-------- Hindi ko alam kung paano… Pero unti-unti na yata akong nahuhulog sa ‘yo… Ano bang mayroon ka? Lahat yata ng ala-ala limot ko na… -------- Laiza thought it would be a roller coaster. Akala nga niya ay mahihilo siya dahil kitang-kita niya ang kapal ng ulap. Alam niyang gagalaw ang eroplano kapag tatama ito sa mga ulap. It might even cause damage on the plane. Iyon ang ikinatatakot niya pero namangha siya sa galing ni Von Liam. As they go up to the layers of fluffy looking white clouds, she felt like Liam is following a maze. Alam yata nito kung saan walang ulap dahil doon nito idinadaan ang sasakyang panghimpapawid. They were literally in between the clouds. Sobrang swabe pa ng pagliko at pag-angat nito sa mga ulap. She felt like she’s in heaven literally. Liam seems to be

