ETHAN POV Suddenly, bigla na namang umulan ng snow sa kalangitan kaya naman biglang napalingon sa labas si Sheena. Pinag masdan ko ang mukha nito at nakita ko kung gaano siya kasaya ng makakita siya ulit ng snow. "See? You enjoy the snow pero sa Pilipinas, sigurado akong tirik ang araw na makikita mo sa umaga. Pero dito sa America, magandang snow ang nakikita mo. So hangga't maaari ay iwaksi mo na ang pagbabalik natin sa lugar na iyon. Nakatadhana tayong mag stay dito sa America. Pero kung gusto mo pang pumunta sa ibang lugar, pwede naman basta wag lang muna ang Pilipinas." "Sige, walang problema sa akin. Pero ie enjoy ko muna ang New York sa ngayon." Hinalikan ko ang kanyang pisngi bilang sagot sa kanyang sinabi. Hindi naman niya ito pinansin, bagkus ay patuloy lamang siya sa kanyang

