Tatlong buwan na ang nakalipas nang mamaalam si Lawrence. Bumalik na rin ulit sa normal ang lahat. Pero ako nasa mansyon pa din. Dahil ayaw naman akong paalisin ni Lola kahit nakakarecover na itong muli at hindi na kailangan gabayan pa. Mahigpit din ang bilin ng doctor para sa mga gamot niya at pati na rin sa pagkain niya kaya siguro mabilis ang pagaling niya lalo pa at ako ang nakatoka upang alagaan siya. At palagi na rin akong kinukulit ni Francheska kaya nauuwi kami sa harutan. Sinabi niya kasing nanliligaw si Kuya Andres sa kanya. Tinanong ko din si Kuya noong umuwi ako at talaga namang nag-niningning ang mga mata niya kapag pinag-uusapan namin si Francheska. Lagi pa silang magkasama. Palagay ko nga kaya lang nasa hacienda ang mukha ni Francheska dahil kay Kuya Andres. Hindi naman ito

