The Maid

1227 Words
KINABUKASAN maaga akong gumayak dahil ngayon ako mag-aapply bilang kasambahay sa mansiyon ng mga Loretti. Mabuti na lamang at naayos na ang aking mga dokumento. Hindi ako magpapakilala bilang Tina. Kundi ang pangalang gagamitin ko ay EVA DEE. Lulan ako ngayon ng tricycle. Hindi ko na muna ginamit ang aking ducati dahil sino namang mag aapply na kasambahay ang naka ducati. Nagsuot lamang ako ng simpleng T-shirt, maong pants at sneakers. Inipit ko lamang ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. "Sigurado ka ba manong dito na yung mansiyon ng mga Loretti?" siguristang tanong ko dito. Mahirap na ang magkamali ng bahay na pupuntahan. Sadya ngang napakalaki ang mansiyon na ito. May malaking gate at matataas na pader. Marami na rin akong nakikitang mga armadong tao ang nasa palibot ng kabahayan. "Oo ma'am. Diyan ho nakatira si Lord" anas nito "Bakit may panginoon ba dito? Bakit Lord ang tawag ninyo?" natatawang tanong ko dito. Napakamot naman ito sa kanyang ulo sa mga tinuran ko. Nagbayad na lamang ako at bumaba na sa tricycle. Marahas akong bumuntong hinga nang nasa tapat na ako ng gate. Mag dodoor bell pa lang sana ako ng may magsalita sa speaker dito sa may gate. "Sino ka at anong pakay mo dito?" anas ng taong nagsalita. "isa po akong aplikante. Mag aapply po sana akong kasambahay" pagkasabi ko niyon ay biglang bumukas ang small door katabi ng malaking gate. Sinalubong naman ako ng isang lalaki. Sa tantiya ko ay nasa 30 na ang edad ito. Makisig ang pangangatawan at halata mong alagang alaga sa gym. Sinundan ko na lamang ito kung saan man ito pupunta. Pumasok kami sa loob ng mansiyon. Kung gaanong kaganda sa labas ay mas lalong maganda sa loob. Para akong nasa loob nh malaking establisyemento. May dalawang hadgan din dito na sa tingin ko ay patungong second floor ng bahay. Grabe sa yaman ang pamilyang ito. Halos ng lahat ng mga muwebles ay yari sa mga mamahaling materyales. Maluwang ang sala na sa tingin ko ay kakasya ang benteng tao. May mga ibang kasambahay rin akong nakikita dito. Mga abala sila sa mga gawaing bahay. "Manang Ditas, kayo na muna ang bahala sa kanya habang wala pa si Lord. Baka next week pa ang balik niya galing Sweden" anas ng lalaking ito sa tingin ko ay mayordoma ng bahay na ito. "Salamat sayo, sir...?" paglalahad ko ng kamay ko sa kanya ngunit tinignan lamang ako nito at hindi man lang nag abalang makipag kamay sa akin. Kaya ang ginawa ko ay kinamayan ko na lamang ang sarili kong kamay. Pansin kong hindi ito makatingin ng diretso sa akin na siyang labis kong ipinagtataka. "tawagin mo na lamang ako sa pangalang Arman. Kung may kailangan ka sabihan mo lang si manang Ditas o ako" anas nito. Tanging pagtango na lamang ang aking ginawa dito. "iha, sigurado ka bang kasambahay ang magiging trabaho mo dito?" nagtatakang tanong ng matanda sa akin. Bahagya akong nagulat at kinabahan ng kaunti. Hindi kaya nakatunog na ito sa balak kong gawin sa pamamahay na ito. "ah, eh, oho" anas kong hindi makatingin ng derecho dito. "napakaganda mong bata ka. Teka ilang taon kana ba?" nakahinga lamang ako ng maluwag sa sumunod na tinuran nito. Okay, safe ako. "23 ho" nakangiting wika ko dito. Mabilis namang nakagaanan ko ng loob si Manang Ditas. Pakiramdam ko ay mabuti itong tao. Base sa mga ikinikilos nito ay siya ang pinagkakatiwalaan sa bahay na ito. Wala rin akong mabasang kakaiba sa kanya. "Ang tangkad mo at ang sexy ng pangangatawan mo. Pwede kang maging modelo. Ngunit bakit pagiging kasambahay ang napili mo?" usisa pa nito. "Kailangan ko po kasing magtrabaho para may pantustos sa pangangailangan ng kapatid ko sa kabilang probinsiya." mas pinalungkot ko pa ang boses ko upang mas kapani paniwala. "Naku napakaswerte naman ng kapatid mo. Siguro proud na proud sayo ang mga magulang mo" para akong akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa huling sinabi nito. Mas lalo lamang naging makatotohanan ang aking lungkot lungkutan. Sana nga sila na lang ang rason kung bakit ako magtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan nila, sa gayon alam kong buhay sila at makakasama ko. "P-pasensiya kana k-kung marami akong tanong" malungkot na anas nito. Labis akong nagtaka ng pasimple nitong pinunasan ang kanyang mata at biglang lumungkot ang kanina'y masayang aura nito. Hindi ko na lamang iyon pinansin. "oh, siya. Halika at ihahatid kita sa iyong magiging silid. Tanggap kana iha" anas nito. Sa maid's quarter niya ako dinala ngunit maganda dito dahil may sarili akong kwarto. Bale lahat ng kasambahay dito ay may kanya kanyang kwarto. Bagay na ikinatuwa ko naman. Ngunit may common CR at common kitchen ang buong bahay na ito. Ayos na rin iyon. Ang mahalaga may privacy pa rin ang mga kasambahay dito. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko sa aking silid nang biglang pumasok ang isang kasambahay. Matalim ang tingin nito sa akin na para bang isa akong masama at balakid sa mga mata niya. Ano kayang problema nito. Hmmm. Mukhang magiging exciting ang lugar na ito para sa akin. "ikaw ba ang bagong kasambahay dito?!" mataray na anas nito habang nakapamaywang. Hindi ko ito pinansin at nagtuloy lamang sa pag aayos ng aking mga gamit. Mabuti na lamang at nasa tagong parte ng bagahe ko ang aking mga armas. Mukhang maaga akong makakaengkwentro ng kalaban. Ngunit kailangan ko munang magmasid ng masusi. Upang walang madamag na inosente sa labang ito. "hoy tinatanong kita!" malakas na sigaw na ito. Hindi ko pa rin ito pinansin. Bahala ka sa buhay mo. Ako ay busy sa aking ginagawa. Ngumawa ka jan mag isa mo. "aba talagang hindi ka magsasalita ha" Mataray na anas nito at talagang lumapit pa sa akin. Akmang hihilahin nito ang buhok ko ng hawakan ko ang kamay nito. Kanina pa akong nag titimpi dito ngunit nasundo na nito ang pika ko. "arayyy!" anas nito dahil talagang pilipit ko ang kamay nito. "ano naman kung ako ang bagong kasambahay dito?!" anas ko dito na siyang ikinalaki ng mga mata nito. Mahalata ko ang takot sa mukha nito. Dahil hindi yata nito inasahan ang ginawa ko sa kanya. Anong tingin niya sa akin basta na lamang nag papaapi? Mas lalo ko pang pinilipit ang mga daliri nito sa kamay kung kaya mas lalong lumakas ang hiyaw nito. "Makakarating ito kay Lord!" mariing anas nito. Talagang balak pang magsumbong ng bully na ito. Nakita ko naman sa likuran nito ang isang kasambahay na nagulat ng makita kung paano kong pinilipit ang mga daliri ng mahaderang kasambahay na ito. "Eva! Tama na yan. Mag hunos dili ka!" anas ni Manang Ditas at malakas na itinulak ko ang babae dahilan kaya ito natumba. Hawak hawak nito ang kanyang kamay habang dinaluhan naman siya ni manang Ditas. "Eva, ito ang lagi mong tatandaan. Iwasan mong makipag away dito. Dahil kamung lahat ay mananagot kay lord. At ikaw naman Dalyah, anong ginawa mo?" anas ni manang Ditas. Nakatingin lamang ako sa mga ito habang nakataas ang isang kong kilay. Ang isang kasamahan naman nito na napag alaman kong ang pangalan ay Mina. "M-manang D-ditas alam niyo naman ang utos sa akin ni lord ang usigin ang mga bagong dating para malaman kung sino ang traydor sa mansiyon na ito." anas nito at nahihiyang napatingin sa akin. Nahihimigan ko naman ang takot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD