Hindi pa rin ako makapaniwala na malayo kami ngayon sa hacienda at narito kami sa syudad. Ngunit mas hindi ako makapaniwala dahil sa isang gabi ay nagbago na agad ang lahat. Pagkatapos niyang hindi magparamdam ng ilang buwan. Susulpot siya sa mansyon at idadaan niya ako sa santong paspasan? Parang inantay lang niya ata akong maka-recover kay Lawrence eh! Pero higit sa lahat ay ang sinasabi niyang nangyari sa amin. Duda pa rin ako kahit berde ang utak ko at inosente sa ganitong bagay ay sigurado talaga ako na walang nangyari sa amin. Kaya lang sa ayoko namang itanong sa kanya ang ganong bagay dahil baka kung saan pa mapunta ang pag-uusap naming dalawa. Sa ngayon ay lumabas muna siya dahil may bibilhin daw siya kaya ako lang ang naririto. Nagpasya akong tumayo at igala ang paningin sa kabu

