Agad kami sumakay sa elevator kaya halos pagtinginan na kami ng mga tao doon. Nang makababa kami sa ground floor ay sumakay na kami sa kotse niya. "Leo, sure ka ba dito? Hindi ba nakakahiya kung isasama mo ako sa meeting mo?" "Hindi iyon saka may office naman ako pwede ka mag stay habang inaantay mo ako. My extra loptop ako doon para may magamit ka sa trabaho mo." Nang makarating kami sa office ay agad ako binati ng ilang staff niya ngumiti naman ako sa mga ito hanggang sa makarating kami sa kanyang office. Napatingin pa ako sa kanyang secretary na si Mona na masama ang tingin sa akin. Pero inirapan ko lang ito; Alam ko naman na nag seselos ito dahil may gusto siya kay Leo, pero sorry na lang siya dahil pag mamay-ari ko si Leo. Dumeretso kami sa loob ng office ni Leo habang kasunod

