Kinabukasan ay masaya na ulit si Ellah hindi na niya naiisp iyong pakikidate sa mga lalaki dahil mas iniisip niya ulit na mas nagiging masaya siya at kuntento sa pagiging single niya kaya okay lang sa kanya na walang boyfriend. Kung destiny ko, so be it. Tatanggapin ko ito gamit ang dalawang kamay why not diba?" Napangiti siya nang maluwang bagaman sa kaibuturan ng puso niya ay may nararamdaman siyang munting kirot sa naisip niyang iyon dahil gusto nga niyang magkapamilya. Habang nasa ganoon siyang pagiisip ay bigla siyang nilapitan ng isa sa malalapit niyang katrabaho na si Jean ngiting-ngiti ito habang papalapit sa kanya.
"Ano'ng mayroon at mukhang masaya ka ngaun ah kurimaw kong kaibigan?" nakangiting tanong niya dito.
"Hmmm mamaya ko na lang imomosang sayo habang kumakain tayo ng lunch natin wag kang excited diyan." sani nito sa kanya.
Pagsapit ng lunch break ay sabay uli silang nagtanghalian ni Jean at sinabi nito sa kanya ang magandang balita.
"Ano?!" malakas na sigaw niya. Haaa, tama ba ang dinig ko? Pakiulit nga."
"Tama ang narinig mo, Ate Ellah. Malapit na akong magpakasal." Mababakas sa mukha nito ang tuwa, kilig, at excitement. Hindi maikakaila na masayang - masaya si Jean sa lalaking papakasalan nito.
"Saglit nga bakit parang ang bilis naman ng desisyon mong magpakasal ha, pinag isipan mo banb mabuti yan? tapos ngaun ikakasal na kayo, seryosl ba ya? Hindi ba kailan lang kayo nagkakilala ng boyfriend mong si ano nga ba ang pangalan niya?"
"AUDREY ang pangalan niya ate." agot niya. Hindi pa ba sapat ang siyam na buwan, ate? Besides, hindi ako naniniwala sa long engagement kasi kung para talaga kayo sa isa't isa bat pa ninyo papatagalin ang relasyon niyo diba, ate?" inosenteng tanong ni Jean sa kanya.
"Kahit na dapat mo na pag-isipan yan ng mabuti wag padalusdalos sa desisyon na magpakasal, Jean. Hindi biro ang pagpapakasal lalo nakung hindi mo pa talaga ka kilala ang taong iyong papakasalan sabi nga nila hindi mo kailangang magmadali sa pag aasawa. Bata ka pa naman ah." Talagang nag-aalala siya para sa kanya. Ang turing niya kasi rito ay nakababatang kapatid niya. At bata pa ito sa edad na Twenty-seven years old pa lang at kung siya ang tatanungin, bata pa talaga ito para magpakasal sa edad niyang iyon. Hindi naman sa totul siya na magpapakasal na si Jean ang kaso hindi niya lang maiwasan na mag alala sa kaibigan niya.
"Ate wag mag alala pinag-isipan ko na itong mabuti, ate Ellah at saka payag na rin ang mga parents ko na magpakasal ako kay Audrey, at saka mabait siya at mahal na mahal din niya ako sure ako doon." nakangiting sabi nito sa akin.
"Of course! Naman Jean siyempre lahat ng lalaki ang unang sasabhin sa babae ay mahal ka diba? Lahat ng lalaki, sure ako doon laht ganoon ang senaryo di kapa nasanay naman eh. Mahal ka sa una at sa una lang masaya tapos sa huli iiwan kana. Naku hintayin mong lumipas ang ilang taon at saka mo makikita ang tunay na kulay n lintik na mga lalaking yan my dear Jean. I'm certain that one day you'll find yourself bawling your eyes out when you se him in the arms of another woman because." Napahinto siya sa pagsasalita at itinikom ang kanyang bibig nang makita ang itsura ni Jean. Dahil parang gusto na nitong umiyak sa harap niya. Gusto niyang sampalin ang sarili sa kanyang kadaldalan na offend na yata niya ito sa mga pinagsasabi niya. At saka mukhang kahit anong pigil ko na masaya ako at kahit anong pangungumbinsi niya sa sarili ay parang lumalabas pa rin ang totoo niyang damdamin na bitter nga siya dahil sa pagiging single niya ganoon na ba siya kasama para sirain ang kaligayahan ng mga kakilala niya dahil successful ang love life ng mga ito? Siguro naman aya hindi nila kasalanan na umibig sila at nagkatotoo na magkaroon sila ng pamilya. "I-I'm very sorry about what i said." sabi niya kay Jean.
"No, ate it's okay." mahinang sabi ni Jean sa kanya at tumingin sa kanya na tila pinilit pang ngumiti. "Alam mo at naisip ko lang na sana, puwede kitang kuning isa sa bridesmaids ko. Puwede ka ba, Ate Ellah?" Daig pa niya ang sinampal sa sinabi nito. Pakiramdan niya ay napakasama niyang tao dahil nga sa mga pinagsasabi niya dito kanina. Napabuntong-hining siya bago hinila si Jean bago yakapin. "Of course why not ako pa ba ay tatanggi sa alok mo. Sorry sa mga nasabi ko. Medyo tinopak lang ako."
Gumanti ito ng yakap sa kanya. "Naku ate okay lang 'yon wag mo nang isipin. Darating din ang lalaking nakalaan para sayo siguro hindi pa sa ngayon." sabi nito sa kanya.
Wag mo na lang siyang hanapin, kusang dadating sayo iyon ate. Baka nga malapit mo na siyang makilala e malay mo sa arawnng kasal ko ay saka mo sita makilala."
"Hay naku sana nga magkatotoo yan praised to god," mahinang sabi niya bago lumayo rito at masuyo itong nginitian. "So, tell me about your wedding plans. Pwede ko bang malaman ang mga detalye para makapag bigay ako ng konting suggestion about sa kasal mo."
Nagliwanag ang mukha ni Jean sa mga sinabi niya bago ito nagsimulang magkuwento tungkol sa nalalapit nitong kasal. Panay ang tango at pagbibigay niya ng suhestiyon habang nagsasalita ito. Pero sa likod ng isip niya ay umusal siya ng isang dasal.
Patawarin N'yo po ako ama sa mga nasabi ko tungkol kanina hindi ko po sinasadyang sabihin ang mga iyon kay Jean. Dalangin ko po na sana nga ay maging maayos at masaya ang pagsasama nina Jean at Audrey. At Kayo na rin po ang bahala sa plano ninyo para sa akin.
kong dumating man ung lalake na para sakin ayoko sana masaktan tulad ng iba kase baka di ko kayanin kaya ko lng nasabi sa kaibigan ko yon kase ayoko sya masktan o umiyak sa huli kaya nga ako natatakot mag ka jowa baka masaktan lng din ako.
kaya kong may dumating man para sakin kikilalanin ko mona mabuti kong seryoso ba talaga kase ayoko mag sisi sa huli dahil ang pag ibig di namn katulad ng kanin na pwd mo iluwa pag napaso ka. pero need ba talaga masaktan bago mo matamasa ang tunay na pag ibig kaya natatakot talaga ako pumasok sa isang relasyon hintayin ko nLang ang destiny ko kong may dumating salamat kong wala salamat na din. pero dahil sa mga nakikita ko nasasaktan mas lalo ako natatakot pumasok sa isang relasyon di nmn ako sa nag mamadali kahit matagal basta true love maghintay ako sa mga panahon na iyon sa ngaun masaya muna ako para sa mga kaibigan ko dahil nahanap nila ang true nila.