NAKAHIGA na sa kama si Mekylla. Pinagigitnaan siya ng dalawang anak. Hindi siya makatulog sa gabing iyon. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang cellphone na nasa kanyang mesa, malapit sa kama niya. Bumuntong-hininga siya at dahan-dahang bungon para hindi magising ang dalawa. Nang tuluyang makaalis sa kama ay kinuha niya ang cellphone at lumabas ng beranda. Siguro naman ay gising pa ito. Hinanap niya ang pangalan ni Jedrix sa contact niya and call him. Nakailang rin bago nito sagutin. ‘Thanks god, he still awake.’ “Hello? Speaking?” direktang sagot ng nasa kabilang linya. Napalayo niya ang cellphone sa kanyang tainga ng babae ang sumagot. What the hell? Muli niya iyong ibinalik sa kanyang tainga. “Hello?” boses babae talaga. Her voice seem familiar to her. “Wife, who's that? Let sleep.”

