Chapter 7

4506 Words
"Sadia, balak mo pa yata mag pa feeding dito sa opsina ni señorito." Wika ni Layla ng makalapit sa puwesto nila Sadia. "Umuwi na kayo Layla iwan niyo na dito si Sadia." Anang ni Florian at pinatakan ng halik sa noo si Sadia. "Ok, señorito mag paka busog kayo, halika na Dante." Sabay hila ni Layla kay Dante palabas ng opsina. Niyaya ni Florian si Sadia patungo sa isang center table. May isang magabang black leather sofa roon. Naupo silang dalawa doon, si Sadia nag labas ng mga pagkain mula sa loob ng ecco bag. Pinag mamasdan lang ni Florian ang bawat kilos ni Sadia. Binuksan ni Sadia ang mga baunan. "Sabi ni nanay Elizabeth hindi ka daw kumakain ng tanghalian kapag naritito ka." Wika ni Sadia habang pinupunasan ng tissue ang kubyertos na hawak nito. "Nag punta ka lang ba dito para dalhan ako ng pagkain?" Tanong ni Sadia. Bumaling ang babae kay Florian at matamis na ngumiti. "Ahmm, na-miss na kasi kita kaya nag paalam ako kay nanay Elizabeth na puntahan ka dito." Saad ng dalaga at yumuko. Namumula ang mag kabilang pisngi nito. "You're blushing!" Naka ngising wika ni Florian. "Na-miss din kita Sadia!" Nag angat ng tingin si Sadia at nahihiyang tumitig kay Florian. "T-talaga na miss mo din ako?" Ngumiti si Florian at unti-unting nilapit ang mukha niya kay Sadia. Masuyo niyang hinalikan ang dalaga sa labi, napakapit naman si Sadia sa braso ni Florian. Nang humiwalay ang labi ng lalaki sa babae ay nag salita. "Yeah, i miss you baby! Tara kumain na tayo." Sambit ni Florian at sabay gulo ng buhok ni Sadia. Hanggang mag hapon ay nasa loob ng opisina ni Florian si Sadia. Naka tulog na nga ito habang ang lalaki ay abala sa pag tatrabaho. Habang matamang pinag mamasdan ni Florian ang mukha ng dalaga ay tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito. "Who is this?!" Matigas na tanong niya. "Iho si Clara ito, ang lolo mo may sakit dalawin mo naman siya dito sa mansion niya." Wika ng isang babaeng may edad sa kabilang linya. "I don't have time to visit him, i'm so busy!" Matigas na turan ni Florian. "Bakit naman ako dadalaw sa matandang iyon. Para ano? Para ipilit sa akin yung maduming negosiyo niya." Bulong ni Florian at muling bumaling kay Sadia na mahimbing na natutulog. "Iho alam kong galit ka sa lolo mo, pero matanda na siya may sakit siya ngayon kaya puwede dalawin mo naman siya." Muling saad sa kabilang linya. "Fine!" Yun nalang ang sinabi niya at pinatay ang tawag. Baka kung hindi niya pag bigyan ang gusto ng ginang ay puntahan siya nito sa mansion at kukulitin. Nang pumatak ang ala-sais ng hapon na pag desisyunan ni Florian na puntahan nalang ang kanyang lolo. "Saan tayo pupunta Florian?" Tanong ni Sadia. "Sa lolo ko," tipid na sagot ni Florian. Habang nag mamaneho si Florian ang kanang kamay nito ay naka hawak sa kamay ni Sadia. Mag kasalikop ang mga daliri nila. Habang ang isang kamay ni Florian ay nag mamaneho. Gusto lang ng lalaki ay hawak-hawak n'ya parati ang kamay ng dalaga. Pakiramdam niya kasi ay mawawala kahit anong oras ang babae. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman niya, may kung anong gumagambala sa kalooban ni Florian. Nakakaramdam siya ng pangamba, natatakot siya baka isang araw mawala sa kanya si Sadia. Nang makarating sila sa mansion ng Deogracia. Si Sadia ay naiwan sa loob ng kotse hindi ito pinasama ni Florian sa loob ng mansion. Pag kapasok niya sa loob sinalubong agad siya ni Clara ang personal assistant ng kanyang lolo. "Where is he?" Tanong niya sa babae. "Nasa opisina niya alam mo naman ang lolo mo kahit may sakit nag ta-trabaho." Anang ng ginang. Nag tungo si Florian sa opisina ng kanyang lolo. Pag kaposok niya isang galit na matanda ang bumungad sa kanya. May hawak itong baril habang nakatutok sa isang lalaking kaharap. Ito na nga ba ang iniisip niya kanina na drama lang yung may sakit ang lolo niya. Hindi halatang may sakit ito dahil ang lakas-lakas ng matanda. Tuwid na tuwid ang tayo nito. "Iho, naririto kana pala buti naman at dinalaw mo ako." Turan ng matanda. "Ano na naman ba ang kailangan mo? At umaarte ka pa talagang may sakit upang mag punta lang ako dito." Mababakasan sa boses ni Florian ang pag kairita. "Iho, ganiyn mo naba itrato ang lolo mo. Dati naman sa tuwing umuuwi at nag babakasiyon dito sa pilipinas lagi mo ako dinadalaw." Wika ng matanda pero bakas sa boses nito nalulungkot ito. "Noon yun, yung hindi ko pa alam ang kadumihan na ginagawa niyo ni pa'pa." Sagot ni Florian. Ang kaninang maamo na mukha ng matanda ay naging mabangis ito. Matalim nitong tinitigan si Florian. "Isa kang Deogracia! Dapat ikaw ang nag aasikaso ng mga negosyo natin! Nanalatay sa ugat mo ang dugo ko at ng ama mo, sa ayaw at sa gusto mo. Sa'yo ko ipapamana ang negosyo ko!" Sigaw ng matanda, nanginginig ang buong katawan nito sa inis. "Kahit mamatay ka ngayon sa harapan ko hindi ko parin tatanggapin ang mga madudumi mong pamamaraan. Mas gugustuhin ko pang dumildil ng asin, kesa mamalakad ng iligal mong negosyo!" Mariin na wika ni Florian. Umapoy sa galit si Don. Robert Deogracia dahil sa sinabi ni Florian. Kinuha ng matanda ang kanyang tungkod na naka patong sa wooden table, At malakas na pinalo sa braso ni Florian. Nabali ito dahil sa lakas ng pag kakapalo sa braso ni Florian, hindi naman ito ininda ng lalaki. "Hindi talaga kita mapapa-amo. Well tingnan natin kung hindi ka sumunod sa gusto ko. Mamamili ka Florian tatanggapin mo ang inaalok ko sa'yo, o ibabalik ko ang babaeng kina-babaliwan mo ngayon sa totoo niyang pamilya. O, kaya naman ipapatay ko nalang kaya siya, total parang siya pa ang nagiging sagabal s--" Hindi naituloy ng matanda ang sasabihin ng kuwelyuhan siya ni Florian. "Don't you dare! Kaya kung kalimutan na lolo kita kapag sinaktan mo siya. Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo siya masaktan!" Nag aapoy ang mga mata ni Florian sa galit habang nakatitig sa kanyang lolo. Napangisi ang matanda at bahagyang umiling-iling. "Manang-mana ka talaga sa ama mo, nagiging pusong mamon pagdating sa babae. Sundin mo ang gusto ko Florian at wala tayong magiging problema. Kilala mo ako iho, hindi ako madaling kalaban. Kahit ngayon kayang-kaya kong ipapatay ang babaeng naroon ngayon sa loob ng sasakyan mo, isang pitik ko lang ng daliri ko. Boom!" Binitawan ni Florian ang kwelyo ng polo na suot ng matanda. "Just try to touch her even at the ends of her hair. I will not hesitate to send you to hell!" Huling salitang lumabas sa bibig ni Florian bago iwan ang matanda sa opisina nito. Ilang beses napalunok ang matanda bago muling balingan ang lalaking kaninang tinututukan niya ng baril. "Lumayas ka sa harapan ko bago pa mandilim ang matingin ko!" Sigaw ni Robert. Naupo ang matanda sa swivel chair at lumagok ng alak sa goblet. "Noon si Diego ang pino-problema ko. Ngayon pati ang apo ko, may pinag manahan talaga." Anang ng matanda at muling sumimsim ng alak. Nang makabalik si Florian sa malawak na garage, tumuloy siya ka agad sa kotse napa kunot ang noo niya. Dahil bukas na ang pinto sa passenger seat. "Saan na naman ba nag punta ang makulit na babaeng yun." Usal ni Florian at muli sanang babalik sa loob ng mansion ng may marinig siyang mga boses. Mabilis siyang nag lakad patungo sa pool area kung saan nang gagaling ang mga boses. "Sige iha, kumain ka ng marami." Boses ni Amber ang tita ni Florian, nakakatandang kapatid ito ng kanyang ama. Naka-uwi na pala ito mula sa london. "Ang sarap naman po nito, anong tawag sa pagkain na ito?" Usal ni Sadia habang kinakain ang cake sa platito. Katabi ni Sadia ang pinsang lalaki ni Florian na si Sixtho ang pangalawang anak ni Amber. Umalsa ang dugo niya ng makita ang kamay ni Sixtho na nasa baywang ni Sadia. Mabigat na hakbang ang ginawa niya at ng makalapit siya ay tinawag niya si Sadia. "Sadia!" Napalingon si Sadia sa dereksiyon ni Florian. "Pasensiya kana Florian ang tagal mo kasi bumalik nagutom ako e, kaya nakikain muna ako." Sambit ni Sadia at matamis na ngumiti. Masamang tingin naman ang pinukol ni Florian kay Sixtho. "Your hand asshole!" Agad naman inalis ni Sixtho ang kamay niya sa baywan ni Sadia. "Oh, i'm sorry cous." Ngingisi-ngising wika ng ni Sixtho. "Hello Florian how are you?" Masiglang bati ni Amber at lumapit kay Florian at yumakap. Pero sa halip na pansinin ni Florian ang tita niya ang buong atensiyon nito ay na kay Sadia at Sixtho. Sinubuan kasi ni Sadia si Sixtho ng cake. "Hi, tita uuwi na kami ni Sadia." Anang ni Florian at humalik sa pisngi ni Amber. Nahuli ni Amber ang masamang tingin ni Florian kay Sixtho. "Relax iho, hindi aagawin ni Sixtho si Sadia sa'yo, takot lang ng pinsan mo yang sa'yo." Biro ni Amber at sabay tapik sa braso ni Florian. "Alam ba ng pa'pa mo na pinalabas mo si Sadia?" Tanong sa kanya ni Amber. "No," Sagot niya at hinawakan si Sadia sa braso at hinila patayo. "Teka lang Florian hindi pa ako tapos kumain." Reklamo ni Sadia at sabay dampot ng glass wine na may lamang juice at ininom ito. "Bibilihan nalang kita ng maraming cake." Ani ni Florian. Humakbang na siya ng mapag tanto ni Florian ang sinabi ng kanyang tita. Napatingin siya sa babae. May alam ba ito tungkol kay Sadia? Kung bakit ito kinulong ng kanyang ama. "Tita Amber!" Usal ni Florian. Mukhang nabasa naman ng babae ang ibig iparating ni Florian. "Next time nalang iho, pag uusapan natin yan. May tamang oras para diyan, oo nga pala imbitahan mo nalang kami ng pinsan mo sa birthday mo." Wika ng babae. Oo nga pala malapit na ang kaarawan ni Florian hindi niya na naalala. Masyadong natuon ang kanyang atensiyon kay Sadia nakalimutan na niya ang birthday niya. Ilang araw nalang ba? Tatlong araw nalang ay ka-arawan niya na at wala pa siyang plano. Nag paalam na si Florian at Sadia sa mag ina. Todo kaway naman si Sadia kay Sixtho. Pero si Florian ay hindi natutuwa nag seselos siya ayaw niyang may kausap o, kahit may ngitian ang dalaga na ibang lalaki. Gusto niya siya lang ang nginingitian ng babae. __ Lumipas ang dalawang araw ngayon ang kaarawan ni Florian. Sa isang sikat na hotel ginanap ang malaking silibrasiyon. Ayaw niya sana mag pa-party ng magarbo kaso mismo ang kanyang ama ang tumawag sa kanya. Kailangan niya mag pa party upang makilala niya pa ang ibang kasusyo nila sa negosyo. Nauna siyang nag punta dito sa hotel para asikasuhin ang mga bisitang dumarating. Sa malawak na lounge ng hotel ginanap ang ang party. Abala si Florian sa pakikipag usap sa kay Mr Bieore ng may kumalabit sa kanyang braso. Nakakunot ang noo niyang lumingon sa taong kumalabit sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng mapasino ang nasa harapan niya ngayon. Si Alodia Alicante. Ang ex girlfriend niya doon sa america. "Anong gingawa ng babaeng ito dito?" Wika niya sa kanyang isipan. "What are you doing here?" Tanong niya sa babae. Ngumuso ang babae at sabay kagat ng pang ibabang labi. "Is that how you treat your guest? Oh,, babe parang wala naman tayong pinag samahan noon." Anang ng babae at ngumisi sabay haplos ng braso ni Florian. Tinapik ni Florian ang kamay ng babae. "I'm sorry Alodia kausap ko si Mr. Bieore hindi muna kita ma-aasekaso. Ipapa-assist nalang muna kita sa secretary ko. Let's go Mr. Bieore doon tayo." Turo ni Florian sa mga grupo ng mga kalalakihan, naroon din si Thunder. "Tsk! Suplado parin hanggang nagyon. Pero dibale hindi matatapos ang gabing ito mapapa sa'kin ka muli, Florian Deogracia. " Bulong ng babae. "Gosh! Sadia para kang isang prinsesa. Ang ganda-ganda mo, sigurado kapag nakita ka ni señorito tiyak na matutulala na naman yun." Turan ni Layla habang inaalalayan si Sadia pababa ng kotse. Isang kulay pulang mermaid dress ang suot ngayon ni Sadia. Off shoulder at backless sa likod nito. Naka tali ng pa-bun updo ang buhok ni Sadia at may iilang hibla ng buhok ang naka lugay sa mukha ni Sadia. Kanina ay hirap si Sadia mag lakad dahil sa high heels na suot nito pero ngayon ay medyo sanay narin naman siya dahil sa tulong ni Layla. Dahil fitted ang dress sa katawan ni Sadia ay hubog na hubog ang seksing katawan ng dalaga. Nang makapasok sila sa loob ng hotel kasama si Dante ay sinalubong sila ng isang lalaking naka tuxedo at ginaya patungo sa hagdan. Kung nasaan ang venue. Inaalalayan ni Layla pababa ng mahabang hagdan si Sadia. Nasa kalahatian palang sila ng hagdan ng maagaw na ni Sadia nag atensiyon ng mga kalalakihan. Lahat ng lalaki ay naka tingala sa hagdan at mga pawang naka awang ang mga bibig. Habang abala si Florian sa pakikipag usap sa mga ibang bisita niya si Thunder ay nag mamadaling lumapit sa kanya at bumulong. "Bro, ang reyna mo pinag papantasyahan na ng mga kalalakihan." Bulong ni Thunder at sabay nguso sa dereksiyon ni Sadia. Kung saan pababa ito sa hagdan. Ilang segundo natulala si Florian habang nakatitig kay Sadia. "So beautiful!" Usal niya, at sabay lagok ng wine sa goblet na hawak nito. "Excuse me gentleman." Paalam ni Florian at nag lakad patungo sa paanan ng hagdan at sinalubong si Sadia. Dinampian ni Florian ng halik si Sadia sa labi. "You look stunning baby!" Bulong sa tainga ni Sadia at sabay hapit sa baywang ng babae. Ngising tagumpay si Florian. Kita niya sa mga mata ng mga kalalakihan ang inggit. Hindi siya mahihiyang ipag sigawan na girlfriend niya si Sadia. Hindi niya ikakahiya ang babae kahit hindi ito katulad ng ibang babae, na matalino at sosyal gumalaw. Ang pagiging inosente ng babae at kasimplehan nito ang nagustuhan ni Floria, at bukod doon mabait ang babae, malambing, magalang. Bunos nalang ang kagandahan nito. "Ano ba yan kinilig ako doon." Wika ni Layla. Sa hindi kalayuan may mga matang naka masid at matalim na nakatitig kay Sadia. "Kaya naman pala kung itaboy mo ako kanina Florian para akong isang trapo. Yun pala mayroon kanang bagong nilalandi!" Saad ng babae at masamang tinitigan si Sadia. Proud na ipinakilala ni Florian si Sadia sa lahat ng bisita nito. Panay yuko naman si Sadia para mag bigay galang. "Ate Layla na iihi po ako, may banyo ba rito." Mahinang bulong ni Sadia kay Layla. Wala si Florian sa puwesto nila may kausap kasi itong isang matanda na kaibigan din ng kanyang ama. "May roon yata, halika sasamahan kita." Ani ni Layla at tumayo mula sa pag kakaupo sa isang stainless na silya. "Saan kayo pupunta?" Tanong ni Dante. "Naiihi si Sadia sasamahan ko lang." Sagot naman ni Layla. Tumayo narin si Sadia at humawak sa braso ni Layla. Habang nag lalakad sila at si Sadia ay nakayuko habang si Layla ay abala sa kaka-pindot ng cellphone niya. "The heck! Look at what you did to my dress, this is expensive dress!" Angil ng babae. "Boba, tatanga-tanga bakit hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" Dagdag pa nito. Nabangga kasi ni Sadia si Alodia, ang wine na laman ng goblet na hawak ni Alodia ay naubos na tapon sa suot nitong dress. "Pasensiya kana hindi ko sinasadya!" Hinging pasensiya ni Sadia. "Sorry is not enough for me. Kneel in front of me and kiss my feet!" Naka ngising wika ng babae. "Ano! hoy babaeng mukhang ispasol na puno ng make-up ang mukha. Ang kapal ng mukha mo utusan ang alaga ko lumuhod sa harapan mo at halikan ang paa mo. Who are you mothef**ker!" Wika ni Layla. "Hoy! mukhang frog, huwag kang mangialam. Kung ayaw mong ingudngud ko ang mukha mo sa sahig." Singhal ng babae kay Layla. Dahil sa lakas ng boses ni Alodia ay naka agaw pansin ito sa lahat ng bisita. Napatingin ang lahat ng tao sa dereksiyon nila Alodia at Sadia. "Ano pa tinatanga-tanga mo lumuhod ka sa harapan ko at halikan mo ang mga paa ko." Utos ni Alodia kay Sadia. "S-sige," sagot ni Sadia at unti-unting lumuhod si Sadia sa harapan ni Alodia. "Sadia huwag mong gawin yan," saway sa kanya ni Layla at pilit siyang tinatayo. "Ayos lang po ate Layla kasalanan ko naman po talaga. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Turan ni Sadia at unti-unting yumuko upang halikan ang paa ni Alodia. Nag bulungan ang mga babaeng bisita. Lahat ng babae ay parang naimbyerna kay Alodia. Nakataas ang kilay ng babae habang naka ngisi. "Stand up!" Boses ni Florian. "I said stand up!" Mariing wika ni Florian at sabay hila patayo kay Sadia. "You have no right to embarrass my girlfriend in front of many people!" Seryusong wika ni Florian. Suminyas si Florian sa waiter na lalaki. Lumapit ito kay Florian may mga dala itong alak. Kumuha ng isang wine glass si Florian puno ng alak ang goblet, at walang habas na sinaboy pag mumukha ni Alodia. Napasinghap ang mga kababaihan, kahit si Sadia ay nagulat. Bakas ang pag kagulat sa mukha ni Alodia. Kumuyom ang kamao nito dahil sa inis. "Don't do this to my girlfriend again! Kung ayaw mong pulutin ka sa kangkongan." Tumingin si Florian kay Dante. "Palabasin mo ang babaeng iyan dito, ayoko ng basura dito sa birthday party ko." Anang pa ng lalaki. "You," sabay hila ni Florian sa kamay ng babae. Dinala niya ito sa hindi mataong parte ng hotel. "Bakit ginawa mo iyon sa kanya Florian? Mahilig ka ba talaga manakit ng bababe. Noon na nampal ka ng babae, ngayon naman sinabuyan mo ng inumin ang mukha nung babaeng yun, mali yung ginawa mo." "Seriously? ako pa talaga pag sasabihan mo ngayon. Ipag tatanggol mo pa talaga ang malditang yun, ikaw na nga inargabyado ikaw pa ang nag papakumbaba sa kanya. Puwede ba, kahit minsan lang lumaban ka kapag sinasaktan ka nila. Paano kung wala ako, sino ang mag tatanggol sa'yo? Paano kung mag kalayo tayong dalawa sino ang mag po-protekta sa'yo. You are unbelievable Sadia!" Hindi maka paniwalang litaniya ni Florian. "Pakiusap Sadia kapag sinaktan ka nila lumaban ka naman. Kapag sinampal ka nila, sampalin mo rin wag ka nag papatalo. Sa mundong ito bawal ang masyadong mabait, dahil aabusuhin lang nila ang kabaitan mo. Naiintindihan mo ba Sadia, lumaban ka. Papayagan kitang makipag away, basta ipangako mo sa akin wag mong hahayaang masaktan ka nila pisikal. Dahil ako na ang makakalaban nila." "Pero masama ang makipag away diba. Turo sa akin ni nanay Elizabeth masama daw makipag away." "Oo, masama makipag away pero masama din ang ginagawa nila sa'yo. Kaya kong makipag p*****n para sa'yo Sadia. Kaya sana, kaya mo rin ipagtanggol ang sarili mo laban sa kanila. Mahal kita Sadia ayaw ko na may nag papaiyak sa'yo. Dahil ako lang may karapatan mag paiyak sa'yo. I will make you cry, but in a good way! I love you!" Mahinang usal ni Florian at hinalikan ang labi ng babae. Nang mag hiwalay ang mga labi nilang dalawa yumakap ng mahigpit si Sadia kay Florian. "Salamat Florian! Kasi nariyan ka para ipag tanggol at protektahan ako kahit makulit, at matigas ang ulo ko." Bigkas ng babae at lalong pang hinigpitan ang pag kakayakap sa lalaki. "You are my strength Sadia. I love you more than my life!" Pinatakan ng halik ni Florian ang noo ng babae. "Boss, nariyan na ang mga Del Falco tinanggap nila ang imbitasiyon mo." Ani ni Dante. "Let's go Sadia." Inimbitahan ni Florian ang mag asawa, dahil gusto niyang makilala niya ito ng lubusan. Bumalik sila Sadia sa loob ng lounge. Sa dikalayuan na tanaw na ni Florian ang mag asawa. Pero napa kunot ang noo niya may kasama ang mga itong dalawang lalaki. Ang isang lalaki ay mukhang matanda sa kanya ng ilang taon, base sa hitsura ng lalaki ay kamukha ito Ellieoth Del Falco. Ang isang lalaking kasama nila, ay walang iba kundi ang kinaiinisan niyang pulis na si Phillix Sandolval. "What his doing here!" Mariing usal ni Florian. Lumapit sila Florian sa puwesto nila Ellieoth. "Thank you so much for accepting my invitation." Naka ngiting wika ni Florian sa mag asawa. Tipid na ngumiti si Ellieoth, pero si Angelecca ay ang lawak ng pag kaka-ngiti ng makita si Sadia. Huling-huli ni Florian ang kakaibang titig ni Phillix Sandoval kay Sadia. Biglang kumulo ang dugo niya, mali sigurong inimbitahan niya ang mga Del Falco bakit kasi kasama pa itong Phillix na ito. "Hi Sadia how are you, you look stunning!" Naka ngiting wika ni Angelecca. "Ano ang sabi niya?" Mahinang bulong ni Sadia kay Florian. "Sabi niya kung kamusta kana daw." Mahinang sagot ni Florian. Si Leo Del Falco naman ay matamang naka titig kay Sadia. Sinusuri niya bawat ang-gulo ng mukha ni Sadia. "Mabuti naman po ako, kayo po kamusta?" "I'm good iha, lalo na ngayon at nakita kita." Masayang turan ni Angelecca. Iginaya ni Florian ang mga bisita niya sa isang table na pinareserba niya talaga sa mag asawang Del Falco. "Florian punta lang ako ng banyo, kanina pa kasi ako naiihi." Bulong ni Sadia sa tainga ng lalaki. Tumango si Florian at tinawag si Layla para sa samahan si Sadia. Nakasunod ang mata ni Florian habang nag lalakad si Sadia. Hindi naman nakaligtas sa kanyang pandinig ang sinabi ni Leo Del Falco sa ina nito. "Ma, she looks like you!" Anang ni Leo sa ina. Pinag katitigan ni Florian si Angelecca totoo ang sinabi ni Leo, kamukha nga ni Angelecca si Sadia. Ang pagiging inosente ng mukha ng ginang ay katulad ng kay Sadia. "How's your father?" Tanong ni Ellieoth sa binata. "Do you know my father?" Nag tatakang tanong ni Florian kay Ellieoth. "Yeah, mag kaibigan kami noong college." Sagot ni Ellieoth. Nabigla si Florian sa kanyang nalaman. Naging mag kaibigan pala si Ellieoth Del Falco at ang kanyang ama. "He's fine, Mr Del Falco." Sagot ni Florian. "How about your business, Mr Deogracia. Dumadami ba ang prudukto niyo? Mukha kasing lumalaki at lumalawak ang negosyo ng pamilya mo." Naka ngising wika ni Phillix. Hindi niya talaga gusto ang tabil ng dila ng Sandoval na ito. Matalim niya itong tinitigan. Kulang nalang ay patayin niya ito sa tingin. Kung wala sa harapan niya ngayon ang mag asawa baka binaril niya na ito. "Phillix enough!" Saway ni Ellieoth sa binata. "I'm sorry tito Ellie, excuse me!" Paalam ni Phillix at tumayo. Tahimik lang si Leo at si Ellieoth, pero si Angelecca ay panay tanong kay Florian. Madalas niyang itanong sa lalaki ay si Sadia. "Bakit ang tagal bumalik ng babae yun?" Sa isip-isip ni Florian. Nag paalam muna si Florian sa mag asawa, hahanapin niya muna si Sadia. Habang nag lalakad si Florian sa hallway patungo sa comfort room ay naka salubong niya si Layla. Pero hindi kasama nito si Sadia. "Nasaan si Sadia?" Tanong niya sa babae. "Nauna siyang lumabas señorito sa comfort room, ang sabi ko sa kanya hintayin niya ako. Pero pag labas ko wala na siya." Napihilot si Florian sa kanyang sintido. "Kahit kailan pabaya ka talaga, isa pa Layla ibabalik na kita sa pinang galingan mo." Iritang sabi ni Florian. Tumalikod na si Florian at mabilis nag lakad pabalik sa venue, inilibot niya ang paningin sa buong venue. Pero hindi niya nakita si Sadia. Lumapit sa kanya si Thunder. "Are you looking for her? Ayon tinangay ng magaling kong pinsan. Sundan mo baka kung anong gawin nun, mabilis din yun pag dating sa babae." Anang ni Thunder at tinuro ang hagdan. Mariing napa kuyom ng kamao si Florian. Talagang iniinis siya ng lalaking iyon talagang sinusubkan siya ng Sandoval na yun. "Bro, bangasan mo lang ang mukha pero huwag mong lulumpuhin." Pahabol ni Thunder. "Paano mo nagawa ito?" Manghang tanong ni Sadia habang hawak ang kubyertos na naka baluktot. "By magic." Naka ngiting wika ni Phillix habang matamang naka titig sa mukha ni Sadia. "Magic, ano yun?" "Isang salamangka." Wika ni Phillix at bahagyang kumunot ang noo nito. "Ang galing naman, pwede bang akin na lang ito." "Sure, sa'yo nayan Sadia." "Salamat Phillix!" Masayang wika ni Sadia at lumapit kay Phillix at niyakap ang lalaki. "Your welcome beautiful!" Tumingala ang dalaga at tumitig kay Phillix. Na-akit ang lalaking halikan ang mapulang labi ng dalaga. Kaya naman yumuko siya at unti-unting inilapit ang labi niya kay Sadia. Nabigla naman ang babae dahil sa ginawa ng lalaki. Si Florian lang ang gumagawa nito sa kanya. Nag tatagis ang bagang ni Florian ng makitang hinalikan ni Phillix si Sadia, at sa labi pa talaga. Mabilis pa sa alas kuwatro ng makalapit si Florian sa dalawa. Hinila niya ang braso ni Sadia, kwenilyuhan niya ang lalaki at malakas na sinuntok sa mukha. Tinamaan ito sa ilong kaya dumugo ang ilong nito. "F**ck you moron! Landiin mo na ang ibang babae, huwag lang Sadia!" Bulyaw ni Florian at inatake niya muli si Phillix sinipa niya ito sa sikmura. Sa lakas ng pag sipa niya napa-ubo ang lalaki. Muli sanang aatakihin ni Florian si Phillix pero pinigilan siya ni Sadia. "Tama na! Florian wala naman siyang ginagawang masama." Masamang tinitigan ni Florian si Sadia. "Isa ka pa, halika rito!" Hinila ni Florian si Sadia. Sa sobrang selos ni Florian ay hindi sinasadyang na piga niya ng todo ang braso ni Sadia. "Aray! Florian nasasaktan ako." Daing ng dalaga. Nang makarating sila sa parking lot, ay padabog na binuksan ni Florian ang pinto ng passenger seat. "Pasok!" Sigaw ng lalaki. "Oo na papasok na! Hindi mo naman kailangan sumigaw!" Pasigaw din na wika ni Sadia. "Aba't marunong kanang sumagot ngayon. Sinisigawan mo ba ako Sadia!" Bulyaw muli ni Florian. "Oo! Sinisigawan mo din kasi ako!" Pasigaw na sagot ni Sadia sa lalaki at humalukipkip. "Damn it!" Mura ni Florian at malakas na sinirado ang pinto ng kotse. Mabilis itong minaneho ng lalaki patungo sa Deogracia condominium. Nang makarating sila sa condo unit ni Florian. Sa loob ay nag aawag parin silang dalawa. "Ano bang problema mo, bakit mo sinaktan si Phillix. Wala naman siyang ginagawang masama. Ano ba kinakagalit mo!" Sigaw ni Sadia. "B**llsh**t! Sadia nag seselos ako!" Sigaw ni Florian at sinipa ang mahabang sofa. "Nag seselos? Ano ba yun?!" "Wala akong panahon para ipaintindi sa'yo. Halika makakatikim ka talaga sa akin." Anang ni Florian at hinila papasok ng kuwarto si Sadia. "Take off your clothes!" "Ha?" "Ang sabi ko hubarin mo ang damit mo!" Sigaw ni Florian. "Ayoko nga!" Pag mamatigas ni Sadia. "Ayaw mo? Sinusuway mo na ako ngayon Sadia. Kung ayaw mong mag hubad, ako ang mag huhubad sa'yo!" Lumapit si Florian kay Sadia at pinunit ang suot nitong dress. "Florian bakit mo pinupunit ang damit ko." Naiiyak na wika ni Sadia. Nang mahubad ni Florian ang damit ni Sadia ay tinulak niya ito sa kama. Dumagan siya sa babae at bumulong sa tainga ng dalaga. "Prepare your self, because i'm gonna f**ck you so hard! Until you shout my name! And beg me to stop!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD