Magdamag na hindi kami nag-usap ni Leo hangang sa makauwi kami sa bahay. Sobrang sama siguro ng loob niya dahil sa nangyari; alam ko kasalanan ko ang lahat. Hindi na sana ako pumayag sa gusto ni Michael na makipagkita sa akin. Bago pa lang namin inaayos ang pagsasama namin ni Leo, pero ito ako at muli ko sinira iyon. Gustuhin ko man na humingi ng tawad sa kanya, pero natatakot ako sa pwede niyang isagot sa akin. sobrang sakit para sa akin ang ginawa ni Michael. Muntikan na niya akong mapagsamantalahan, buti na lang at dumating si Leo para iligtas ako. isa pa naman siya sa inaasahan ko makakaintindi sa akin pero ito siya at sinira ang tiwala ko. Akala ko mapagkakatiwalaan ko siya, pero ito siya at dinurog niya ako ng husto. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Leo matapos ng nangya

