"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! How dare you! Kung magpakamatay ka, dadalo na lang ako sa burol mo, gago ka!" Galit na galit si Dana ng mga sandaling iyon at halos magpang-abot na ang kaniyang dalwang kilay habang siya'y marahas na kinakaladkad ni Demitry palabas ng malaking bahay na iyon. Buong lakas siyang nagpigil para hindi mahila nito. Nagpupumiglas ang kaniyang mga braso mula sa malabakal nitong mga kamay. "How dare you Mondragon! You're already too much. Do you think I can't hire an assassin to kill you?Huh! Just wait!" mariin at nagtatagis ang mga bagang na wika ni Dana. Nilalabanan pa rin niya ang paghatak sa kaniya ni Demitry. She looked like a vehicle in its maximum brake strength. Walang saysay ang kaniyang lakas kontra sa binata. He's strong enough to

