ILANG minuto ay natapos na din nilang tatlo ang kanilang pagluluto. Naging mabilis ang kanyang paagluluto dahil sa pagtulong ng mga ito sa kanya. Nagpapasalaamat na lamang siya na hindi lumabas ng kwarto si Hieven. Naririnig din naman siguro nito ang pag-uusap nilang tatlo. “Tatawagin ko na ba sila?" tanong ni Ziegler habang kumukuha ng mga plato. Sandali siyang natigilan. Napaisip siya. Kung dito sila kakain ay mahihirapan siyang mapuntahan ang isang iyon. Abnormal din kasi iyon. Umiling si Mekylla at itinuro ang mga plato. “Dalhin niyo sa kubo. Magigising si Mekylla sa mga ingay niyo,” nakangusong saad niya. Natatawang kinuha ng dalawa ang mga ito. Tawang-tawa pa ang mga abnormal. Parang proud pa sila sa kaingayan nila. "Ano itong naririnig kong maingay kami?" Bigla niyang nari

