HINDI maiwasan ni Mekylla ang kabahan ng unti-unting lumapit sa kanya so Hieven. Gwapong-gwapo ito sa suot na tailored dark brown suite na may brown fitted shirt sa ilalim at brown pants, ang pansapin naman nito sa paa ay isang mamahaling leather shoes. Napakurap-kurap talaga siya dahil first time niyang nakitang naka formal attire si Hieven ng harap-harapan. “W-What are you doing? Stay where you are!” Ngunit hindi nakinig si Hieven sa kanya. Naikuyom niya ang mga kamay. “You really don't want to talk to me?” Napailing siya ng mahimigan ang sakit at lungkot sa boses nito. Hindi siya nito makapapaniwala. Ano pa bang kailangan nito sa kanya? Gusto lang naman niyang sumaya, bakit kailangan pa siyang guluhin nito? Kung kailan malapit na niya itong makakalimutan ng tuluyan? Naglakad siya

