MARIAN POV "Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit na alam ko na kung tungkol saan ito. "Why do you want to pursue this one sided relationship?" tanong na sagot niya sa akin. "One sided? Sorry subalit nalalabuan lang ako sa mga sinasaad mo sa akin," kunot noong sabi ko. "Drop the act and don't play stupid games! You know that it's wrong to manipulate someone like him. Nawala man ang memorya ni Harold but it does not mean na kailangan mo siyang itali sayo. Why are you doing all of these?" Napalunok ako pero sinagot ko pa rin ang kanyang tanong, "Kasi mahal ko si Harold." "Ang tanong dito? Mahal ka rin ba niya noong panahon na mayroon pa siyang alaala?" Ito yung tanong niya na sobrang sakit sa aking damdamin. Namumugtong na nga ang aking mga mata at mabilis kaagad na pumatak

