MARIAN POV Tinanggal niya ang kanyang kamay sa bibig niya, bago pa ito tuluyang magsalita ay hinatak ko na siya papalayo kay Harold. Huminto kaming dalawa sa may puno. Okay na siguro ang distansyang ito upang hindi marinig ni Harold ang masinsinang usapan naming dalawa. Samantala si Harold naman, nakatingin lang sa aming dalawa. Sinenyasan ko lamang siya na wait lang dahil mag uusap kami ni Ivy. "Hoy gaga ka! Bakit hindi mo sa akin sinabi na kasama mo yan si sir Harold dito? Anong ibig sabihin nito ha?" Kagaya ng iniisip ko kanina, talagang ito ang mga unang tanong na lalabas sa bibig ng kaibigan ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at mahinahon akong nagsalita. "Sis, sorry na kung nabigla ka." "Oo talagang nabigla ako!" pasigaw niyang sabi. "Bakit mo ba kasi dinala ri

