Nang sumakay ako sa kotse, wala akong ibang naisip kung hindi ang umuwi sa condo ni step. Nang makarating ako doon ay mabilis akong humakbang papasok sa condo nito. Nakita ko na nasa bahay na ito at nagluluto. Nakasuot ito ng oversized t-shirt at naka-cycling short lang. Inirapan ako nito ng makita niya ako kaya hindi na lang ako umimik sa kanya. Agad ko tinanggal ang kurbata ko para mas makahinga ako ng maayos. Pero saktong tingin nito, nakita niya ang kamao ko na nagdudugo kaya dalidaling lumapit ito sa akin. "Anong nangyari sayo? Bakit dumudugo iyan? Halika, gagamutin ko ang sugat mo." Agad ito tumalikod para kunin ang first aid kit. Pero mabilis na hinawakan ko ang kamay nito. "Wag na, wag kana mag-abala gamutin ako Step." "Pero bakit? Alam mo ba na pwede mainfecton yan?" se

