Chapter 9

981 Words

"'DI BA may banda kayo dati sa section niyo noong highschool tayo? Ikaw pa nga ang vocalist ng banda ninyo," sabi ng batchmate ko na hindi ko alam na kasali pala rito. "H-ha, eh..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita ang department head naming si Mr. Alejandro. "Tamang-tama Mr. Cruz ang dating mo, hindi kasi makakarating ang bokalista ng banda ng department natin. At dahil may history ka na sa pagiging bokalista noong high school, pwede bang ikaw na lang muna ang pumalit sa bokalista natin? Kung maghahanap pa kasi tayo ay baka matagalan pa, tutal ikaw na ang nandito ay sana naman ay pagbigyan mo kami," sabi ni sir sa akin. Sa mga sinabing iyon ni Mr. Alejandro ay mukhang hindi na ako makakatanggi. No choice na ako. "A-ah, e-eh... Sige po sir, para po sa depart

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD