So s'ya nga 'yon? iyong may ari ng helmet at iyong nag hatid sa akin sa Altorre Academy? Edi ang ibig sabihin, ginawa kong driver ang anak ng may ari ng school na papasukan ko sa college? Pero teka! hindi ko naman alam eh, hindi ako aware, ang akala ko talaga ay rider s'ya dahil pila naman talaga 'yon ng mga habal habal. Jusko! naalala ko tuloy ang lahat ng ginawa at sinabi ko sa kaniya noong araw na 'yon. Sobrang nakakahiya! hindi na dapat mag tagpo muli ang landas namin na dalawa! "Miss Montejo?" Napabalik ako sa ulirat at biglang napatayo ng tawagin ako ng adviser ko. Last subject na ngayong araw at wala akong ginawa mula pag pasok ko kundi ang isipin ang mga kahihiyan na nagawa ko sa lalaking 'yon. "Sorry Ma'am, ano po iyon?" "I need to talk to your parents tomorrow." "Po? ba

