Hinihingal na umupo ako sa bato na nasa labas ng cabin nina Ares. Hinagugol na namin ang buong camp, wala parin siya. Pinuntahan namin ang daycare at wala din sina Vane at Tana. Don't tell me... "Hindi naman siguro naglayas ang isang iyon, diba?" Nag-aalalang tanong ni Pierce sa'kin habang hinahagod ang tingin sa paligid. Umiling ako. "I don't think so, nandito lang naman ang mga damit at gamit nila." Agad akong nakaramdam ng pag-aalala kay Ares. Siguro natatakot siyang makita ng lalaking iyon ang mga anak niya, baka kunin sa kaniya at ilalayo. Kaya siguro lumayo agad siya, pero patungong saan naman? All their stuff are here, even Tana's favorite blanket, she knows that Tana could not survive the night without her favorite blanket. Nag-angat ako ng tingin kay Paige na nagtatakang ti

