MATAPOS ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa dalaga ay nagpaalam na si Sarhento Benjie Wenceslao sa kausap na manggagamot. "Umuwi muna tayo sa bahay Aling Ofelia para po makapagpahinga kayo. Wala po akong pasok sa makalawa kaya makakabalik uli tayo dito." Muli nilang sinulyapan ang dalagang natutulog. Hindi man maririnig, nagpaalam pa rin sila. Hindi nalingid kay Ofelia ang ginawa ng binata nang patago nitong hagkan ang palad at saka inilapat sa salamin ng bintana, Narinig niya rin ang mahina nitong pagbulong habang nakatitig sa kanyang inaanak. 'See you again, babes. I love you.' Nagkunwari siyang walang narinig upang hindi ito mapahiya. Matanda na siya at ni minsa'y hindi nakaranas umibig at ibigin subalit nakadama siya ng munting kilig. Inilihis niya ang mukha bago pawalan ang ng

