MARIAN POV This time, ako naman ang napakamot sa aking ulo. Lalo na't wala na akong plano na ituloy ang paglalahad ko sa kanya ng buong katotohanan matapos niyang mag prose sa akin. "Gusto ko lang sana sabihin sayo na mag negosyo na lang tayo sa lugar na ito. Hindi kasi ako natanggap sa trabaho ulit." "Sige. Tsaka na lang natin pag usapan ang tungkol dito kapag nakauwi na tayong dalawa." Umuwi na kaming dalawa ni Harold at pagdating na pagdating namin sa loob ng bahay nila Ivy ay kaagad kaming pumasok sa kwarto at sabay na nagbanlaw. Nauna nga lang akong lumabas upang dito na ako magpalit ng damit. Naupo muna ako upang makapag pahinga at muli kong tiningnan ang singsing na binigay niya sa akin. Ang sarap lamang nitong pagmasdan. Gandang ganda ako sa diamond kahit na alam kong peke l

