Pov bryan
Nakarating na nang bahay, si na Bryan, pero
nasa isip pa rin niya ang mga nang yari kanina lalo na yun babaeng umihi sa c-r nang mga lalaki, at muntikan na mabangga ni Mang Isko sa gitna nang kalsada habang pauwi kame sa bahay. dahil lang sa isang pusa na i-niligtas nito.napapailing na lamang siya dahil sa pusa, wala itong pakialam kahit mapahamak ang sarili, bihira na ang isang babaeng ganon mapag mahal sa mga hayop. kaya hindi mawala ang kaba na naramdaman niya.ng makita ito mabuti na lamang kapag preno si Mang Isko kong hindi baka nasa hospital ito ngayon.
"Gov," na hinto ako sa pag iisip nang marinig ko ang boses ni Mang Isko na tinawag ko. kaya napalingon ako rito.
"Bakit po, Mang Isko? nag tatakang tanong ko sa akin driver.
"Wala naman po gov, mukha po kasi ang lalim ng iniisip ninyo? saka po may napapansin lang ho ako ngayon sa'yo?
"Ano po yon? nakakunot na tanong ko.
"Ah simula nang makita natin ang kaibigan ni Jhane, yong po muntikan na mabangga ang pangalan ay si Sandy para naging iba na ang mga ngiti mo hijo!" sabay kamot sa ulo nito.
"Oh Nako kong ano-anu po ang nakikita ninyo. Mang Isko, baka po inaantok lang kayo? kaya kong ano'ng nakikita ninyo. ang mabuti pa po mag pahinga na lang po kayo, baka kong saan pa mapunta ang usapan natin? nakangiti wika ko kay Mang isko.
"Baka nga inaantok lang ako hijo, mauna na ako sa'yo,"
tumango lamang ako kay Mang Isko, napapailing ganito talaga ito kong minsan. kapag may gusto sabihin ay sinasabi agad. parang Tatay na rin ang turing niya rito. simula ng nagkaisip silang mag ka-kapatid ito na ang kanilang driver ng kanilang pamilya. naging driver pa ito nang akin Ama. no'on governor pa ito. ngayon ako naman ang naging governor ng bayan namin siya pa rin ang akin driver. at ang asawa naman nitong si Nanay Belen, akin Yaya noon. sa totoo lang hindi na kailangan ng mag-Asawa ang mag trabaho. matagal na nga pinatitigil ng mga anak nila. ngunit wala naman daw silang gagawin at wala rin naman ang mga anak nila. dahil nasa ibang bansa ang mga ito. maayos na ang buhay may kanyang kanya pamilya, kaya nang alukin ko ang mag asawa na sa kanya na lang tumira para may kasama ko sa akin bahay ay hindi nag dalawang isip ang mga ito.
"Sige po Mang Isko, ako rin po ay mag pahinga na rin!" saad ko pa rito sabay tinapik ko ang balikat nito.
Umakyat na ako sa taas upang pumonta sa akin kwarto. pag pasok ko sa loob ay nag tungo agad ako sa banyo upang maligo. ngunit bigla pumasok sa akin isipan ang babaeng 'yong may boyfriend. na kaya siya? hindi ko maiwasan tanongin ang akin sarili. s**t ka Bryan baliw ka na ba? kausap ko sa akin sarili.
Nang matapos na akong maligo at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa akin ibaba. nag lakad ako papunta sa akin cabinet upang kumuha lang. ng box short, ito lang ang suot ko dahil nasanay akong walang damit habang natutulog. agad akong humiga sa ibabaw ng akin kama, at mariing akong pumikit. dahil sa subrang pagod. hindi ko namalayan nakatulog na pala ako habang nasa isip ko pa rin ang babaeng yon.
kinabukasan... nagising akong sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng akin kwarto. kaya kahit nakapikit pa ay bumangon na ako upang buksan ang pinto.
Pag-bukas ko ng pinto si Nay Belen ang akin nabungaran.
"Bakit po Nay? inaantok na wika ko pa.
"Hijo, ang sabi nang Mama mo sa mansion ka raw mag almusal? saad ni Nay Belen sa akin.
"Ah sige po pakisabi po susunod na ho ako!" tugon ko.
"Okay sige hijo!" Dalian mo raw ah pa habol na wika pa ni Nay Belen.
tumango lang ako kay Nanay Belen, pag katapos sinarado ko na ang pinto ng akin kwarto. kahit antok pa nag punta na ako sa loob ng banyo upang maligo. lumipas ang ilan sandali lumabas na ako ng banyo. at nag madaling na akong mag bihis dahil ayaw na ayaw ni Mama pinag hihintay ang pagkain.
"Nay Belen, alis na po ako! paalam ko kay Nay Belen. habang palabas ng bahay. dumiresyo agad ako sa akin kotse. at pinaandar na ito papunta sa mansion ng akin mga magulang. dito lang din sa loob ng hacienda ng mga Des Conde lahat nang pamilya mula sa akin Lolo at mga tito tita hangan sa mga pinsan. may bahay sa loob ng hacienda.
Sabado ngayon kaya gusto nina Mama na kumpleto kami mag almusal.tuwing sabado at linggo dahil bihira lang daw niya kame makita.
At bukas araw ng ka-fiestahan ng amin bayan. kapag may ganitong occasion, ay dapat kumpleto kami sa hacienda. para tumulong sa mga tao. dahil malapit na rin ang anihan ng mga pananim. nag hahanda talaga kami para sa mga tao rito sa hacienda. traditional namin ito pasasalamat rin namin sa mga taong walang sawang nag tratrabaho. para sa amin kahit sa mga kaninuan namin.
Nakarating ako sa amin mansions mga sampong minuto lang ang tinakbo. ng kotse ko. papunta sa bahay nang akin mga magulang. pagkaparada ko agad ng akin sasakyan. bumaba ako dumiresyo na sa loob .
"Good morning, po Gov," bati ni Lara at iba pa nilang kasama rito sa mansion.nang masalubong niya. ang mga ito.
"Morning!" balik bati ko sa mga ito sabay ngiti.
Nakita pa niya ang isa pa niyang yaya noon si Manang Lusing. tahimik Ako'ng nag lakad papunta sa likuran nito. sabay yakap sa matanda.
"Ay kabayo ka," gulat na gulat saad nito. ako naman ay humagikgik sa akin ginawa.
"Ay maryusep kang bata ka ikaw lang pala yan!" nako mag kasakit yata ako sa puso gawa mong bata ka jusko." sermon pa ni Manang Lusing sa akin, ako naman ay natatawa lang. gusto-gusto ko kasi itong ginugulat. kapag andito ako sa bahay ng akin mga magulang.
"Kung kabayo ako manang ako ang pinakagwapo kabayo!" wika ko pa rito sabay kindat.
"Hay nako ewan ko sayong bata ka ang dami mong alam kong ako sa'yo pumunta kana sa dining table dahil kanina pa andon ang mga magulang mo pati Lolo Lola mo," sambit pa nito sa akin.
"ewan ko pa sayong bata ka kong bakit hindi ka pa mag asawa, para hindi kami dito ang ginugulat mo, at sana kaya pag tiisan ang kakulitan mong? anas pa ni Nay Lusing sa akin.
"Soon manang wag kang mag-alala malapit na pong mangyari yon!" sagot ko pa.
"Kaya ninyo po bang mag alaga ng labing-dalawa baby? tawa kong tanong pa sa akin Yaya.
"Aba, oo naman no, basta hindi kasing kulit mo? tawa rin na sagot nito sa akin.
"Sabi na nga ba eh iba ang datingan mo ngayon. a kita sa mga mata mong masaya ka hijo?
"Mmmm, mukha may pumukaw na nang puso mong tahimik ah. at may bumihag nang puso mo ngayon hijo? sino bang maswerte babae ipakilala mo naman sa amin!" turan pa sa akin ni Nay Lusing.
Napangiti na lamang ako sa sinabi sa akin ni Nanay Lusing. parihas talaga ang tatlong naging mga magulang na niya. dahil sa tagal na sa kanila. kilalang kilala na siya ng mga ito.
"Malapit na manang wag ho kayo mag alala, ipakilala ko rin siya sa inyo. sige puntahan ko muna sina Mama," paalam ko sa akin Yaya.
"Oh sige na hijo, kong totoo nga yan sinabi mo masaya kami para sayo, sa wakas mag kakaroon na kami bagong alaga baby ni Belen." masaya turan pa nito sa akin.
"Pumonta ka na nga don at hihintay ka na nang mga magulang mo at Lolo, Lola mo?! pag tataboy pa nito sa akin.
Napapailing na lamang ako at nakangiti nag lakad papunta kung saan naroon ang akin magulang.
"Hi Everyone," bati niya sa mga ito. nang makarating siya sa dining table.
"Andito kana pala Apo? masayang wika ng kanyang Lolo.
tinapik ko ang balikat ng akin Lolo at ni Papa, lumapit naman ako sa akin Ina hinalikan ko ito sa pisngi ganon din ang akin Lola. sabay upo sa tabi ng akin Ina.
kita ko ang pag irap ng akin Ina mukhang nag tatampo naman ito sa akin.
"Ma!" nag tatampo ka pa rin po ba? tanong ko sa Akin ina.
Sumimangot lang ang sagot nito sa akin.
napapailing na lang ako sa inasal ni Mama, ganito talaga ito kapag hindi ako nag papakita ng ilan araw, nag tatampo na agad.
"Ewan ko sayo Bryan Calvin, kung hindi pa kita pinatawag hindi mo maisip na dalawin kami dito sa bahay? malungkot na turan nito sa akin.
"Sorry na po Ma,". hingi paumanhin ko.
"Medyo naging busy lang po ako nitong nakaraan araw! paliwanag ko pa.
"Ikaw naman Margaret alam mo naman kong gaano ka busy itong anak natin, saka andito naman ako Ah," singit na wika ni Papa kay Mama.
"Nako pinag tangol mo pa yan anak mo? naka ismid na tumingin si Mama kay papa.
natatawa na lang ako ng lihim, dahil si Papa na ngayon ang kinaiinisan ni Mama.
"Hijo, kamusta naman kagabi ang pa contest, sa bayan? biglang tanong ni Lolo.
"Ayos lang po Lo, masaya po!"
"Hmm, mabuti naman kong ganon." saad pa ng akin Abuelo.
"Sa nga palak bukas ready na ang mga gagawin dito sa hacienda marami naman, siguro kababaihan na pupunta sa gagawin pasayaw. ng gabi ng hacienda? wika naman ng akin Ama.
"Baka naman sa sunod may magustohan kana sa mga kababaihan na pupunta sa gabi ng pasayaw? saad pa ng kanyang Ina.
. "Aba hindi kana bata, kailan mo kame balak bigyan ng Apo?
"Mama naman bata pa ako? nakanguso sagot ko.
"Wag mong ako Mama naman diyan kahit matanda kana makatikim ka pa rin sakin ng hampas!" asar na sagot pa ni Mama sa akin.
Napapakamot na lang ako sa akin Ulo.
"Pa si Mama ho!" anas ko sa akin Ama.
"Bryan wag mo ako idamay ah baka mamaya sa labas pa ako patulogin ng Mama mo? lagot ka sa akin bata ka? saad ni Papa sa akin masama tumingin pa si Papa sa akin.
"Lo!" wag ako hijo,
"Bakit kasi ayaw mo pang mag asawa apo? tanong naman ni Lola sa akin.
Nagbuntong-hininga muna ako.
"Wag ho kayo mag alala, soon may ipakilala na po ako sa inyo! sagot ko sa tanong ni Lola.
Pag kasabi ko non ang mukha ng babaeng nakita ko sa c-r ng mga lalaki. at kaibigan ni Jhane na si Sandy.
"Talaga ba hijo? usal ng kanyang Ina.
"Opo Mama? alam ko rin pong magustohan ninyo siya.
"Ipakilala mo na sa amin hijo? saad naman ni Lola.
"Kaso po hindi ko alam kong may boyfriend na yong tao? malungkot kong wika.
"Nako boyfriend palang naman, hindi pa asawa," saad naman ni Lolo.
" tanungin mo Anak kong wala, ay pakasalan mo na agad! para hindi na makawala sayo? singit naman ni Papa.
"Pa naman hindi nga alam non na may pag tingin ako sa kanya kasal agad," napapakamot na wika ko.
"Eh doon din naman punta non, wag muna patagalin pa? turan pa nito.
"Ano bang pangalan ng maswerte babae yong nagustohan. at saan mo siya nakilala hijo? pag tatanong naman ni Lola sa akin.
"Sandy ho name niya kaso hindi ko pa alam ang apilido. kaibigan po siya ni Jhane, anak po ni Aling Jo? sagot ko naman.
"Nag bakasyon lang po dito sa atin taga manila po siya," dagdag na turan ko pa.
"Unang pag kikita namin ay sa c-r ho ng mga lalaki!"
Kita ko ang pag kunot ng noo nang mga kasama ko.
"C-r ng mga lalaki? usal ng akin Ama.
"Ano ginagawa niya sa C-r ng mga lalaki? tanong naman ng akin Ina.
"Doon po siya nag c-r dahil may gumagamit sa c-r ng mga babae kaya doon na lang daw po ng C-r," sagot ko sa mga ito.
"Alam mo anak meron ako kilalang ganyan? natatawa wika ni Mama.
"Talaga, Ma? hindi ako makapaniwala.
"Oo yong kaibigan ko ganyan na ganyan din, kapag puno na sa mga comfort room ng mga babae lilipat siya sa comfort room ng mga lalaki," saad ng kanyang ina.
"Mukhang magugustohan ko ang babaeng sinasabi mo anak? masayang turan pa ng kanyang ina.
"Tama na muna yan kumain na muna tayo? awat ng Papa niya.
At nag patuloy na kami kumain ng agahan.
"Sandy, hija ang aga mo naman gumigising? takang tanong ni Tita jo sa akin. nang makita ako palabas ng kwarto.
"Ganito po talaga ang gising ko tita jo," nakangiti sagot ko.
"Gusto mo na bang kumain Sandy? tanong pa sa akin ng Ginang.
"Mamaya na lang po sabay na lang po ako sa kanila mag kakape na lang po muna ako? magalang kong sagot
"Okay sige hija, maiwan na pala muna kita dahil papunta na ako sa bayan. maaga akong mag bubukas dahil bukas ay fiesta dito sa amin," wika pa ni tita jo sa akin.
"May tinapay naman diyan patner mo sa kape,"
"Salamat po!" nakangiti tugon ko.
"Oh sige na alis na ako kayo na lang muna bahala dito ah!"
"Ingat po kayo,"
tumango na lamang si tita jo sa akin.
Pag labas ni tita jo sinarado ko na ang pintuan napatingin ako sa may dingding pasado 4:00 am palang ng umaga.
Bigal akong na patingin sa akin paa dahil naramdaman kong may gumagalaw doon. ang pusa pala na sagip niya kagabi.
"Gusto mo bang gatas sassy? kausap ko sa pusa habang kinukuha ko ito sa akin paanan.
"Noon pa naman ay mahilig na siya s amga hayop. kahit sa kanila. marami siyang agala, ang ang isa ay si alakdan.
Kamusta na kaya ito, alam ko naman na hindi ito pabayaan sa kanila.
Ilan taon. na rin pala ako hindi nag pakita sa kanila, kamusta na kaya ang akin magulang. at mga kapatid. huminga muna ako ng malalim.
Namimiss ko na si Ina bulong ko sa hangin.
"Good morning," napatingin ako sa akin likuran. si Ivan pala
"Tila ang lalim ng iniisip mo ah? pag tatanong nito.
"Bakit mo naman nasabi? balik tanong ko.
"Hindi mo kasi ako naramdaman eh!" sagot naman nito.
"Alam mo naman nag walis ako ho? kaya siguro hindi kita naramdaman dyan.
"Asan na yong iba? gising na ba?
"Oo at babangon na rin ang mga yon,"
"May pag kain na pala diyan! usal ko.
"Okay!"
"teka kamusta naman ang pusa niligtas mo?
"Ayon ayos naman uminom na nag gatas," sagot ko pa.
"Ay sosyal pagatas pa! anas pa ni Ivan.
"Good morning, everyone!" sabay sabay na bati nina Maryel, jhane ,Gladys at Melanie,
"Good morning," sagot niya sa mga ito.
"Tara na kumain na tayo! aya ko pa sa mga ito.
"Ay wow, sarap naman gumising dito." ready na ang pag kain? masayang turan ni Gladys.
"Hay nako Gladys, kapag pagkain talaga no, ang lakas ng pakiramdam mo? saad ni Ivan rito.
"Ui bakla, ang aga mo ha? wag mo akong umpisahan? asar na sagot naman ni Gladys dito.
"Ang aga nag u-umipsa naman kayong dalawa ! sita naman ni Maryel sa mga ito.
*Ang mabuti pa kumain na tayo at pupunta pa tayong lahat sa bayan. para tumulong kay tita jo." turan ko sa mga ito.
Hangan nag umpisa na nga kami kumain ng agahan. para makaalis na kame patungo sa bayan.