Chapter 2

1171 Words
KLARISSE Unti-unti kong minulat yung mga mata ko. Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin na nasa kwarto ko ako. Wooo! Panaginip lang pala yung nangyari kanina. Akala ko hinimatay na talaga ako sa harap ni Jordan. Grabeng panaginip yon. Feeling ko totoong-totoo. "Buti naman nagising ka na" boses ng babae. Napalingon tuloy ako sa kanya. Nanlaki agad yung mata ko. Shet! Anong ginagawa nya dito? Ibig sabihin? Oh no! Nakakahiya. Natawa sya ng mahina. "Ang cute mo" sabi pa nya. "A-anong ginagawa mo dito?" "Umuwi kasi muna yung pinsan mo, eh sabi nya wala daw magbabantay sayo dito. Si kuya naman lumabas lang saglit" sagot naman nito. "K-kuya?" Oh my god! Hindi panaginip yung kanina. Hinimatay nga ako sa harap ni Jordan. Lord, ok na po, kunin nyo na po ako. Hindi ko po kakayanin tong kahihiyan na to. "Yep. Si Kuya Jordan" nakangiting sabi nito. "N-nandito sya?" Damn! Bat ba kanina pa ko nabubulol! Lalong lumapad yung ngiti nya. "Yeah, pero hindi naman sya pumasok dito sa kwarto mo kaya hindi nya nakita yan" sabay turo nya sa human-sized poster ni Jordan sa kwarto ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero bigla din akong natigilan. "Sinong nagbuhat sakin papasok dito?" takang tanong ko dito. "Si Kuya. Pero nung ipapasok ka na dapat dito sa kwarto mo, pinigilan sya ni Maybelle. Basta sabi nya wag daw papasok si kuya dyan sa kwarto mo. Kaya yun, kami nung pinsan mo yung nagbuhat sayo papasok dito." Paliwanag nya. Wala sa loob na tinakpan ko yung mukha ko ng palad ko. Nakakahiya! Nakakahiya talaga. Natatawa namang lumapit sakin si Justine. "Btw, ako nga pala si Justine. Kakambal ng love of your life. And you are?" tukso nya sakin. Nakasulat kasi sa tabi ng picture ni Jordan to "The love of my life". Sa dinami-dami ng makakakita yung kakambal pa nya! Kill me now please!! "Nakakahiya" sabi ko sa kanya. Natawa na naman sya. "Ano namang nakakahiya don? Eh marami naman talagang nagkakacrush sa kakambal ko eh" "Sorry, ako nga pala si Klarisse" nakalimutan kong tinanong nya yung pangalan ko. "At dun sa sinabi mo, hindi ko lang crush yung kapatid mo" nahihiyang sabi ko dito. "I know. Sya din yung gusto mong maging tatay ng mga anak mo diba?" Nanlalaki yung matang napatingin ulit ako dito. Papano nya— "Si Maybelle" tatawa-tawa nyang sagot. Bwisit ka talagang parrot ka! Wag na wag kang magpapakita sakin. Kakalbuhin ko talaga yung babaeng yon! Hindi mapigil yung kadaldalan!! "Hey, ok lang. Sanay ako sa ganyan" sabi pa nya sakin. So ibig sabihin marami syang nakikilala na may gusto din sa Jordan ko? No! Sakin lang si Jordan, sakin lang! "Saka wala din namang pag-asa diba? Kase may girlfriend na sya?" malungkot na sabi ko dito. Nagffish lang naman ako ng information. Umaarte lang ako. Kala nila sila lang marunong umarte ha! "Si Kuya? Walang girlfriend yan!" "Eh diba si Kath yung kaloveteam nya, sabi sa news sila na?" "Hindi totoo yun. Publicity lang yun. May movie kasi silang ginagawa ngayon diba? Sakin ka maniwala, single na single pa yung lalaking gusto mong pakasalan." Gosh! Pati ba naman yon! Leche ka talagang impakta kang parrot ka! Humanda ka talaga sakin!! Tatawa-tawa naman syang lumapit sakin. "Alam mo, you look cute pag nagagalit ka. Pag nanlalaki yang butas ng ilong mo" Sinamaan ko naman agad sya ng tingin. Hindi porke sister-in-law ko sya pwede na nya kong sabihan ng ganyan ha! Yes kineclaim ko na, sister-in-law ko na sya. Dahil malapit na kaming ikasal ng kakambal nya. "Hey! Wag kang magalit sakin. Nagsasabi lang ako ng totoo" "Eh ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tinaasan naman nya ko ng kilay. Grabe, kamukang-kamukha nya si Jordan. Babaeng version lang tong si Justine. "Hindi ka ba nakikinig kanina? Diba sabi ko pinagbantay ako ng pinsan mo" "Yun na nga eh, hindi mo nga ako kakilala pero pumayag kang bantayan ako" "Yung totoo? Ayoko nung una. Pero si kuya nilapitan ka. Tapos nacurious din ako kung bakit ayaw papasukin ng pinsan mo dito si kuya." Tumango-tango naman ako dito. "Pwede ba kong magtanong?" tanong nito. "Shoot!" nakangiting sabi ko dito. "Bat ka hinimatay kanina?" "Hindi ko din alam. Bigla na lang pagharap ng kuya mo, bumilis yung t***k ng puso ko tapos hindi ako makahinga" sagot ko dito. "Inlove ka nga" nakangiti pa nyang sabi. "Sobra" nagulat ako kaya bigla kong naitakip yung kamay ko sa bibig ko. Yung totoo Klarisse? Hindi mo rin mapigilan yung bibig mo? Parrot ka na din? "Haha, don't be shy. Ok lang yan. Ganyan talaga pag inlove" "Parang ikaw, inlove din" maang na napatingin sya sakin. "Huh?" Seryoso? Tinatanong nya ko? eh diba engaged na sya? "Kay Carlo Arevalo. Remember? Yung fiancé mo?" tukso ko sa kanya. "Oh! Sorry, nawala sa isip ko. Oh yes. Si Carlo. Yung mahal ko" sabay ikot ng mata nya. Takang napatingin naman ako sa kanya. "Nevermind. Btw, nagtext sakin si kuya, tinatanong kung gising ka na daw. Pupunta daw sya dito. So, lalabas pa tayo o ok lang na makita nya yung picture nya?" Bigla naman akong napatayo at humarap muna sa salamin. Hello? Syempre dapat maganda ko diba? Inayos ko muna yung buhok ko at nagpaikot-ikot sa salamin. "Hey, no need to do that. Maganda ka na" narinig kong sabi ni Justine. "Pero mas maganda pa rin sakin si Kath" "No, mas maganda ka" nakangiting sabi nya habang nakatingin sakin. Nagsmile naman ako sa kanya. Naka-flatter naman. Nanggaling pa talaga yung compliment na yon sa isang Justine Martinez. Sa sister-in-law ko. "Thanks" nahihiyang sabi ko sa kanya. "So lika na? nandyan na yata sa labas si kuya." Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba. Napahawak ako sa kamay nya. Natawa naman sya sa itsura ko. "Relax risse" mahinang sabi nya sakin. "Risse?" so nickname basis na kami ngayon? close na agad kame? BFFs na? "Mahaba kasi yung Klarisse e so pinaikli ko na lang" "Klang! Yun yung nickname ko. And dahil gusto mong nickname basis na tayo, anong itatawag ko sayo,Jus, o Tin? "Your call. Pero risse pa rin itatawag ko sayo" Tiningnan ko ulit sya ng masama. May mas kukulit pa pala kay parrot. Nagkibit-balikat lang sya. Naiiling na lumabas na lang ako ng kwarto. Bigla ko na namang naramdaman ang bilis ng t***k ng puso ko at mga butterflies sa tyan ko ng mapansin na may nakatalikod sa may pinto namin. Grabe likod pa lang, ulam na. Mas lalo akong kinabahan ng humarap sya sakin. "Hi, ok ka na?" narinig kong sabi nya. Oh my gosh nanghihina na naman ako. Bakit ba ganito yung epekto ni Jordan sakin? "Miss?" tawag pa nito. Sabay ngiti sakin. Hindi ako makahinga. Hindi ako makahinga. Ang ganda ng smile nya, ng mata nya, ng mga ngipin nya. Oh my god! "Pwede ko na bang malaman yung pangalan mo?" "K-klari-----" Bago ko pa masabi yung pangalan ko, bigla na namang nagdilim ang paningin ko. Oh no! Not again! Naramdaman ko na lang na may sumambot sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD