Pero teka, kailan pa ako na conscious kay Vaun tungkol sa itsura ko? Ano naman kung makita niya akong ganito? dahil lang ba nagandahan siya sa akin noong nakaayos at naka make up ako ay mahihiya na akong ganito ang itsura ko ngayon? Eighteen years akong nabuhay ng ganito, at bakit ko babaguhin iyon para sa kaniya? dahil lang ba sa nobyo ko na siya? Hindi ganoon iyon, Hera. Nag bago lang ang status niyo ni Vaun, pero wala kang dapat na baguhin sa sarili mo. Okay? Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto ng banyo. "Hi, good morning." Bati ni Vaun sa akin pagkalabas na pagkalabas ko. May kinukuha ito sa ref na kung ano. Kaya't habang nakayuko ito doon ay nagmadali na akong umalis ngunit napahinto ako ng mag tanong ito. "Nasaan nga nakalagay iyong orange juice niyo?" Tumayo ito at

