Hindi ako maaari na tumayo lamang rito habang alam kong hindi ayos ang lagay ni Mommy. Nag madali akong umakyat sa taas, doon sa may kwarto nila Mom. Sa labas pa lamang ay rinig ko na ang impit na sigaw nito na tila ba hirap na hirap at nasasaktan. Napahinto ako at natakot na pumasok. Kaya ko ba na makita ang madadatnan ko sa kwartong iyon? Inipon ko ang lahat ng natitirang tapang ko at lakas ng loob bago humarap sa kanila. Nang ihakbang ko ang mga paa ko, at pumasok sa kwartong iyon ay nakita kong namimilipit si Mommy habang hawak ang banda tiyan n'ya. Napatingin silang lahat sa akin, ganoon na rin si Mommy. "Mom, anong nangyayari sa 'yo?" Tila nanginginig na sambit ko at dahan dahan na nilapitan s'ya. "V-victoria? honey? you're here." Pilit na ngumiti ito sa akin sa kabila ng sak

