Ilang araw buhat ng magkausap kami ni Felix kaya agad ko pinuntahan si Mona. Kumatok ako ng tatlong beses hanggang sa bumukas ang pinto at inuluwa nito si Mona. Nakangiting tumingin ito sa akin, at sa kanya ako hinila papasok sa loob ng condo niya. “Sabi ko na eh, pupunta ka dito, anong ginagawa mo dito? “ “Bakit masama bang dalawin ko ang anak ko? "Seryosong wika ko sa kanya. Agad naman itong napangiti dahil sa sinabi ko, at saka siya tumalikod sa akin at nagmamadaling kuhanin ang aming anak. “Anak, nandito na si daddy mo dinadalaw ka niya oh…“ nakangiting wika niya. Agad kong kinuha ang bata sa kanya at pinaghele ito. Tinitigan ko mabuti ang mukha ng bata, pero wala talaga akong maramdaman sa kanya. Kaya mas tumindi ang hinala ko sa kanya na totoo ang sinasabi ni Felix. “Leo, s

