"Hoy, ano ang ginagawa mo?" "Kinukuha ko iyong bayad sa ginawa ko, mahirap kaya iyon," "Hoy, ang kapal ng mukha mo. Hindi ko naman sinabi gawin mo iyon." Agad ko kinuha ang bag ko ng makitang tapos na pala ang office hours at kaylangan ko na umuwi. Halos buong maghapon pala ako nakatulog sa upuan ko at hindi man lang ako ginising ni Leo. "Teka, san ka pupunta?" Tanong nito sa akin. Pairap na humarap ako dito habang inaayos ko ang damit ko na tinanggal niya ang pag kaka butones. "Uuwi na ako; tutal tapos nanaman ang trabaho ko." "Gusto mo ba ihatid na kita sakin kana sumakay." "Hindi na malaman mo pa kung saan ako nakatira." Pairap na inirapan ko siya at iniwan ko siya sa office ko. Dumaan muna ako sa isang cafeteria dahil may usapan kami ng mga kaibigan ko na magkikita kami doon.

