Chapter 5

1211 Words
PAPAALIS na sana ako nang biglang may kumalabit sa likod ko. "Uy!" "Bakit?" sambit ko sabay tingin sa kumalabit sa akin. Doon na ako natulala. Si Lorraine pala ito. Bumilis na lang bigla ang t***k ng puso ko. Nasa harapan ko ngayon ang isang dalaga na may napakaamong mukha, kahit medyo mapula ang mata niya dahil sa pag-iyak ay nandoon pa rin sa kanya ang mga matang nangungusap. Sinamahan pa niya iyon ng munting pagngiti na kahit sino ay mapapangiti rin dito. Napangiti ako kahit kinakabahan. Hindi yata ako makagalaw. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nasa harapan ko siya. "Hoy! Hello!" sabi ni Lorraine. Nag-wave pa siya ng kamay sa tapat ng mukha ko. "Ha?" iyon lang ang nasabi ko. Lumingon pa ako sa likuran ko at sa tabi ko para makasigurong ako nga talaga ang kausap niya. "Ay? Ano ka ba? Ang OA mo, s'yempre ikaw nga," sabi ni Lorraine sa akin. Talagang hindi ako makapaniwala na mismong siya ang lumapit sa akin. Parang nananaginip lang yata ako. "Ha? B-bakit? M-may kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya at hindi man lang makatingin sa kanya nang maayos. "Iyang bag mo kasi, nakita ko 'yan kanina! Ikaw 'yon 'di ba?" nakangiti niyang sinabi at pagkatapos ay ipinakita niya sa akin iyong kwintas na may singsing na suot niya. Tatanggi sana ako na hindi ako, pero inunahan niya akong magsalita. Ayaw kong malaman niya na ako lang ang lalaking iyon. "Huwag kang tatanggi? I know, ikaw 'yon," sabi niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko maisip kung paano niya nagagawang tumingin sa pangit kong mukha. Matutunaw na nga yata ako nang oras na 'yon. Ang babaeng gusto ko ay narito sa harapan ko at nakatingin sa akin. "Ha? Ah oo, a-ako nga," sabi ko sabay ngiti ko nang pilit. "Hmm... talagang marami na akong utang sa 'yo," wika naman niya sabay palo sa braso ko. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon. Para akong nakuryente at lalong pang bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Parang nagmarka sa parteng pinalo niya ang pakiramdam ng malambot niyang palad. "Hoy! Ano na? Magsasalita ka pa ba?" aniya at ako'y napaatras dahil masyado pala siyang malapit sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang maamoy ang pabango niya. Baka nga kung ano ang isipin ng mga makakakita sa amin. Baka mailang siya. "Ha? W-wala 'yon," iyon lang ang nasabi ko. "Salamat sa lahat-lahat! Lalo na rito ('yong kwintas na may singsing). Napasaya mo talaga ako dahil dito. Thank you so much Mr. Cruz," nakangiti niyang sinabi habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung paano niya naaatim na kausapin ang isang tulad ko. Pero siguro, dapat na rin akong magpasalamat kasi nagkaroon ako ng pagkakataong makausap siya nang malapitan. Kagaya ng pagkakakilala ko sa kanya. Kagaya ng mga napansin ko sa kanya habang siya ay pinagmamasdan ko mula sa malayo... Siya ang klase ng babae na magiliw kausapin ang mga lalaki mapa-gwapo man o hindi. Hindi siya 'yong basta nahihiya o naiilang nang walang dahilan. Na siyang kabaligtaran ko naman. "Ha? O-okay lang iyon, you're welcome," sabi ko na napapangiti na lamang. Wala akong masabing matino sa kanya. "Salamat talaga ah! Makakabawi rin ako sa 'yo balang araw," sabi niya sa akin. "So, bye na muna. May klase pa ako," ani pa niya at sa huling pagkakataon ay ngumiti siyang muli sa akin. Tanging ngiti na rin lang ang naisagot ko bago siya lumabas ng room. Pinagmasdan ko na lang siya habang nakatalikod. Habang siya ay palayo nang palayo sa akin. Napakasaya ko. Hindi ako maka-move-on sa nangyaring iyon. Gano'n pa rin kabilis ang t***k ng puso ko. Ang gaan din ng pakiramdam ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap ko siya nang ayos at malapit. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo ng mga oras na ito. Kilala rin niya pala ako. Akala ko kasi hindi niya kinikilala kapag mga katulad kong hindi gaanong pansinin. Pero nagkamali pala ako at ang isa pa ay naaalala niya lahat ng naitulong ko simula pa no'ng una. KINABUKASAN oras ng breaktime ko. Pumunta ako sa Cafetiria para mag-meryenda. Sa bandang likod ako pum'westo at nag-iisa. Juice at spaghetti lang ang in-order ko. "Pareng Mellard, pwede ba kaming makisabay sa'yo?" Si Lebron pala ito at may kasama pa siyang dalawa. S'yempre, pinasabay ko sila. Nagkakwentuhan nga kami at itong si Lebron ay puro papuri ang ikin'wento sa dalawa niyang kasama na Dwyane at Cris ang pangalan. "Alam niyo ba mga tol? Itong si Mellard ay ang top 1 sa klase namin sa Trigo'! Kaya 'wag niyo itong iismolin!" "Ahmm... pareng Mellard?" dagdag pa ni Lebron. "Ano 'yon p're?" tanong ko naman sa kanya. "P're... pasensya nga pala dati. Alam mo na 'yon! 'Yong first impression ko sa 'yo... A-an---" Pero inunahan ko na si Lebron magsalita. "Magdadrama ka pa yata p're! Okay lang iyon, hindi ko naman dinamdam," pabiro kong sinabi. Nalaman ko nga na silang tatlo ay scholar ng barangay nila at ang kaibahan ko lang, silang tatlo ay kailangang makapasa para ma-maintain ang scholarship. Pero s'yempre, nagsisipag pa rin daw silang mag-aral para hindi sila mapahiya sa Brgy. Chairman nila. Sinabi rin nila na simula sa araw na ito ay tropa na nila ako at sa madaling salita ay may tatlo na akong bagong kaibigan for the first time sa college life ko. IT nga pala ang course nilang tatlo. Nagpatuloy pa rin kami sa tawanan dahil sa mga kwento ni Lebron. Kaso, sa hindi inaasahan ay nakatingin pala sa amin ang grupo nina Andrew Lawton na nasa kalapit na mesa lang namin. Sa 'di naman inaasahang pangyayari ay napatingin si Lebron kina Andrew na eksakto namang nakatingin si Andrew rito. Hindi ito napansin ni Lebron kaya nagpatuloy kami sa pagtawa. "Hoy!" Bigla kaming napalingon sa tabi namin. Si Andrew Lawton ito. "Pinagtatawanan niyo ba kami!?" Nagulat pa kami dahil may limang naglalakihang tao ang nasa tabi namin. Criminology students kasi itong sina Andrew kaya mas malalaki sila kaysa sa amin. "Teka mga p're hindi namin alam sinasabi niyo. Nagkekwentohan lang kami rito," paliwanag ko sa kanila. "Siguro, ikaw ang may pakana nito! Ikaw na sunog ang mukha. Siguro bumabawi ka sa akin dahil sa katangahan mo dati na kung saan ay ikaw ang napahiya," sabi pa ni Andrew sa akin. Dinuro pa ako nito. "Teka p're, hindi naman tama 'yan! Hindi naman kayo ang pinagtatawanan namin ah!" awat naman ni Lebron na tumayo sa harapan ko. "'Wag kayong makialam dito mga ungas kung ayaw ninyong patulan namin kayo," pananakot naman ni Andrew. Napaurong tuloy si Lebron dahil doon, kung tutuusin kasi, ako ang pinakamatangkad sa amin nina Lebron samantalang sina Andrew ay nasa 5'9 ang height. Kaya dehado kami kung magkakaroon ng g**o. Pero s'yempre hindi ako p'wedeng masali sa anumang uri ng g**o sa campus kaya kailangang matapos ito sa mabuting usapan. Kaso... "N-naku! Sorry Mr. Janitor, natapunan ka ng juice," natatawang sinabi ni Andrew sa sumunod na nangyari. Hindi ako natapunan kundi ibinuhos niya sa ulo ko ang juice kong nasa mesa. Tumawa pa sila pagkatapos noon. "Wow, bagay pala sa 'yo ang wet look," sabi pa niya at nagtawanan pa lalo sila. Pinagtawanan nila ako na halos nakita pa ng mga kumakain sa cafetiria ang mga nangyari. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko na pwedeng palampasin ito. Nagdilim na ang paningin ko dahil sa ginawa niya sa akin. "Sobra ka na Andrew Lawton! Nagtitimpi lang ako!" sabi ko sa aking sarili. Handa ko na siyang undayan ng isang malakas na suntok sa mukha subalit may isang boses ng babae ang biglang nagsalita mula sa aming likuran. "Andrew, ano'ng ibig sabihin nito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD