Usok ng mga sigarilyo ang bumungad sa amin dito sa mataong lugar na may iba’t-ibang ilaw. Nakakabingi din ang lakas ng tugtog sa loob ng Bar. Ito kasi ang tawag ni Cheska. Masaya daw sa lugar na ganito lalo na kapag gusto mong makalimot ng problema. Unang beses namin nakarating dito kaya namangha din ako. Kakaiba ito sa pinuntahan naming sayawan sa plaza dahil lahat ng nandito ay hapit na hapit rin sa katawan ang suot na damit. Bukod doon sobrang dami ng tao sa loob. May nagsasayawan sa gitna at napakaraming kumikislap na ilaw. Habang nasa tabi naman ay mga lamesa at upuan. Marami ding nag-iinuman sa bawat mesa. Pero nanlaki ang mata ko nang may nakita akong naghahalikan. Hindi lang basta halik kundi parang may laban sila na walang tangalan ng labi. Ang mga nagsasayaw naman ay nakayakap na

