Chapter 1

1453 Words
APRIL 2014 Nagising ako sa malakas na busina ng barko. Nilingon ko ang mga tao sa paligid ko. Bawat isa ay busy. Abala sa pag-aayos ng sarili, sa pag-aayos ng mga gamit at pag-aayos sa mga batang kasama nila sa pagbabyahe. Inayos ko ang upo ko at nag-stretch. Masakit din pala sa katawan kapag nakaupo ka lang sa barko sa loob ng tatlong oras. Tumayo ako at muling nag-stretch. Nang makadaong ang barko sa pantalan ay sumunod ako sa daloy ng mga tao upang bumaba. Lumabas ako ng pinto ng ikalawang palapag ng barko at bumaba ng hagdan hanggang sa makalabas sa gilid ng barko. Nakita ko ang madaming tao sa kabila ng pantalan. Maiingay ang mga ito. "Boss, buhat?" "Miss, tricycle?" "Ale, meryenda?" "Tita, pasalubong po!" Hindi magkamayaw ang mga kargador, driver, tindero at tindera sa bugso ng mga tao mula sa barko. Bawat isa ay gustong makakuha ng customer at makabenta. Sukbit ang isang malaking itim na backpack na naglalaman ng mga damit ko ay bumaba ako ng makeshift na tulay at tumapak sa semetadong pantala. Feeling ko ay na-miss ko ang lupa. Hindi pala talaga ako sanay magbyahe sa dagat. Nakisiksik ako sa mga tao. Nang makarating ako sa terminal ng mga tricycle sa dulong kanan ng pantalan ay sumakay ako at nagpahatid sa driver ng isang kulay green and red na tricycle. May mga speaker pa ito sa loob at mga makukulay at maliliit na banderitas na nakakabit sa mini-poles sa labas nito. Pinatay niya ang dumadagundong na music ng sumakay ako. "Saan tayo, boss?" Tanong sakin ng matabang driver. ""Brgy. Anawan tayo, Manong." Sagot ko. Pinaandar niya ang tricycle at maya-maya ay lumabas na kami ng pantalan. Nilampasan namin ang isang mataas na arkong semento kung saan may sementadong ibon sa ibabaw nito. "Manong, anong ibon yung nasa itaas?" Tanong ko sa driver. Itinuro ko ang sementadong ibon sa ibabaw ng arko. "Ah, iyon ba? Tarictic iyon. Isang uri ng hornbill na dito lang sa lugar namin matatagpuan." Proud na paliwanag ng driver. Dahil tanghali na, kakaunti na lag ang mga sasakyan at tao nang baybayin namin ang two lane highway. "Maliit lang itong bayan namin, hijo kaya sigurado ako na bago ka dito. Hindi kita namumukhaan" "Opo. Magbabakasyon po ako sa mga tiyahin ko sa Brgy. Anawan." "Ganoon ba? Sino ba doon ang tiyahin mo? Marami akong kilala sa Anawan." "Violeta po. Yung asawa ni Elmer na may-ari ng vulcanizing shop." "Ah sila ba? Kilala nga sila dito sa amin. Madaming nagpapagawa doon ng mga sasakyan. Magaling at maayos ang trabaho doon." "Iyon nga po ang balita ko." Makwento si Manong driver. Madami siyang kwento about sa mga lugar na dinadaanan namin. Habang nagbabyahe, napagmasdan ko ang magagandang tanawin. Tipikal na probinsya ang dating sakin ng lugar tulad ng kwento ni Mama. Dito sila ipinanganak na magkakapatid. Walo silang inalagaan at pinalaki ng lolo at lola ko. Unang tumambad sa akin paglabas namin ng town proper ang malawak na palayan. Hinog na ang mga palay kaya kulay ginto ang kulay ng paligid. Ang green and gold na kulay ng palayanan ang natatanging kulay hanggang sa kung saan ang abot ng paningin mo. Sariwa ang simoy ng hangin kaya naging magaan ang pakiramdam ko, nawala ang pagod sa mahabang byahe. Maya-maya ay mga naglalakihang punong kahoy naman ang tumambad sa akin. Iba't-ibang uri ng mga puno. Paminsan-minsan pa ay may mga ibon akong nakikita. Lumiko ang tricycle sa isang kurbada at nakita ko naman ang berdeng bundok. Masarap sa mata ang berdeng mga bundok at sa likod nito ay ang asul na langit. May mga makakapal din na puting ulap na nagpatingkad sa ganda ng tanawin. "Maganda po pala talaga dito sa lugar ninyo." Wika ko sa driver. "Oo. Inaalagaan talaga ng lokal na.pamahalaan namin ang likas na yaman dito. Iyan ang pinakamataas na bundok dito sa amin, ang Mt. Malulod. " Pinagmasdan ko ang hilera ng mga bundok at ang itinuro niya sa akin. Nasa kanang bahagi namin ang mga ito. "Malayo pa po ba tayo sa Anawan?" Tanong ko. "Malapit na hijo. Paglampas natin sa mga punong niyog na iyon ay sakop na iyon ng Anawan." Nang makalampas kami sa kumpol ng mga puno ng niyog ay narinig ko ang hampas ng alon sa dalampasigan. Itinuro sa akin ni Manong driver ang kaliwang bahagi ng daan at sampung metro mula sa highway ay nakita ko ang asul na dagat. Mahina ang hampas ng alon nito sa puting buhangin. "Isa iyan sa ipinagmamagkaki dito sa amin. White sand." Narinig ko na wika ni Manong driver. Dahil sa pagtanaw ko sa asul na dagat at kagandahan ng paligid ay hindi ko napansin na tumigil ang tricycle. "Nandito na tayo, hijo." Napalingon ako sa kanang bahagi ko. Limang metro mula sa highway ay isang malawak na bakuran. Sa kaliwa nito ay may isang malaking kubo na may nakaparadang mga tricycle at motorsiklo. Sa dulong kanan naman ay isang dalawang palapag na bahay. Kulay cream ang pintura nito. May tanim na punong mangga sa kaliwang bahagi ng bakuran, sa likod ng kubo na nagsisilbing talyer. Matapos akong magbayad ng fifty pesos at magpasalamat ay umalis na ang tricycle. Dumadagundong muli ang music nito. Bitbit ang itim na backpack ay lumakad ako papasok sa bakuran. Dahil walang gate ay diretso akong pumasok hanggang sa pinto ng bahay at kumatok. Mabuti at walang aso. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ang tiya ko na nakasuot ng dilaw na daster. "Oh, Peter! Nandito ka na pala! Bakit hindi mo kami tinext? Kanina ka pa namin hinihintay magtext. Dapat ay nasundo ka ng tiyo mo sa bayan! Halika, pasok, pasok!" Sunod-sunod na wika nito. Kinuha nito sa akin ang backpack at hinila ako papasok sa loob ng bahay. Maginhawa sa loob ng bahay. Nakabukas ang malalaking bintana nito. "Elmer! Nandito na si Peter!" Sigaw ng tiyahin ko. "Hala, Peter, maupo ka muna at maghahain muna ako. Siguradong gutom ka na. Dapat talaga tinext mo kami para nasundo ka namin ng tiyo mo." "Okay lang po, tiya. Madali lang naman palang puntahan dito sa inyo. Namemorized ko yung instruction ni Mama. Pinag-aralan ko din sa Google Maps." Naupo ako sa brown na sofa at binuhay ang isang standfan. Naghubad ako ng damit. "Nasaan po ba ang tiyo?" "Pinapakuha ko ng buko. Sigurado ako na gusto mong makainom ng fresh buko juice. Walang ganon sa Maynila. Palaging ilang araw na ang buko na itinitinda doon!" Nagsandok ito ng kanin mula sa rice cooker. Inilpag sa lamesa at kumuha ng plato, baso at kubyertos. Pumunta ito sa refrigerator at naglabas ng babasaging pitsel na may lamang malamig na tubig. "Nasan na ba yung tiyo mo? Elmer! Nasaan ka na?!" Nagsandok ito ng ulam at inilapag ang mangkok sa lamesa. "Itutok mo dito yang electric fan at maupo ka na dito. Baka sikmurain ka gawa ng gutom. Mahirap malipasan ng gutom." Tumayo ako at pumunta sa dining table. Bukod sa oblong na salamin sa ibabaw ng lamesa, yari sa varnished narra ang lamesa at mga upuan. May mga mansanas sa isang glass bowl bilang centerpiece. "Maupo ka na dito." Ipinaghila ako ni tiya ng upuan. Nang makaupo ako ay kumuha ito ng baso at inilapag din ito sa harap ko. "Sabi ng Mama mo paborito mo daw ang adobo na maraming sibuyas kaya iyan ang niluto ko." "Salamat po, tiya." Wika ko at nagsimula nang kumain. Magkakasunod ang subo na ginawa ko. Masarap ang adobo, tuyo ang pagkakaluto at tama lang ang alat at asim. "Diyan ka lang at hahanapin ko ang tiyo mo. Natabunan na yata ng buko. Elmer!!!" "Sige po, tiya." Lumabas siya sa pinto ng kusina at narinig ko ang sigaw niya, tinatawag ang pangalan ng tiyo ko. Pinagmasdan ko ang loob ng bahay. Maayos ito at halatang mahal ang mga gamit. Hindi ako magtataka na nakaipon silang dalawa. Walang anak ang mag-asawa. May deperensya daw si tiyo, ayon sa mga doktor na tumingin sa kanila noong pangalawang taon ng pagiging mag-asawa nila. May flat screen TV, airconditoner, mamahaling sofa, kumpleto ang gamit sa kusina, mula sa refrigerator at microwave oven. Puti ang kulay ng pintura sa loob ng bahay, nagdagdag ito ng ginhawa sa kabuuan ng bahay. Natapos na akong kumain ay hindi pa din dumarating ang mag-asawa. Nilinis ko ang lamesa at hinugasan ang pinagkainan ko. Naupo ako sa sofa at tumanaw sa malaking bintana, nakabukas ang sliding window at tanaw ko ang asul na dagat. Maliban sa paisa-isang motorsiklo ay wala nang ibang sasakyang dumadaan sa highway. Tahimik na tahimik ang paligid. Pumikit ako at dinama ang preskong hangin. Magugustuhan ko ang bakasyon dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD