Agad ko hinaplos ang pisngi niya at pinakatitigan ang mapupulang labi nito.. Hinaplos ko iyon gamit ang hinlalaki ko. Agad kumalabog ng makakas ang puso ko ng mga oras na iyon na akit ako sa mga labi nito kaya agad ko nilapit ang labi ko sa kanya para dampian iyon ng isang halik. Pero bago paman ako lamunin ng matinding pagnanasa sa kanya, ay lumayo na ako sa kanya. Maya, maya ay unti-unting dinilat niya ang mata niya at nakita ko ang gulat sa mga mata niya ng makita niya nasa tapat na kami ng condo nila. "David, kanina pa ba tayo?" "Hindi naman katitigil lang natin." "Ganun ba salamat sa paghatid mo." "Walang anuman mabuti pa ay tulungan nakita bitbitin ang mga gamit mo papasok sa loob." "Ganoon ba? Sige, salamat, David." Agad ko siya inalalayan palabas ng kotse, saka ko siya tu

