Stephanie POV Matapos umalis ni Rica, ay agad akong naghanda ng hapunan namin ni Leo, dahil alam ko pagod na pagod ito pag uwi nito. Halos maghapon ako nag-focus sa pag-aalaga sa anak ko na may sakit, at masasabi ko hindi nga talaga biro ang magkaanak. Buti na lang nga at dumating si Rica para tulungan ako kanina. Kung hindi siguro siya dumating, siguro ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na ako magtataka kung bakit minahal siya ni Leo dahil sa ugaling meron ito. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong na-insecure sa kanya. Sa totoo lang, palagay ang loob ko sa kanya dahil mabait ito at hindi mapagpanggap. Kita ko sa mata niya kung gaano niya kamahal si Leo. Sa totoo lang, nakakaramdam ako ng guilty dahil hindi ko magawa sabihin kay Leo ang tungkol sa karamdaman niya. May side sa

