Nang makita niya ako ay kaagad niyang nilakihan na buksan ang pinto at mabilis siyang pumasok sa loob. “Ella….” Sambit niya sabay tangal ng panyo sa bibig ko. Kaagad niya akong niyakap nang mahigpit ramdam ko din ang mabilis na t***k ng kanyang puso. “Pwede bang tangalin mo muna ang tali ko?” Wika ko sa kanya sa mahinang tinig. Hindi ko alam kung bakit at paano siya nakarating dito pero hindi ito ang tamang oras para tanungin pa yun dahil sigurado akong kaya siya nandito ay upang iligtas ako. “s**t! Mga hay*p sila! Anong ginawa nila sa’yo!” Gigil na tanong niya nang mapansin niya ang dugo sa gilid ng aking labi. “Mamaya na tayo mag-chismisan! Kailangan na nating makatakas dito!” “Wag kang mag-alala paparating na ang mga pulis.” Saad niya. nakaramdam ako ng kapanatagan nang matang

