Terrence POV Tumatagos na sa veranda ang sinag ng araw nang magising ako. Sapo ko ang aking noo dahil sa matinding sakit ng aking ulo. Simula nang masaksihan ko ang gabing yun ay wala na akong ibang ginawa kundi maglasing. Upang kahit sandali ay makalimot man lang kay Ella. Pero sadyang kahit anong gawin ko ay hindi na mababago pa ang nararamdaman ko. Parang may tinarak siyang kutsilyo sa puso ko nang sabihin niyang mahal niya si Lawrence at layuan ko na lang siya. At naisip kong walang mangyayari kung patuloy lang ako sa paglalasing. Dapat ay kumilos na ako upang mabawi ko siya kay Lawrence. Kailangan kong patunayan sa kanya ang nararamdaman ko. Kaagad akong tumayo at pumasok sa banyo upang maligo. Nagbihis ako ng maong pants at putting t-shirt. Lilibot ako ngayon sa hacienda upang mak

