Dahil sa takot na nararamdaman ko para sa kaligtasan ng aking mag-ina, agad kong kinuha ang aking cellphone para tawagan si Stephanie, pero katulad kagabi ay out of coverage area parin iyon. Nakailang beses ko pa iyon tinawagan, pero hindi ko man lang ito matawagan hanggang sa dumating ang mga tauhan ko na inutusan ko para hanapin ang aking asawa. "Siguraduhin ninyo may maganda kayo ibabalita sa akin." Inis na wika ko sa kanila. "Sir, pasensya na, ilang lugar na poh ang pinuntahan namin, pero hindi poh namin sila makita." Napahilot ako ng noo ko dahil nakaramdam na ako ng sakit ng ulo. Gusto ko man tawagan ang mga magulang ni Step pero hindi ko magawa dahil masama parin ang loob nila sa akin. "Puntahan ninyo ang lahat ng bahay ng kaibigan niya pati sa mga magulang niya pero wag kayo

