chapter one. opening bar

1220 Words
“GOVERNOR!” Napatingin ako sa tumawag akin, walang iba kundi ang secretary kong si Mela nakadungaw ito sa may pintuan. “Yes, Mela?” tanong ko rito habang nakatutok ang mga mata ko sa papel na binabasa ko. “Gov, may mga bisita po kayong dumating, ang mga kaibigan at pinsan ninyo po, papapasukin ko po ba?” “Okay,” anas ko sa babae. Hindi nagtagal ay isa-isa nang pumasok sina William, Drake, Jake, Luis, Martin, Carlo, Arthur at Evo. Masama ang tingin ko sa mga taong bagong dating. Hindi ko alam kung anong problema nang mga ito at basta na lang silang pumunta rito sa akin opisina. “Ano’ng masamang hangin ang nagdala sa inyo rito at sabay-sabay pa talaga kayo nagsipunta sa opisina ko. Aba! Hindi ninyo sinabi na reunion ninyo pala, ah, dahil kompleto kayo,” natatawang pahabol ko. “Balak sana namin na yayain na pumunta sa bar na bagong bukas ni Vince. At tama ka reunion na rin natin. Mukhang hindi ka naman busy ngayon,” tuloy-tuloy na litanya ni William. Magsalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Evo na pinsang ko rin. “Bro, pagbigyan mo na kami habang wala ka pang asawa. Matanong nga kita--- kailan mo ba balak mag-asawa, ha?” Nagsalubong ang kilay ko habang seryoso nakatingin sa mga taong kaharap ko. “Huwag na tayong maglokohan, pa Evo. Dahil pari-parihas lang tayong lagpas na sa calendaryo!” napailing na lamang ako. Kung susumahin ay kaming lahat na magkakaibigan ay lagpas na sa calendaryo. Halos nasa tatlong pu’t walong taong gulang na kami. Ngunit walang tulak kabigin ang taglay na mga karisma namin. Pagdating naman sa negosyo ay hindi rin kamin magpapahuli. Hanggang sa seryoso na ulit Ako'ng tumingin sa mga kaibigan at pinsan ko. “Busy ako ngayon, kaya puwede ba huwang ninyo akong kulutin---Labas!” pasinghal ko sa kanila. “Gov, naman sumama ka na at baka roon ba tayo makahanap ng magiging reyna nating,” pangungunlit ni William sa akin. Muli akong tumingin sa kanila. “Kung gusto ninyong maghanap ng mga babae kayo na lang at huwag ninyo akong idamay!” pa-supladong anas ko. Nakita kong nagkatinginang mga kaibigan ko. Napa buntong-hininga na lang ako sa akin sarili. mukhang hindi nila ako titigilan. Asar ko tuloy nahilot ang aking noo. “Bro, sige na, sumama ka na sa amin dahil minsan lang naman ito,” sabay-sabay na pagyaya sa akin ng mga pasaway kong kaibigan. Wala talaga akong takas sa mga lokong ito. Ang sarap nilang ibalibag papalabas ng opisina ko. “Okay fine, sasama na ako para tumahimik lang kayo! Ngunit hindi ako magpapagabi ng husto dahil marami kong tatapusin na trabaho rito sa kapitolyo.” “Tuwang-tuwa naman sila ng pumayag ako. Nasabi rin naman nila na marami rin silang trabaho bukas kaya tamang relax lang daw ngayon. Gov, baka roon mo na makita ang---the one mo?” bilang singit ni Jake. “Bakit ikaw Jake, nahanap mo na ba ang babaeng nararapat sa ‘yo? Remember, kinukulit ka na ni tita Madel na mag-asawa,” natatawang sabi namin ni Martin kay Jake. Binato naman ni Jake ng ballpen si Martin. Ngunit nailagan naman nito. At si Luiz ang natamaan. Bigla naman sinamaan ng tingin ni Luiz ang mga pasaway na mga kaibigan ko. Si Luiz kasi ay medyo masungit pero mabait naman ito may pagka-moody lang. kong minsan. “Sorry bro, dapat si Martin ang tatamaan ko ngunit nakailag lang ang loko,” paghingi paumanhin ni Jake. “Hey, huwag na nga kayong magtalo dahil lahat naman tayo ay gusto ring mag-asawa, ngunit sadyang hindi pa nagpapakita sa atin ang mga babaeng nararapat sa atin,” biglang singit ni William. Hindi nagtagal ay nagyaya na ring umalis ang mga kaibigan ko para pumunta sa bar. ni Vince, Isa-isa na silang tumayo para lumabas ng opisina ko. Nagdesisyon na rin akong tumayo. Ngunit bago ako lumabas ng ay tinupi ko muna hanggang siko ang manggas ng sleeve polo na suot ko. Nagbilin din ako sa secretary ko na puwede na siyang mga-out, lalo at hapon na rin naman. “Okay po Gov, ngunit ipaalala ko lang po na may metting po kayo bukas sa mga investors.” Marahan na lamang akong tumango sa secretary ko. Hanggan sa tuloy-tuloy na akong humakbang. “Bro, ang tagal mo naman?” tanong sa akin ni Carlo. “Loko ka talaga, mauna ka na kung masyado kang nagmamadali,” singgit naman ni Martin. Hindi na lamang ako nagsalita, dahil sanay na ako sa kanila. mga kulitan Hanggan sa bumukas na ang pinto ng elevator at tuluyan na kaming pumasok sa loob nito. Napansin kong marami pang mga tao sa kapitolyo. Kaya naman marami kaming mga nakasabay paglabas namin. “Magandang hapon po, Gov.” sabay sabay bati ng mga tao. “Ingat ka po kayo, Gov.” “Hi, Gov.” Ngumiti at tumango na lamang ako sa mga taong bumabati sa akin. “Nakaka-ingit naman bakit ikaw lang ang binabati ng mga tao rito?!” palatak na tanong sa akin ni William. Sinamaan ko ito ng tingin lalo at malakas ang boses ng pasaway kong kaibigan. “Huwag na kayong magtaka o magtampo dahil governor si Bryan sa lugar na ito kaya siya talaga ang babatiin ng mga tao rito,” segunda ni Jake. iling-iling na lamang ako sa mga pinagsasabi ng mga pasaway na kaibigan ko. Hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng kapitolyo. Agad na kaming sumakay sa aming mga sasakyan upang makarating sa aming patutunguhan. (Sandy's Pov) “Ano Sandy, sasama ka na ba sa bakasyo? Papuntang Quezon Provice, alam mo bang ang ganda ng lugar na ‘yun?” Napaangat ako ng ulo para matingnan si Maryel. Ngunit hindi muna ako nagsalita, nakatingin lamang ako sa babae. Hanggang sa muli na namang umimik ito. “Marami kaya tayong mapapasyalan doon, sa beach pa lang ay solve na tayo. Ang gusto ko roon ay ang sariwang hangin, tiyak akong makakapag-relax tayo roon,” pang-iingganyo sa akin ni Maryel. “Hmm, ilang araw naman tayo roon?” tanong ko sa babae. “Siguro--- mga dalawang linggo, saka may tutuluyan naman tayo roon, kaya wala tayong magiging problema, Sandy.” Hindi muna ako nagsalita, ngunit nakatingin ako kay Maryel. Matagal ko na itong kaibigan, simula ng tumira kami rito sa Pilipinas. Limang taon na yata ang nakakalipas, ang babaeng ito ang kasama-kasama ko noon at hanggang ngayon. May mga kaibigan pa rin kami--- sina Gladys, Melani at Steff, wala naman akong masabi sa mga babaeng ‘yun. Simula naman nang magtrabaho ako rito hndi ko pa naranasan mag-leave, kaya puwde naman akong mag-day off. “Okay, sasama na ako sa inyo,” may ngiti sa aking labi nang sumang-ayon kay Maryel. Kitang-kita ko naman sa mga labi nito ang tuwa dahil napapayag niya ako. Noong nakaraang araw pa nila ako kinukulit na sumama sa kanila kaya pinagbigyan ko na ang mga kaibigan ko at baka magtampo naman sila. “Sa linggo na tayo aalis, Sandy, s**t! Excited ako!” tili ni Maryel. Marahan na lamang akong tumango sa babae habang may nakapaskil na ngiti sa labi ko. Hindi naman nagtagal ay umalis na rin si Maryel sa aking harap. Ako naman ay bumalik sa pwesto ko. Lalo at may mga pasyente pa akong aalagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD