Sambit ni Dante at tumingin kay Layla. "Naingit ako babe, i-kiss mo nga rin ako," Saad ni Dante at ngumuso. "Puwede naman basta ba, papayag kang suntukin ko yang nguso mo hanggang sa mamaga. Ano, kakasa ka." "Sus, napaka suplada talaga akala mo naman maganda." Bulong ni Dante. "Hoy! Excuse me, itong ganda kong ito? Haler, itong gandang ito ang gustong-gusto ng mga kano." "Ano? Sa akin nga hindi pasado ang ganda mo, sa kano pa kaya, isa ka lang exotic food sa mga mata ng kano." Litaniya ni Dante. "Wow ha, ang gwapo? Pangit man ako sa paningin mo, masarap naman ako sa panlasa mo." Hindi nag papatinag na saad ni Layla. "Masarap ka ba talaga? Sige nga patikim." Nang aasar na turan ni Dante. "Ul**l!" Bigkas ni Layla. Nang mag hiwalay ang mga labi ng dalawa ilang segundo silang nag katitigan bago mag salita si Florian. "Mahal kita Sadia! Alam ko hindi mo pa maiintindihan sa ngayon ang ibig sabihin ng mahal kita. Pero alam ko darating din ang panahon, malalaman mo din ang ibig sabihin nun. Sa ngayon ipaparamdam ko ang pag mamahal ko para sa'yo." Wika ng lalaki. "Pare, sabihin mo nga sa akin ang totoo. Girlfriend mo ba talaga si Sadia? May kaka-iba kasi akong napapansin sa kanya. At bukod doon parang may kamukha siya." Ani ni Thunder habang pinag mamasdan si Sadia. Abala ang babae sa panonood ng babaeng sumasayaw ng fire dancing." Alas syete na ng gabi at kakatapos lang nila kumain ng hapunan. "Sino naman yang tinutukoy mong kamukha niya?" Tanong ni Florian at sabay simsim ng alak sa goblet. "Teka lang may ipapakita ako sa'yo." Kinuha ni Thunder ang kanyang cellphone sa bulsa ng maong n'yang pantalon. Tinapat niya ang screen ng cellphone sa harapan ni Florian. "Look at the three women in the picture." Turo ni Thunder sa tatlong mag kakamukha. "Pag masdan mo ng mabuti ang babaeng nasa gitna." Turan ni Thunder. "Anong mayroon sa babaeng yan? Bukod sa mag kakamukha sila." Tamad na wika ni Florian. "Titigan mo ng mabuti, kamukha niya si Sadia." "So? Sino ba ang mga yan." Iritang saad ni Florian. "Sila lang naman ang anak nila tita Angelecca at tito Ellieoth. Alam mo ba pare balita ko may nawawalang anak daw sila tito Ellieoth at tita Angelecca. Ayon kasi kay daddy fourteen years ng nawawala ang batang iyon. Hanngang ngayon ay hindi nila alam kung sino ang kumuha sa anak nila." "Anong kinalaman ni Sadia sa issue nayan?" Litaniya ni Florian. "Wala lang, medyo nahihiwagaan lang kasi ako sa weirdo mong girlfriend." Sagot ni Thunder. Napa-isip si Florian totoo ang tinuran ng kanyang kaibigan. Kamukha nga ni Sadia ang isa sa mga triplets, malaki ang pag kakahawig niya sa babae. Kailangan niya bang paim-bistigahan si Sadia? Napako ang mata ni Florian sa isang tauhan na medyo kaidaran ng kanya ama. Walang iba kundi si Raul. Matagal na itong nag ta-trabaho sa kanila, siguradong may alam ito tungkol sa nakaraan ni Sadia dahil kanang kamay din ito ng kanyang ama. Medyo marami ang nainom ni Florian pero hindi naman ito nalasing. Nasa cabin na sila Sadia at Florian, si Sadia ay kumuha ng damit pamalit. Nadumihan kasi yung dress na suot niya kanina. Natapunan kasi ito ng juice kanina habang umiinom siya. Kailangan niya din maligo dahil nang lalagkit siya. Si Florian naman ay naka tihaya sa malaking kama medyo nahihilo siya. Dahil narin siguro sa epekto ng alak. Hinihilot ni Florian ang kanyang noo ng mapatingin siya kay Sadia. Papunta na ang babae sa loob ng banyo bitbit ang tuwalya. Agad siyang naupo sa kama kailangan niya rin yatang maligo, upang mawala ang epekto ng alak sa kanyang sestema. Mabilis siyang nag lakad patungo sa harapan ng nakasaradong pinto ng banyo. Mula sa labas ng pinto rinig niya ang lagasgas ng tubig mula sa shower. Narinig niya rin si Sadia na parang kumakanta sa loob. Pinihit niya ang siradura ng pinto pag kapasok niya sa banyo sumalubong sa kanya ang hubot-hubat na katawan ni Sadia. Ilang beses napa lunok ng laway si Florian. Tila bang bigla nalang nanuyo ang kanyang lalamunan. Bakit ganito ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita niya si Sadia ay nabububay ang apoy sa katawang lupa niya. Isa lang ang sinisigaw ng puso niya, ang maangkin ang dalaga. Para sa ganun ay wala ng puwedeng lakaking may mag ari pa sa babae. Isa-isa niyang tinanggal ang pag kaka-butones ng black polo longsleeve na suot niya. In-unbuckle niya narin ang kanyang sinturon. Hindi pa man niya na tatanggal ang polo niya ay nakalapit na siya sa babae. Dahil sa sobrang tangkad ni Florian ay hanggang dibdib niya lang ang babae. Gamit ang hintuturong daliri ni Florian ay dumapo ito sa balat ng balikat ni Sadia. Dahan-dahan niya itong pinagapang patungo sa batok ng babae. Napasingap ang babae dahil sa sobrang gulat. "F-florian a-anong g-ginagawa mo rito?" Nag kakanda-utal-utal ang pananalita ni Sadia. Nakaramdam ng kaba ang babae dahil sa kakaibang titig sa kanya ni Florian. "Please baby i want you." Malamyos na turan Florian. Hinapit ni florian ang maliit na baywang ni Sadia at hinila papalapit sa kanya. Hindi niya na kayang pigilan ang kanyang nararamdaman. Buo na ang kanyang disisyon aangkinin niya ang babae ngayong gabi. Kaya niya naman managutan ang babae, marami siyang pera kaya niyang ibigay ang lahat nang pangangailangan ng dalaga. "Mahal kita Sadia! Ganoon din ba ang nararamdaman mo para sa akin?" Tanong ng lalaki sa babae, nanatiling naka tingala si Sadia. Hindi niya alam kung anong isasagot niya sa lalaki. Ano nga ba ang alam ni Sadia pag dating sa pag mamahal, isa lang siyang inosente na walang alam sa lahat ng bagay. "Hindi mo kailangan sagutin Sadia." Parang may kung anong kumirot sa parteng puso ni Florian na hindi niya alam kung saan nang gagaling. Masakit pala ang ganito, nahulog siya sa babaeng inosente, na hindi niya alam kung may nararamdaman din ba ito sa kanya. Matututunan din kaya siyang mahalin ng babae?. Nanatiling mag katitig lang ang dalawa, at pawang basang-basa ang mga katawan. Pinatakan ng isang pinong halik ni Florian ang noo ng dalaga, bago bimitaw sa pag kakahawak sa baywang ng babae at tumalikod na. Lumabasa ng pinto ng banyo si Florian kahit basang-basa ang suot nitong damit at maong na pants. "Hindi ko siya puwedeng angkinin, hanggat wala siyang nararamdaman para sa'kin." Mahinang wika ni Florian. "Bakit parang malungkot ang kanyang mga mata? Nasaktan ko ba siya?" Mahinang usal ng babae parang nasaktan siya sa itsura ng mukha ni Florian. Nang lumabas si Sadia sa banyo ay wala si Florian sa loob ng kuwarto. Saan kaya nag punta ang lalaki, napatingin si Sadia sa basket naroon na ang basang damit ni Florian. Nakapag palit na pala ito ng damit. Nag bihis ng dress si Sadia at nag suklay ng buhok. Pag katapos ay lumabasa ng kuwarto plano niyang hanapin ang lalaki. Nakayapak lang ang dalaga ng lumabas sa cabin. Nag punta siya sa cabin ni Layla kakatok na sana siya ng may marinig siyang haling-hing ng isang babae sa loob ng kuwarto ni Layla. "Ano ang mahinang ingay na iyon?" Nagtatakang tanong ni Layla. Idinikit niya ang kanyang tainga sa dahon ng pinto. "Ohh! Darling faster!" Boses ni Layla. May narinig naman siyang boses ng isang lalaki pero hindi niya naintindihan ang binigkas nito. Dahil english ang salita nito. Umalis na lamang si Sadia sa harapan ng pinto. At nag lakadlakad hanggang sa makarating siya sa baybayin. Malamig na hangin ang yumakap sa balat ni Sadia. Tanging malakas na alon ang maririnig sa buong paligid. Madilim narin ang buong paligid dahil iilan lang ang may ilaw na poste. "Mahal kita Sadia! Mahal Kita!" Boses ni Florian ang paulit-ulit niyang narinig sa kanyang isipan. Sa tuwing maririnig niya ang salitang 'Mahal kita, lumalakas ang t***k ng puso niya. Ito ba iyong sinasabi ni Mrs. Mendez. "Haist! Ano ba ang ibig sabihin ng pag mamahal." Fustrated na wika ni Sadia at napa kamot ng ulo niya. Nang makabalik si Florian sa cabin nila ni Sadia napa kunot ang noo niya. Walang bakas ni Sadia roon. "Where is she? Saan na naman kaya nag punta ang makulit na babaeng iyon." Anas ng lalaki, agad siyang lumabas ng kuwarto ang binulabog ang kabilang cabin kung saan naroon ang tatlo niyang mga tauhan. "Boss, may problema ba?" Pupungas-pungas na bungad ni Dante ng buksan ang pinto. Bitbit pa nito ang baril nito. "Malaki, nawawala si Sadia tulungan niyo ako mag hanap." "Hey,, are you alone sweet heart!" Bumaling si Sadia sa lalaking nag salita matangkad ito at may mga kasama pang tatlong kalalakihan. "Oy,, ang ganda pare mukhang tiba-tiba tayo nito." Wika ng isang lalaki at ngumisi. "Napaka-kinis mukhang alagang- alaga ito, at sariwa pa." Ani naman ng isa pang lalaking may tattoo sa dibdib. "A-anong kailangan niyo?" Takot na boses ni Sadia. "Wala naman, gusto lang namin makipag laro sa'yo." Saad ng lalaki at nag lakad papalapit kay Sadia. Napaatras si Sadia ng mapansin niyang papalapit sa kanya ang apat na kalalakihan. "Huwag k-kayong, l-lalapit sa'kin." Pumiyok ang boses ni Sadia nag babadya na itong umiyak. "Huwag kang umiyak sweet heart, mabilis lang naman ito. Siguradong masasayahan karin." Wika ng lalaki, at mula sa bulsa ng maong na pantalon nito ay may kung anong bagay siyang kinuha roon. Isang maliit na balisong ang hawak ng lalaki ngayon. Tuloy-tuloy bumuhos ang luha ni Sadia ng makita ang matulis na bagay. Dahan-dahan humakbang ang paa ni Sadia paatras. Mabilis na tumakbo si Sadia palayo sa mga lalaki yun nga lang ay mukhang maling daan ang tinatahak niya ngayon. Lalo pang dumilim ang paligid. "Florian, tulungan mo ako!" Umiiyak na saad ng babae at patuloy sa pag takbo. "Whoooo! Andiyan na kami Sweetheart!" Chorus ng apat na lalaki. Sa pag takbo ni Sadia ay may naapakan siyang isang matulis na bagay sa buhangin. Dahilan para madapa siya. "Aray!" Daing niya at kinapa ang kanang paa niya. May likido siyang nakapa mula sa talampakan niya. "Sweetheart! galingan mo mag tago naririto na kami. Huwag kanang mag tago dahil makikita karin namin." Anang ng isang lalaki. Dahil hindi makatayo si Sadia ay gumapang nalang siya nag tago siya sa isang malaking bato. Pigil ang pag hinga ni Sadia. Nang marinig niya ang mga kaluskos sa paligid. May ilaw din siyang nakikita, ang liwanag na ito ay mula sa flashlight na hawak ng isa sa mga lalaking humahabol sa kanya. Napa kislot siya ng may humawak sa buhok niya at hinila ito para mapatayo siya. "Huli ka, mag tatago kana lang hindi mo pa ginalingan, halika rito!" Anas ng lalaki at kinaladkad siya. "Pare nakita ko na siya!" Sigaw ng lalaki. Halos mabaliw si Florian kakahanap kay Sadia nag hiwahiwalay na sila ng kanyang mga tauhan. Sa oras na may mangyaring masama kay Sadi hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Ang lakas ng kaba ng kanyang dibdib ngayon, alam niyang may masamang nangyayari sa babae sa mga oras na ito. "Boss hindi po namin mahanap." Humahangos na wika ni Dante kasama ang dalawa pang tauhan. "Hindi ko rin siya nakita." Wika naman ni Raul. Napakuyom ang kamao ni Florian. "F**ck! Sadia where are you!" Matigas na usal niya. "Doon tayo sa parteng iyon." Turo ni Florian sa madilim na bahagi. "Maawa kayo, maawa ka sa akin!" Umiiyak na turan ni Sadia. Nakahiga siya ngayon sa buhangin. Ang mga kamay niya ay hawak ng isang lalaki. Ang mga binti niya naman ay hawak rin ng isa pang lalaki. Yung isa lalaki naman ay hawak ang flashlight, habang yung isang lalaki ay naka patong kay Sadia hawak nito ang balisong at naka tutok sa tagiliran ng dalaga. "Huwag kang maingay, kung ayaw mong butasan ko yang tagiliran mo!" Anang ng lalaki at pinunit ang dress ni Sadia napigtas ang isang kabilang strap nito. "Whoo! Ang puti, ang ganda mo may boyfriend ka ba. Ang swerte naman niya kung nag kataon." Anang ng manyak na lalaki. "Ahmmnp!" Pilit na pumapalag si Sadia. Hinahalikan kasi siya ng lalaki sa labi. Bakit kapag si Florian ang humahalik sa kanya ay ayos lang. Pero bakit sa lalaking ito ay diring-diri siya. Dumapo ang labi ng lalaki sa makinis niya leeg at walang habas na hinalikan at dilaan yun. Sunod-sundo tulo ang luha ni Sadia. "F-florian tulongan mo ako!" Umiiyak na usal ng babae. "Tulong! Tulongan niyo po ako!" Sigaw ni Sadia. Medyo malakas ang pag kakasigaw niya kaya naman nairita ang lalaki at malakas na sinampal si Sadia. "Putang**na kang babae ka manahimik ka! Bubutasin ko talaga ang tagiliran mo!" Gigil na sabi ng lalaki. "Kahit sumigaw kapa ng malakas walang tutulong sa'yo dito. Kaya kung ako sa'yo manahimik kana lang kung ayaw mong tapusin ko yang buhay mo!" Dagdag pa nito. "Wala sayong tutulong dito, kaya kung ako sa'yo namnamin mo nalang an--" Hindi na natapos ng isang lalaki ang sasabihin nito ng bumagsak na ito sa buhanginan. "I'm here, mothef**ker!" Boses ni Florian at binaril ang lalaki sa may hita nito. "Argh! Putang**na ang sakit!" Daing ng lalaki. Tatayo pa sana yung dalawang lalaki ng mag salita ang mga tauhan ni Florian. "Oops!" Huwag na kayong pumalag, mapapasama lang kayo." Boses ni Dante. "Who the f**cking gave you permission to touch my girl, bastard!" Yung lalaking nasa ibabaw ni Sadia ay parang tinakasan ng tapang ng mapasino ang lalaking nandito ngayon. "M-mr Deogracia." Bigkas ng lalaki. "Tsk! Dito ka pa talaga nag kakalat ng kahayupan mo, dito sa lupain ko. Gusto mo bang ipalapa kita sa mga buwaya na mga alaga ko rito!" "Huwag Florian maawa ka." Nag mamakaawang turan ng lalaki Nangi-nginig ang buong kawatan ng lalaki ng umalis sa ibabaw ni Sadia. Ang dalaga naman ay panay iyak lang. "Alam mo bang kahit sa lamok hindi ko pinapadapuan yan. Tapos ikaw sasaktan mo lang ang babaeng iyan. Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga katulad mo? Pinapatay ko!" Seryusong wika ni Florian. Madilim ang awra ng mukha nito. "Diyos ko maawa ka Mr. Deogracia!" Mababakasan ng takot sa mukha ang lalaki. Inalalayan ni Raul na tumayo si Sadia niyakap niya ang dalaga at pinilig ang ulo ng dalaga. Upang hindi masaksihan ng babae ang krimen na gagawin ni Florian. "Kanina parang kang isang uhaw na demonyo, ngayon tatawagin mo ang pangalan ng diyos. Baka masunog ka Mr. Ignacio, hindi ka nararapat sa langit. Dapat ang kasama mo si Lucifer!" "Sige barilin mo ako, siguradong makakalaban mo ang aking ama. Siya ang Mayor dito sa lugar na ito hindi kayo makakalabas ng buhay rito!" Matapang na saad ng lalaki. "Huwag mo sa akin ipag malaki ang ama mo isa lang siyang mayor na kaya kong tirisin na parang kuto. My grandfather and my father were a famous drug lord here in the Philippines. You know our family background, we kill demons that live here on earth." Anang ni Florian at ngumisi. Kinasa niya ang baril at tinutok sa lalaki. "Lucifer is waiting for you in hell!" "Huw-" Hindi na natapos pa ng lalaki ang sasabihin ng barilin na siya ni Florian dibdib nito. Bumagsak ito sa buhangin ng wala ng buhay. Buti nalang at ang gamit ni Florian na baril ay may silencer. Sunod niyang binaril ay ang lalaking hawak ni Dante. Sa noo ang tama nito, tumalsik pa ang dugo nito sa mukha ni Dante. Ilang beses napa lunok si Dante pati siya ay parang hihimatayin sa nerbyos. "Tang*na! Parang hihiwalay ang kaluluha ko sa katawan ko." Anang ni Dante ay binitawan ang lalaki. Para pang masusuka si Dante dahil sa amoy ng dugo. Nang hindi niya mapigilan ang saril ay nanakbo siya at sumuka. "Teka, bakit pati kami papatayin mo?!" "Dahil alagad kayo ni satanas dapat kasama kayo. Pangit naman kung mag-isa lang ang amo niyo sa impyerno tapos yung mga aso niya naiwan dito sa lupa." Pag katapos sabihin iyon ni Florian ay binaril niya ang lalaki, sinunod niya ang isa pa. Napayuko nalang ang mga tauhan ni Florian ganoon din si Raul. "B-bakit lahat sila ay pinatay mo boss?" Kabadong tanong ni Dante. "Ang masasamang nilalang na katulad nila ay hindi na dapat nabubuhay pa sa mundong ito. Mamatay rin naman sila sa pag lipas ng panahon, pina-aga ko lang." Napa nganga nalang si dante at tumingin ka Raul. Sadyang nakakatakot nga si Florian kung magalit. Malala pa ito sa kanyang ama, hindi niya ma-control ang kanyang sarili kapag siya'y nagagalit. "Palabasin niyong nang gahasa ang mga yan dito, kaya napatay ng mga tauhan natin. Kumuha kayo ng babaeng pwedeng bayaran at paaminin na ginahasa siya ng mga ito. Linisin niyo ang mga basurang yan ayokong may maiiwan ditong bakas mula sa kanila." Wika ni Florian at hinagis kay Dante ang baril na hawak nito. Nasalo naman ito ng lalaki. "I was ready to kill, for the woman I loved." Anang ng lalaki at hinawakan sa braso si Sadia. 'Ikaw! Halika rito." Hinila ni Florian ang braso ni Sadia. Kahit iika-ika si Sadia ay kinakaladkad parin siya ni Florian. Nag tatagis ang bagang ng lalaki naka tiim lang ang labi nito at deretso lang ang tingin sa daan patungo sa cabin. Nang makapasok sila sa loob ng cabin ay pabalibag na sinirado ni Florian ang pinto. "You, young lady! Sino ang may sabi sa'yo na lumabas ka ng kuwartong ito. Alam mo ba ng dahil sa'yo nakapatay ako ng tao!" Pasigaw na turan ng lalaki, napatalon sa gulat si Sadia habang nakatitig ang basang-basang mata nito kay Florian. Nangiginig ang labi ng dalaga habang pigil ang pag iyak. Napahilot ng kanyang sintido si Florian, hindi parin humuhupa ang galit sa kanyang dibdib. Muli niyang hinila ang babae papasok sa loob ng banyo at tinapat niya ito sa shower. Dahil sira narin naman ang damit ni Sadia ay tuluyan niya itong pinunit. Doon niya nalaman na wala palang suot na bra ang babae. Kaya naman bumuyanyang ang may katamtamang laki ng didbib ng dalaga. Kinuha niya ang liquid soap sinabunan niya ang parte ng leeg ni Sadia, kung saan hinalik-halikan ng lalaking rapist ang leeg ni Sadia. Binanlawan niya ito ng mabuti, siya narin ang nag shampoo sa buhok nga babae. Si Sadia naman ay walang tigil ang pag hikbi habang nakatitig sa mukha ni Florian. Lumuhod si Florian sa harapan ni Sadia at sinabunan ang hita at binti ng dalaga. Doon niya lang napansin na may pulang likidong umaagos mula sa talampakan ni Sadia. "Anong nangyari dito sa paa mo?" Nag aalalang tanong ng lalaki. Inangat niya ang isang paa ni Sadia. Doon niya nakita ang isang mahabang bubog ng buti ang naka-baon mismo sa talampakan ng dalaga. Dahan-dahan niya tinanggal ang bubog. Lalong lumakas ang pag dugo ng paa ni Sadia. Minadali niyang linisan ang dalaga at binihisan niya narin ito. Tumawag siya sa staff ng resort niya na mag dala ng medicine kit. Nang dumating ang isa sa mga staff ng resort dala ang medicine kit box. Siya na ang nag gamot sa paa ni Sadia. Nilagyan niya ito ng benda pag katapos niyang linisan. Sunod niyang ginamot ang sugat sa gilid ng labi ng dalaga. Pumutok ang labi ng dalaga ng sampalin siya ng lalaki kanina. Abala sa pag lalagay ng alcohol si Florian sa sugat ni Sadia ng mag tagpo ang kanilang mga mata. Nag katitigan silang dalawa, dahan- dahan umangat ang dalawang kamay ni Sadia at hinawakan ang mag kabilang pisngi ni Florian at marahang hinaplos ito. "Patawarin mo ako Florian! Hindi na ako magiging makulit sa'yo huwag kalang magalit sa akin." Usal ng babae at hinalikan sa labi si Florian. Nabigla naman ang lalaki, hindi siya sanay sa ikinikilos ng dalaga. Ilang beses narin naman sila nag hahalikan pero hindi parin maiwasan na mabigla siya. Masuyong halik ang binigay ni Sadia sa lalaki na, nagustuhan naman ni Florian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD