"Paano 'yan? mukhang kailangan na natin na buhatin ang Ate mo." Sambit ni Kuya Hash kay Vaun. Ako, si Hera, si Harley, Kuya Hash at Vaun ay nakatayo habang naka tingin kay Victoria na naka yuko at parang nakapa himbing na ng tulog sa mesa. Kulang na lang ay humilik ito sa lalim ng tulog niya. Baka nga nananaginip na siya sa mga oras na ito. Hindi namin akalain na ganoon pala sya kabilis tutumba, pang ilang bucket pa lamang nga ng beer ang naiinom namin. Siguro ay pang pito o pang walo pa lamang ata base sa pagkaka tanda ko. "Bakit kasi hinayaan n'yo si Ate Victoria na sumabay sa inyo ng pag iinom? eh mga lalaki kayo at parang tubig nga lang sa inyo ang alak." Sermon ng kapatid kong si Hera. Grabe naman siyang mag salita. Hindi naman kami ganoon kalakas uminom, pinalalabas nya pa kami

