#PossessiveHusband
Chapter 3
____________
"Honey!" biglang hinawakan ni Wayne ang kamay ko at itinulak ako sa pader para mapasandal ako. At hinalikan niya ako ng mapusok pero biglang kumatok ulit si Yaya Masing. "Si Yaya talaga." kamot ni Wayne sa ulo. Napapangiti nalang ako sa reaksyon niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at sabay naming sinalubong si Yaya.
"Hi, Yaya." bati ko kay Yaya, ngumiti ako sa kaniya na parang napipilitan. Ngumiti din siya.
"Yaya, nang-iistorbo." sabat ni Wayne. Pero bigla ko itong kinurot. "Aray naman, hon!" napasigaw siya sa sakit ng kurot ko. Napangiti nalang si Yaya.
"Yaya, Nasaan po si Zoe?" tanong ko kay Yaya.
"Nasa garden po. Kalaro po si Sir Rafael. Kadarating lang po niya. Hinahanap po si Sir Wayne." sabi ni Yaya, then umalis na siya.
Nagkatinginan kami ni Wayne at kinindatan niya ako. Pinalo ko naman siya sa dibdib.
"Nakakadalawa kana hon." sabi niya. At bigla naman akong hinalikan ulit. Tinulak ko naman siya. Nagulat siya ng itinulak ko siya. "Why, hon?" bigla naman niya akong sinabunutan at itinulak sa pinto ng kwarto namin. "What's your problem, honey?" tanong niyang may diin.
"Nothing, honey." sagot ko. Hindi ako makatingin sa mata niya dahil nakakatakot ang mga mata niya sa oras na iyon. Ayaw niya kasing tinutulak siya papalayo.
"I'm sorry, honey." binitawan niya ako at hinalikan. "Kausapin ko lang si Rafael." sabi niya at iniwan niya akong nakasandal sa pinto.
"Honey!" sigaw ko sa kaniya. Tumingala naman siya.
"Why?" ngiti niyang sabi.
"Can I go out... with my friends?" nahihiya kong sabi sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya at tumingin ulit sa'kin.
"Saan kayo pupunta?" tanong niya.
"Shopping." sagot ko.
"Ok, hon. But don't be late." sabi niya at pumunta na siya sa labas.
----------
-----------
------------
-------------
--------------
---------------
----------------
-----------------
------------------
-------------------
--------------------
---------------------
Don't forget to follow me. Thank you guys. I hope you enjoy it.
-J4YCELOVEE
______