NAKATINGIN lamang si Mekylla sa kanyang mga maleta na hila-hila ng kanyang mga kaibigan. Patungo na sila ngayon sa daungan ng bangka. Kahapon ng mga alas tres dumating ang mga pinsan niya. Nagbonding silang lahat sa bahay ni Ellaine. Mabuti na nga lang at nasa Manila ang daddy nito, twice a month lang umuuwi iyon dahil sa trabaho. “Parang ayaw ko na,” nakangusong sinusundan pa din niya ang maleta. Parang ano mang oras ay pwede niya iyong hablutin at itakbo para lang hindi matuloy ang lakad nila. Nalulungkot siya. Hindi siya ready na iwan ang kanyang mga kaibigan dito. Kumuyom ang kamay niya. Akmang hahablutin na niya ang maleta ng maramdaman niya pagtapik ng kung sino sa kanyang balikat. “Subukan mo.” Si Shaella iyon, nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya. Lalong humaba ang nguso

