"Babe, listen to me. Please hear me out," pagmamakaawa ni Ivana. "Ivana, please. Get out of my sight." Nakatungo si Jackson habang hinihilot ang kaniyang sintindo. "No! Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi tayo nagkakaintindihan," pagmamatigas ni Ivana. Alam niyang galit talaga si Jackson dahil hindi siya nito tinatawag sa kanilang endearment. Dahan-dahang ini-angat ni Jackson ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay napupuno ng hinanakit at pagsisisi. Buong buhay niya, palagi niyang isinasaalang-alang kung ano ang mararamdaman ng babaeng nasa harapan niya bago siya gumawa ng desisyon at aksyon. Wala siyang nais kung hindi ang mapaligaya ito at maibigay ang marangyang buhay na kinagisnan nito. Ivana's family business is on the verge of bankruptcy. Ito ang pinakadahilan ni Jack

