“PAPASOK kana ulit?” tanong nito nang makitang nag-aayos siya sa harap ng salamin. Kanina pa sila tapos kumain at ito ang naghugas ng pinagkainan nila. Hindi kasi siya hinayaan nitong maghugas kasi mababasa ang kanyang damit. Kaya hinayaan na niya ito sa gusto. Siya pa ba ang ayaw no'n? Napangisi siya nang hindi iniisip na makikita iyon ng kaharap. Nasa gilid lang ng salamin si Hieven, natitig sa ginagawa niya. “Why are you smiling at?” taas ang kilay nito na kinatingin niya bigla dito. Nawala ang kanyang ngisi nang makitang nakasimangot ito habang salubong ang makapal na kilay. “Bawal bang ngumiti?” Umirap siya at pinagpatuloy ang pagsuklay. Nang matapos ay kinuha niya ang kanyang bag at nagmartiya palabas ng bahay. Sumunod naman ito. Kinuha niya ang payong at akmang aalis na nang p

