Disgrasyada! Wala ka ng ipinagkaiba sa puta! Sex video... s*x video! May s*x scandal ka! "Pang-ilan na ba ako, huh?" "Masarap ba?" "HAH!" humihingal na napabalikwas si Dana mula sa kama. Naroon siya ngayon sa kaniyang apartment at siya lang mag-isa. Pinagpapawisan siya nang bigla siyang napabalikwas. Mula ng karumaldumal na aksidenteng iyon ay hindi na siya nakakatulog ng mabuti. Parating pumapagting at bumabalik sa kaniyang alaala ang mga tagpong iyon maging ang kaniyang sandaling pagkawala sa sarili na nagtulak sa kaniyang magpakamatay na lang. She was helpless at that time. Nang makita niya sa bed sheet ang mantsa ng paglapastangan sa kaniya ay tuluyan yata siyang nabaliw ng mga sandaling iyon. Nang magising siya akala niya ay nasa kabilang buhay na

