“Do something about her hair.” Wika niya sa babaeng nasa aming harapan. Ito daw ang mag-aayos ng buhok ko. pgakatapos kasi ng mahabang oras namin sa tindahan ng damit ay dito na kami tumuloy. Bukod sa akin ay marami pa ang nakaupo na babae sa harapan ng salamin. At may kung anong nakalagay sa buhok nila. Hinawakan ng babae ang buhok ko. “Okay sir kami na po ang bahala.” Nakangiting wika ng babae. “This way ma’am.” Saad niya. Tinulak naman ako ni Terrence para sumunod sa babae. Pinaupo niya ako sa bakanteng upuan na may malaking salaman sa harapan. Nilingon ko siya at nakaupo lang siya sa malaking sofa habang naka-dikwatro at nagbabasa ng magazine. Kinabitan ako ng babae ng kulay itim balabal. At may kulay ito din na ipinambalot sa aking tenga. “Ma’am kaano-ano niyo yung pogi na yun?

