Alas sais ng umaga ng magising si Sadia.
Sa malaking kama ay hinanap niya ang pigura ni Florian pero wala Ang lalaki tanging si Calev lang ang naroon.
“Umuwi ba siya kagabi? Pero bakit hindi manlang siya nag paalam. Ang sabi niya babalik siya rito sa kuwarto.” Mahinang wika ni Sadia.
Ilang oras din nag hintay si Sadia kay Florian kagabi. Umasa ito nababalik ang lalaki hanggang sa makatulog na siya.
Bumangon si Sadia mula sa kama at lumabas ng silid.
Sa hallway habang papalapit siya sa hagdan ay rinig niya ang malakas na boses ng kanyan ina. Mukhang galit ito base narin sa tono ng pananalita nito.
Dahan-dahan humakbang pababa si Sadia.
“Bakit dito kayo natulog? God hindi man lang kayo nahiya sa mga katulong nag kalat pa kayo. Kaninong suka to?!” Boses ng kanyang ina.
“Mama kay Daddy yan hindi sa akin.” Boses ni Leo.
“At Ikaw naman mag damag nag aalala sa'yo ang asawa mo, hindi mo man lang nagawang mag text sa kanya na hindi ka makaka-uwi!” Galit na saad ni Angelecca.
Pag kababa ni Sadia nadatnan niya ang kanyan ina na naka pamewang at pinagagalitan si Leo at ang kanyang ama.
Ang gugulo ng mga buhok ng mga ito halatang may hang-over pa.
Sobrang kalat ng sa sala nag kalat ang bote ng alak at wine may mga beer in-can pa. Ang mga balat ng chips na pinag pulutan pa yata ay nag kalat din may suka din.
Inilibot niya ang kanyang patingin sa malaking sala pero wala doon ang hinahanap niya.
“Kuya Leo where's Florian?” Tanong niya sa kanyang kuya.
Bumaling sa kanya si Leo at nag kibit balikat. “I don't know nauna akong nakatulog kagabi si daddy at si Florian ang natirang nag iinuman.” Sagot ni Leo.
Biglang umalsa ang dugo ni Sadia. Baka pinauwi ng kanyang ama si Florian na lasing na lasing.
“Papa, don't tell me na pinauwi mo si Florian kagabi?!” Matigas na tanong niya sa kanyang ama. “Lasing siya baka kung ano ang nangyari dun.” Nag aalalang wika ni Sadia.
Hindi sumagot si Ellieoth at yumuko na lamang. Anong isasagot niya sa kanyang anak hindi niya naman alam kung nasaan si Florian nakatulog narin siya kagabi pag katapos niya masuka.
“Ma'am Sadia si sir Florian ay naroon nakatulog sa banyo mula pa kagabi.” Wika ng isang soltera.
“What?!” Bulalas ni Sadia.
Agad nag tungo si Sadia sa banyo malapit sa dinning area.
Pag bukas niya ng pinto ay nakita niya si Florian nasa loob ng bathtub. Sa sobrang tangkad ni Florian ay halo lumagpas ang mahabang binti nito. Mukhang pinag kasya ng lalaki ang sarili sa bathtub sa laki ba naman ng katawan nito.
“Sira ba siya? Pwede naman siya umakyat sa kuwarto bakit dito siya natulog.” Mahinang usal ni Sadia.
Muling lumabas ng banyo si Sadia at bumalik sa silid niya upang kumuha ng bathrobe dalawa kinuha niya.
Pag baba niya sa hagdan ay sinalubong siya ng kanyang ama.
“Anong gagawin mo?” tanong ni Ellieoth.
“Papaliguan ko po si Florian, bakit doon niyo naman siya pinatulog.”
“Hindi ko siya pinatulog doon siya ang kusang nag punta dun.” Sagot ni Ellieoth sa anak.
“Bakit dalawang bathrobe ang dala mo?” Muling tanong ni Ellieoth.
“Sasabayan ko siya maligo, don't worry papa wala ng mawawala sa'kin may anak na kami at isa pa kasal narin kaming dalawa.”
Mag sasalita pa sana si Ellieoth ng pigilan na siya ni Angelecca.
“Ikaw maligo ka narin namamaho kana mag uusap pa tayo.” Wika ni Angelecca.
“Hindi ba tayo sabay maliligo sweetie?” Nag papa-cute na sabi ni Ellieoth.
“Nek-nek mo matanda na tayo Ellieoth, may mga apo na tayo mahiya ka naman. Ang pilyo-pilyo mo parin.” Anang ni Angelecca. Sumimangot naman ng husto si Ellieoth.
Iniwan na ni Sadia ang kanyang mga magulang at binalikan si Florian.
Ni-lock ni Sadia ng pinto ng banyo at lumuhod sa marmol tinukod niya ang isang siko sa bathtub at nangalumbaba.
Pinag masdan ni Sadia ang mukha ni Florian.
“Ang gwapo, ang gwapo gwapo mo talaga. Perfect!” Usal ni Sadia at pinisil ng malakas ang ilong ni Florian.
Napadilat ng mata si Florian at pupungas-pungas na upo sa bathtub.
“Good morning baby,, how's your sleep? Masarap naman ba ang tulog mo?”
“Sadia,,” Bigkas ng lalaki sa pangalan ni Sadia.
“Alam mo bang halos tumirik ang mga mata ko kakahintay sa'yo kagabi. Tapos malalaman ko dito ka sa bathtub natulog. At talagang pinag kasya mo ang sarili mo sa bathtub na ito.”
Napabuga ng hangin si Florian. “Sorry baby lasing na lasing ako, hilong-hilo ako kaya dito nalang ako na tulog.” Paliwanag ni Florian.
“Total gising ka narin lang naman tumayo ka at maliligo tayo. Doon nalang tayo sa banyo ng kuwarto ko maligo. May utang ka pa sa'kin kagabi kaya dapat mong bayaran iyon.” Wika ni Sadia at tumayo na.
Napa-maang si Florian habang nakatitig kay Sadia. “So let's go,” wika ni Sadia.
Tumayo ang lalaki at sumunod sa pag labas ni Sadia.
Nang makarating sila sa silid tumuloy si Sadia sa banyo. Nanatili namang naka sunod si Florian.
Pag kapasok ni Florian ay ni-lock niya ang pinto.
Humarap sa kanya si Sadia at matamis na ngumiti. “Halika sabay na tayo maligo.”
Nilahad ni Sadia ang kanyang palad sa harapan ni Florian, tinanggap naman ito ng lalaki.
Tinulongan ni Sadia mag tanggal ng damit si Florian. Pati pag unbuckle ng sinuturon ay si Sadia ang gumawa.
Boxer nalang ang natirang saplot ni Florian.
Si Sadia naman ay nanatiling suot ang satin nightdress na pang tulog niya.
Sabay silang tumapat sa shower at parehong dinama ang malamig na tubig na nag mumula sa shower.
Nang mabasa na sila pareho umapak si Sadia sa takip ng toilet bowl upang malagyan niya ng shampoo sa buhok si Florian.
Ang tangkad naman kasi ng lalaking ito, Hindi pa nga siya lumalagpas sa balikat ng lalaki.
Nang matapos niyang lagyan ng shampoo si Florian ay binanlawan niya rin ito.
Hinawakan ni Florian ang maliit na baywang ni Sadia at marahang hinaplos ito.
“I love you," Sambit ng lalaki.
“Mahal na mahal din kita Florian.” Sagot ni Sadia at pinatakan ng halik sa labi si Florian.
Ang simpleng halik ay nauwi sa malalim na halikan.
Gumapang ang labi ni Florian pababa sa leeg ni Sadia.
Kinarga niya ang babae, pinulupot naman ni Sadia ang dalawang binti niya sa baywang ni Florian.
Muling bumalik ang labi ni Florian sa labi ni Sadia at masuyong hinalikan ang babae.
Natigil lang ang halikan ng dalawa ng may kumatok sa labas ng pinto ng banyo.
“Mama, Daddy are you there guys?” Maliit na boses ng batang lalaki.
Napangiti si Florian at pinatakan ng halik ang noo ni Sadia. “Next time baby babawi ako sa'yo.” Saad ni Florian.
Ibinaba ni Florian si Sadia at nag lakad patungo sa pinto ng banyo.
Binuksan niya ito naka ngiting mukha ni Calev ang sumalubong sa kanya.
“Hi daddy good morning,” bati ni Calev sa ama.
“Hey, big boy good morning how's your sleep.”
“Ok naman po daddy,” tuloy-tuloy pumasok si Calev sa loob ng banyo.
Nasanay kasi ang bata sa tuwing magigising siya sa umaga mukha ng kanyang ina nakikita. Palagi itong humahalik sa pisingi ng kanyang ina.
Nag tatakang napatitig si Calev sa ina.
“Mama,, bakit basang basa ka po?” Tanong ni Calev sa ina.
“Ahmmn,,, p-pinaliguan ko kasi ang daddy mo.”
“Pero big na po siya hindi niya na kailangan paliguan, kaya niya na po ang kanyang sarili.” Wika ng bata.
“Son, kailangan ko ang mama mo. Lalo na tuwing gabi. And she needs me too.” Nakangising wika ni Florian.
Pinag ikutan ni Sadia ng mata si Florian mukhang inaasar siya nito.
“Hoy,, mister bata pa yan huwag mo tuturuan ng kalokohan yan.” Sambit ni Sadia.
Dahil nasa banyo narin lang naman silang tatlo ay sabay-sabay na silang naligo.
“Don't worry kuya Florian bagong-bago pa yan hindi ko pa nagagamit.” Anang ni Sixto.
Dahil walang baon na damit si Florian ay pinahiram siya ng damit ni Sixto dahil pareho lang naman sila ng laki ng katawan.
“Hoy,, Sixto baka nagamit mo na yang brief. Naku dami mo pa naman na babae baka may aids kana at mahawaan mo pa si Florian.” Biro ni Sadia sa kapatid.
“Ouch,, ate sakit ah, hindi ko pa yan nagagamit bago pa yan. At excuse me lang, lahat ng nagiging babae ko malilinis.” Depensa ni Sixto.
“Really huh?” wika ni Sadia.
Matapos mag bihis ni Florian ay bumaba na sila upang kumain ng agahan.
Kumakain na ng agahan si Ellieoth at Angelecca ng madatnan nila Sadia.
“Good morning iho, halika sumabay na kayo sa amin.” Naka ngiting saad ni Angelecca.
“Good morning din po tita,” nakangiting wika ni Florian.
Bahagyang kumunot ang noo ni Angelecca. “Mama, call me mama. Asawa kana ng anak ko kaya mama narin itatawag mo sa akin. Ganoon din kay Ellieoth daddy na ang itatawag mo sa kanya.” Anang ni Angelecca.
“What? No! Ayoko nga.” Bigkas ni Ellieoth.
Tinaasan siya ng kilay ni Angelecca. “Sweetie huwag kang bastos, gusto mo mamayang gabi doon kita patulugin sa kulungan ni bruno? Para kayong dalawa mag katabi at si Bruno ang yakapin at halikhalikan mo!” Mariing wika ni Angelecca.
Huminga ng malalim si Ellieoth at masamang tinitigan ni Florian.
“Fine, you can call me what you want!” Masungit na turan ni Ellieoth at muling kumain.
Napangiti si Angelecca, si Sadia naman ay napailing nalang. Napaka sungit talaga ng kanyang ama. Napapaisip lang siya mag damag mag kasama si Florian at ang ama niya. Paano kaya pinakitunguhan ni Florian ang kanyang ama, kung ganito siya nito itrato. Bumaling siya sa lalaki nakangisi ang loko.
“Thank you papa,” Bigkas ni Florian habang naka ngisi. Mukhang inaasar din talaga ni Florian si Ellieoth.
Habang kumakain ang lahat ay nag salita si Florian.
“Mama pwede ko po ba isama si Sadia at Calev, kaarawan ngayon ni pa'pa at gusto rin sila makita ni lolo Robert at ni pa'pa.” Paalam ni Florian kay Angelecca.
“Sure / No!” Sabay Bigkas ni Angelecca at Ellieoth.
“At bakit hindi? Asawa ni Sadia si Florian at ama siya ng apo natin.” Sambit ni Angelecca.
“Basta ayoko!” Inis na saad ni Ellieoth.
“Hindi ka pa ba nakaka-move on Ellieoth, gurang kana. Ano, dadalhin mo ba hanggang kamatayan ang sama ng loob mo kay Diego?” Halata na sa mukha ni Angelecca ang pag kairita.
“Bakit si Diego, nakalimot na ba? Matagal kinulong ng gagong yun ang anak natin. Tapos ngayon manugang ko pa ang anak ng hayop na yun.” Anang ni Ellieoth.
“Dad, c'mon nag kakauban kana, tanggapin mo nalang na si Ate Sadie at kuya Florian ang para sa isa't-isa. Maganda ang lahi nila kuya Florian gwapo tingnan mo si Calev ang gwapo katulad ko.” Ngingisi-ngising wika ni Sixto.
Umismid ang labi ni Ellieoth at masamang tinitigan si Sixto.
Walang nagawa si Ellieoth kundi pumayag na sumama si Sadia at Calev kay Florian. Dahil kung hindi ay baka pulutin siya sa kalungan ni Bruno.
“Bye lolo and lola.” Masiglang wika ni Calev habang kumakaway sa loob ng sasakyan.
“Bantayan mo ang mama at daddy mo apo, mahirap na baka makabuo ulit.” Wika ni Ellieoth, kaya naman siniko ni Angelecca sa tagiliran si Ellieoth.
“Aray sumusobra kana sweetie masakit ha,” reklamo ni Ellieoth. “Bakit papalag kana sa akin, ahmmn?” mataray na sabi ni Angelecca.
“Sabi ko nga hindi.” Mahinang usal ni Ellieoth.
Napapangiti nalang si Sadia. Hindi talaga makapalag si Ellieoth kapag si Angelecca na ang kaharap nito.
“Bye,,,enjoy guys.” Turan ni Sixto at kumaway.
Dumeretso muna sila Florian sa kanyang mansion. Total mamayang hapon pa namang ang gaganapin ang silibrasyon.
Gusto niyang maka bonding ng mas matagal ang kanyang anak.
Mag hapon nanood ng movie sila Sadia sa kuwarto ni Florian. Hangang sa sumapit ang alas sais ng hapon.
“Florian pwede bang paki zipper hindi ko kasi maabot.” Pakisuyo ni Sadia sa kanyang asawa.
Lumapit si Florian sa kanya at matamis na ngumiti.
Pinatakan ng pinong halik ni Florian ang balikat ni Sadia.
“You look stunning.” Wika ni Florian sa malamyos na tinig.
Dahan-dahan niyang inangat pataas ang zipper ng suot na dress ni Sadia.
“Salamat Florian sa pag mamahal na ibinibigay mo sa akin. Mahal na mahal kita.” Nakangiting wika ni Sadia.
“Mas mahal kita Sadia.” Saad ni Florian.
Biglang nakaramdam ng kaba si Florian hindi niya alam kung saan nag mumula. Bakit ganito ang kanyang nararamdaman parang hindi maganda.
Sa malawak ng garahe naroon ang iba't-ibang uri ng mamahalin na sasakyan ni Florian.
Napili nilang gamitin ang black Audi ang isa sa pinaka paboritong sasakyan ni Florian.
“Are you excited son? Makikilala mo na ang mga lolo mo.” Wika ni Florian at lumingon sa anak nasa backseat ito naka upo. Habang si Sadia ay nasa front seat.
“Yes po daddy i am so excited to meet them.” Masayang saad ng bata.
Sa isang mamahaling hotel sila nag punta. Sa labas ng hotel ng lobby sila bumama sakto namang may lumapit na lalaking naka pulang tux. “Magandang gabi po Mr. Deogracia.”
Bati ng lalaki at sabay lahad ng isang kamay. “Magandang gabi rin,” sagot ni Florian at inabot ang susi ng kotse.
Tumingala si Sadia sa mataas na gusali, doon niya nakita ang pangalan ng hotel, pag mamay-ari pala ito ng mga Santimayor.
Sa pag kakaalam ni Sadia ang pamilyang Deogracia at Santimayor ay mag kaibigan.
Karga ni Florian si Calev parang wala itong pakialam na magusot ang suot nitong tuxedo. Habang ang isang kamay ni Florian ay nasa baywang ni Sadia.
Pag kapasok nila sa loob ng lobby ng hotel ay sinalubong sila ni Dante.
“Boss,,, yan na ba yung tinanim mo malaki na ah.” Naka ngising turan ni Dante at sabay kurot sa pisngi ni Calev.
“Where's dad and lolo Robert?” Seryusong tanong ni Florian kay Dante.
“Naroon sa loob kanina pa nga nag hihintay ang dalawang iyon sainyo.” Sagot ni Dante.
Pag kapasok nila sa malawak ng lounge ng hotel ay bumungad sa kanila ang mga bigatin ng bisita ng kanyang ama. Ang iba rito ay sinador at mga kasusyo nila sa negosyo.
Huling-huli ni Florian ang mga matang nakatitig kay Sadia.
Parang isang diyamante na kumikinang si Sadia sa mga paningin ng mga kalalakihan. Hindi maiiwasan humanga ang mga ito at makaramdam ng ingit kay Florian.
Napangisi si Florian hangang sa mauwi sa malapad na pag kakangiti. Nag tataka naman si Sadia para kasing tanga si Florian kung maka ngiti ito.
“Sorry na lang kayo, dahil nasa akin na ang babaeng pinag papantasyahan niyo. Hanggang titig nalang kayo.” Wika ni Florian sa kanyang isipan.
Nang makalapit sila Florian sa pwesto ng kanyang ama at lolo ay tinawag niya ang mga ito. Hindi kasi napansin ng dalawa ang pag dating nila abala ang mga ito sa pakikipag-usap sa bisita.
“Pa'pa, lolo Robert.” Tawag niya sa dalawa.
Sabay napalingon ang dalawa. “Florian iho, buti naman at nakapunta kayo.” Bakas sa mukha ng matanda ang kasayahan ng makita si Sadia at Calev.
“Iha,, nice to seeing you again. You look gorgeous.” Wika ni Don Robert.
“Hello po lolo Robert na miss po kita. Atsaka parang bumata po yata kayo ng sampung taon.” Anang ni Sadia.
“Tumawa ng malakas ang matanda isa yan sa mga namiss ko sa'yo iha, ang pang bobola sa akin. But I like it.” Turan ni Don Robert.
“Bakit wala ka pong kilay? What happened to your eyebrows pow?” Nag tatakang tanong ni Calev kay Don Robert.
Muling tumawa si Don Robert. “Ito ba kagagawan ito ng mama mo noon.”
“Sadia,, kamusta kana iha?” Boses ni Diego lahat sila ay nabaling ang atensiyon kay Diego.
“M-maayos naman po ako.” Nahihiyang sagot ni Sadia.
“Siya na ba ang apo ko?” Tanong ni Diego at ngumiti.
Totoo ba ang nakikita nila ngumiti si Diego.
“Yes pa'pa he's name is Calev.” Si Florian ang nag salita.
“He looks like you son, noong bata ka pa,” Dagdag pa ni Diego.
Nag lakad ang bata papalapit kay Diego at mahigpit itong niyakap.
“Ikinagagalak po kitang makilala lolo Diego.” Sambit ng bata habang yakap-yakap si Diego sa baywang.
“Hindi mo ba ako yayakapin apo, lolo mo rin ako.” Anang ni Don Robert.
“Ano ba yan marami po pala akong lolo.” Usal ni Calev at sabay kamot ng ulo. Natawa naman ang lahat dahil sa sinabi ni Calev.
“Ayaw mo yun marami kaming mag mamahal sa'yo.” Saad ni Don Robert.
“Happy birthday Pa'pa.” Bati ni Florian sa ama at nakipag manly hug sa ama.
“Thank you son.”
“Habang masayang nag uusap-usap sila Florian at Sadia ay biglang may sumulpot sa likuran ni Sadia.
“Sabi ko na nga ba ikaw yan, kakaiba talaga ang ganda mo nangingibabaw sa lahat .”
Boses ng isang lalaki at dinampian ng halik nito si Sadia sa gilid ng leeg.
Parang mauubusan ng hangin si Sadia sa kanyang dibdib at pag kabigla.
Lalo na ng makita ang awra ng mukha ni Florian. Nag tatagis ang mga bagang nito para itong kakain ng buhay na tao.
Bumaling si Sadia sa lalaking nasa likuran niya. “L-lander?” Usal ni Sadia halos parang hangin nalang ang lumabas sa bibig ni Sadia.
“Hey,, honey are you surprise?” Naka ngiting tanong ni Lander kay Sadia.
“Oo na surpresa ako ng sobra ang galing mo, timing na timing ka!” Mariing bulong ni Sadia at pasimpleng tinapunan ng tingin si Florian.
“Tang**nang lalaking ito, nawala nga sa landas ko si Phillix Sandoval siya naman ang pumalit. Babalatan ko talaga ng buhay ito.” Wika ni Florian sa kanyang isipan.
“Mr. Lander Sanvictor? Mag kakilala pala kayo ng manugang ko.” Si Diego ang nag salita.
Pansin ni Diego ang pag bago ng mood ni Florian baka mamaya bigla nalang ito mamaril. Halatang nag seselos ang lalaki.
“Yeah,, naging mag kaibigan kaming dalawa doon sa america. Right honey?” Saad ni Lander at marahang kinurot ang pisngi ni Sadia.
“O-opo tama po siya, mag kaibigan lang po kami.” Sambit ni Sadia at malakas na siniko si Lander tinamaan ito sa tiyan kaya napa ngiwi ito.
“Hey bastard, maybe you want to take your hand off my wife's shoulder!” Kalmado lang ang boses ni Florian pero ang mga mata nito ay matalim na nakatitig kay Lander.
“Oh,, I'm sorry Mr. Deogracia nariyan ka pala, hindi kita napansin.” May pang aasar pa sa boses ni Lander at sabay ngumisi. Lalo naman nairita si Florian dahil sa kapreskuhan na pinapakita ni Lander, hambog din talaga ang isang ito. Hindi siguro nito kilala si Florian kung paano magalit.
Nag paalam si Lander na pupunta muna saglit sa comfort room ng mga lalaki.
Si Florian naman ay kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pants.
“Excuse me, I'll just answer the call.” Paalam ni Florian at tumayo.
“S-samahan na kita?” Wika ni Sadia.
“No need baby babalik din ako kaagad.” Turan ni Florian.
Ang totoo ay wala naman talagang tumatawag sa kanya. Si Lander ang kanyang sadya. Habang nag lalakad si Florian ay nakita niya si Dante naka tingin ito sa dereksiyon niya. Senenyasan itong sumunod sa kanya.
Sa mahabang hallway papunta sa comfort room. May iilang bisitang nakakasalubong si Florian.
Tumigil si Florian sa labas ng comfort room at hinintay ang pag dating ni Dante.
Maya-maya pa ay dumating na si Dante may inabot ito kay Florian na isang bagay.
Pumasok na si Florian sa comfort room ng mga lalaki si Dante ay nanatili sa labas. Ni-lock ni Florian ang pinto ng comfort room ngasigurong wala ng ibang tao.
Rinig niya ang pag flush sa kabilang cubicle.
Sumandig si Florian dahon ng pinto at pinag ikis ang binti nito.
Lumabas si Lander sa cubicle at dumeretso sa lababo at nag hugas ng kamay.
“Mr. Sanvictor.” Tawag ni Florian sa lalaki.
Nabigla naman si Lander ng makita si Florian nag tataka din ito kung bakit naka sirado ang pinto ng comfort room.
“May kailangan ka Mr. Deogracia?” Casual na saad ni Lander at muling nag hugas ng kamay. Pag katapos ay nag punas ito ng tissue.
“Gusto ko lang ipaalam sa'yo na asawa ko na si Sadia. Madamot ako tao lalo na pagdating sa pagkaing ko. Ayoko na may langaw na dumadapo sa pagkain ko!” Mariing wika ni Florian.
Napangisi naman si Lander. “You know what Mr. Deogracia. Wala pa nga akong ginagawa, nag rereact kana ka agad. Maganda ang asawa mo kahit sinong lalaki mag kaka-gusto at hahanga sa kanya. Hindi ko rin naman ugaling mang agaw ng pagkain ng iba, makisalo pwede pa siguro.”
Lalong nag ngitngit sa inis Florian. Mabilis siyang nag lakad papalapit kay Lander at kwenelyuhan ang lalaki.
Malakas niya itong sinuntok sa mukha at isinandig sa dingding. “Tarantado ka gusto mo pasabugin ko yang bungo mo!” Galit na sabi ni Florian at tinutok ang dulo ng baril sa sintido ni Lander.
Biglang namutla ang lalaki namawis ang noo nito.
“I--ito n-naman hindi kana mabiro, relax pare.” Nanginginig ang boses nito.
Idiniin ni Florian ang dulo ng baril sa sintido ni Lander.
Nagulat si Florian ng mapatili si Lander yung tili na daig pa ang babae.
“What the f**ck!” Bulalas ni Florian.
Dahil sa tili ni Lander ay pumasok si Dante sa loob ng comfort room.
“Boss anong nangyayari diyan?” Tanong ni Dante.
“I don't know, bigla na lang siya nag titili.”
Muling bumukas ang pinto pumasok si Sadia.
“Florian anong ginagawa mo kay Lander?!” Nag aalalang tanong ni Sadia.
Tama nga ang kutob ng babae sinundan ni Florian si Lander. “Napaka bayonlente mo talaga ang hilig mong mag haras.” Muling saad ni Sadia.
Hinila ni Sadia ang braso si Florian upang bitawan si Lander.
“My gosh Florian ano ba ginagawa mo tinatakot mo si Lander.”
“Dapat lang na matakot siya para matuto siyang lumugar.” Inis na wika ni Florian.
“Sige na Lander umalis kana ako na bahala sa bayolenteng ito.”
Nag mamadali naman umalis si Lander bago lumabas ng comfort room inayos muna nito ang neck tie niya.
Sinundan ito ng tingin ni Dante. “Ang laki-laki ng kawatan paminta naman pala.” Bulong ni Dante.
“Ikaw sumusobra kana Florian, wala na sa lugar ang pag seselos mo! Tinutukan mo pa ng baril yung tao.” Kastigo ni Sadia sa lalaki.
“Nakakainis kasi nang aasar pa. Ang yabang.” Sagot ni Florian at sumimangot.
“Anong laban sa'yo nung tao, alam mo bang paminta yun. Mukha lang lalaki ang pangangatawan nun pero berde ang dugo nun.”
“Berde? Paminta? What do you mean?” Nag tatakang tanong ni Florian.
“Beke, baklush, bakla, ganun.”
“Bakla? Pero kung makalingkis sa'yo daig pa yung roromansahin ka. May bakla bang ganun.”
“Iwan ko sa'yo ang OA mo lagi, basta bakla yun si Lander. Ganun lang talaga yun malambing at mahilig mang asar pero mabait yun.”
“E, berde naman pala boss. Ikaw naman napaka OA mo mag react lahat nalang ng lalaking lalapit kay Sadia ay pinag seselosan mo.” Anang ni Dante.
“Gusto mo ikaw ang barilin ko ngayon.” Anas ni Florian at masamang tinitigan si Dante.
“Sabi ko nga tatahimik na.” Usal ni Dante at lumabas ng comfort room.
Lumapit si Florian kay Sadia at niyakap sa baywang ang babae. “Look i'm sorry baby, kaya lang naman ako nag kakaganito kasi,,, nag seselos ako ng sobra. Natatakot ako baka mag kagusto ka sa lalaking yun. Gwapo siya at may pangangatawan.”
“Alam mo Florian hindi maganda na masyado kang seloso. Sa palagay mo ba ipag papalit pa kita sa iba. Sa alaga mo palang busog na busog na ako, solve na solve. Ikaw parin ang paborito kong kalaro kahit anong mangyari.” Turan ni Sadia at nag lalaro ang pilyang ngiti nito sa labi.
“Ahmmn,, naughty girl.” Wika ni Florian at ginulo ang buhok ni Sadia.
“Mag sorry ka kay Lander, kaibigan ko yun.”
“Sige mag so-sorry ako pero i-kiss mo muna ako.” Ngumuso si Florian.
Tumingkayad si Sadia upang abutin ang labi ni Florian.
Pero biglang bumukas ang pinto ng comfort room. Sumilip mula roon si Dante.
“Boss mamaya nayan baka nakakalimutan niyo nasa comfort room kayo. Standing ovation baka mangawit kayo niyan.” Biro ni Dante.
Mahinang natawa si Sadia dahil sa sinabi ni Dante.
“Tarantado!” Mura ni Florian kay Dante.
Bumalik sila sa lounge natanaw ni Sadia si Calev na nakikipag kulitan kay Diego. Napangiti siya kahit papaano ay nakita niya ng ngumiti si Diego. Noon kasi lagi naka kunot ang noo nito at laging naka simangot.
Alas diyes nag paalam ng uuwi si Sadia at Florian. Hinanap ni Sadia si Lander upang humingi sana ng paumanhin dahil sa ginawa ni Florian pero wala na ito.
Nalaman ni Sadia na kasusyo pala ng mga Deogracia sa negosyo ang mga magulang ni Lander.
Oo may pagka pusong babae si Lander pero kasal ito sa isang babae. Yun ang pag kakaalam ni Sadia noong naroon pa sila sa america. Ipinakasal si Lander sa pilitan sa isang babae dahil nalaman nga ng mga magulang nito na bakla ito. Pero ayon sa nalalaman niya nabuntis ni Lander ang pinakasalan nito, yun nga lang ay nag tatago ngayon ang babae. Isa din dahilan kung bakit umuwi dito sa pilipinas si Lander upang hanapin si Saintañia, yun ang pangalan ng babaeng sinabi sa kanya ni Lander nung mag kausap sila sa Enchanted Kingdom.
“Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” Tanong ni Florian habang nag mamaneho ng sasakyan.
“Iniisip ko lang si Lander.” Sagot ni Sadia.
“At bakit mo naman iniisip ang baklang yun.”
“Wala lang iniisip ko lang kung nakita niya na ba si Saintañia.”
“Saintañia? Who's she?”
“Yung babaeng nabuntis ni Lander.”
Napapreno si Florian dahil sa sinabi ni Sadia.
“Nabuntis? Akala ko ba bakla yun bakit naka buntis? Tama lang pala na bakuran kita sa kanya. Hanep,, bakla pero matulis. I can't imagine, kung paano niya ginagawa yun with that girl. Siguro baka mas malambot pa siya kumilos sa babae.” Tumatawang wika ni Florian.
Malakas na hinampas ni Sadia si Florian sa braso. “Grabe ka ha, wag mo pinag tatawanan yung tao hindi mo alam kung ano ang pinag dadaanan niya.”
“Fine sorry pero,,, nakakatawa talaga kung paano nilang ginagawa yun.” Sambit ni Florian at malakas na tumawa. Napalingon si Sadia sa backseat tulog na tulog na si Calev.
“Hoy! Ano ba para kang tanga syempre kung ano yung ginagawa mo sa akin, yung din ang ginagawa niya dun sa babae.”
“Pero ako matigas lalaking-lalaki.” Mayabang na sabi ni Florian at tumawa.
“E, matigas din naman yung sa kanya.”
Natigil si Florian sa pag tawa dahil sa binigkas ni Sadia.
“Paano mo nasabi nakita mo ba?” Nakakunot ang noo ni Florian.
Dahan-dahan tumango si Sadia. “Oo Isang beses doon sa america.” Sagot ng babae.
Lalong nagusot ang mukha ni Florian.
Parang gustong matawa ni Sadia sa hitsura ng mukha ni Florian.
“Sino ang mas malaki sa aming dalawa? I'm sure yung sa'kin.” Kumpyansang wika ni Florian.
“Hindi rin,,, mas malaki yung kay Lander 12 inches yun. Yung sa'yo 10 lang.” Medyo may pagka dismayang pag kakasabi ni Sadia.
Napataas ang isang kilay ni Florian.
“Ganun? Edi dun kana sa kanya malaki pala.” Pag tataboy ni Florian kay Sadia.
Hindi na napigilan ni Sadia matawa, kaya tumawa ito ng malakas.
“Joke lang! Asar kana no?” Tumatawang wika ni Sadia.
“Ah,, ganun joke,” malakas na pinitik ni Florian ang noo ni Sadia.
“Loko-loko ka talaga.” Usal ni Florian at muling pinaandar ang kotse.
“Masakit yung pinitik mo.” Naka ngusong sabi ni Sadia.
“Dapat lang lagot ka sa akin pag dating mansion. Wait for my punishment.” Turan ni Florian.
Napalunok naman si Sadia naku hindi nga pala sila uuwi sa mansion ng kanyang magulang, doon pala sila tutuloy sa mansion ni Florian.
“Bakit natahimik ka, are you afraid now?” Tanong nito sa babae at ngumisi.
Umismid ang labi ni Sadia. “Ako matatakot hindi no.” Matapang na sagot ni Sadia.
“Let's see.” Ani ni Florian.