Chapter 1

550 Words
Pagkababa ko ng kotsi ay bumungad agad sa akin ang amoy alat na preskong hangin ng dagat. Pati na rin ang ingay ng alon. Nakakarelaks talaga ang dagat kaya nagustuhan ko rin na dito mag trabaho. "Sige Manong ayos na po, pwede na po kayong maka-alis" sabi ko sa aming driver nang matapos na ibaba ang aking mga gamit. "Hindi ko na ba tulungan kayo na buhatin ang gamit mo ma'am?" Habang tinitingnan niya ang gamit ko na medyo marami. "Ayos lang manong, maghahapon na kasi at kailangan mo pang umuwi sa pamilya mo. Baka aabutin ka ng gabi, kaya ko na to manong" Nakita ko namang kumbinsado si Manong. Mabait talaga iyan at maaalahanin pa. Kaya nga nagtagal iyan sa amin bilang driver. Kahit nasa middle class kami at workers ang mga parents ay kaya naman namin na sahuran. "Sige Ma'am salamat, aalis na ako" Pumunta na siya sa driver seat at dinig ko pa ang pagsara ng pinto nito. Pinagana na niya ito at lumalabas pa ang usok sa tambutso. Bumukas ang bintana ng kotsi saka dumungaw si Manong doon. "Alis na ako Maam" "Sige manong ingat" at kumaway ako noong paalis na siya. Ngayon, kailangan ko na lang ay hintayin ang sinabi ng kaibigan ni Mama. May sasalubong daw sa akin. Magtext lang daw ako. Kinuha ko ang phone sa bag ko at saka hinanap ang contact number ng kaibigan ni mama. "Manager. I am here na po sa resort" Naghintay muna ako ng reply. Hindi kasi maaari na ako maghanap baka saan lang ako mapunta. Medyo nangalay ang binti ko kaya't naghanap ako ng maupuan. May malapit na ugat ng punong mangga kaya lumapit ako maupo muna. Hindi nagtagal ay nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko ang message na sigurado naman akong si aunte. "Iha, papuntahin ko na diyan si Ella. Patungo na iyon, hintayin mo lang" "Sige po manager." Naghintay lang ako at maya't maya ay may nakita akong babaeng may polong pink na may nakapin na logo sa bulsa. Ngumiti ito sa akin nang makita ako. Ginantihan ko rin ng ngiti. Morena ang babae na may makinis ang balat. Tulad ko ay hindi masyadong matangkad. Medyo chinita ang mata na may magandang porma na kilay na manipis. Ang ngipin pa ay maputi na parang model ng close up. Mga may itsura nga siguro kadalasan ang hinahire for marketing. Mas madaming maeengganyong bumili kung may itsura ang server. Kaya rin siguro hindi nag alangan ang kaibigan ni mama na kunin ako, lalo na at HRM graduate ako. "Hi! Bago ka raw na server? Ako nga pala si Ella." Saka nilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko ang kamay niya. Malambot ang kamay niya. Malamang hindi naman ganoon kabigat ang trabaho para magkakalyo. "I am Vanesse, yeah bago akong hire dito" "Nabuntis kasi iyong dating server na pinalitan, nabuntis ng foreigner na nagbakasyon dito. Mag-iingat ka sa mga lalaki na magaling pumikot" paalala nito. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Naku never akong makipag-ano sa foreigner. Alam kong may kultura silang hindi tumatanggap ng commitment. Kadalasan pa mga womanizer at mahilig magdivorce. How freedom they have and too much liberated. "Dont worry. Hindi naman ako typical na babae na nahuhumaling sa mga banyaga. Alam mo iyong hangang-hanga sa mga puti" "True. Tayo kasing mga pinoy gusto
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD