MASAYANG naglalakad si Mekylla patungo sa bayan kinaumagahan. Matapos ihanda ang agahan ni Hieven ay umalis na siya. Hindi na niya hinintay na magising ito ngunit naglagay siya ng mensahe para dito. “Good morning po sa inyo!” malawak ang ngiting bati niya sa mga madadaanan. “Mukhang masaya ka ngayon, Mekay ah,” sabi ng isang matabang babae na may kalong-kalong na batang babae. Ngumiti siya at lumapit sa mga ito. Hinawakan niya ang pisngi ng bata at marahang pinisil ito. “Hindi naman po. Hello Shenay, kumain kana ba? Namiss mo si Ate ganda mo?” malumanay na wika niya ngunit nakapaskil pa din ang malawak na ngiti sa labi. Ang mga bata doon ay Ate Ganda ang tawag sa kaniya. Sa daming mga dalaga sa Isla ay siya lamang ang natatangi sa lahat, iyon ang sabi nang mga matatanda sa Isla Berde.

